CHAPTER 2

6.2K 104 1
                                    

Agad akong nagbayad sa driver pagkadating namin at mabilis na bumaba sa taxi. Inayos ko muna ang suot ko bago naglakad papasok sa company.

Isa akong clerk sa marketing department, tatlong taon na rin ako sa kumpanyang ito. Ang SMITH CONSTRUCTION COMPANY (SCC). The biggest and famous construction firm not only in the country,but also in U.S. And in middle east.
Dalawang taon gulang na si Shawn ng mag trabaho ulit ako.

"Good morning maam Shareeka" binati agad ako ng mga gwardya sa may bungad pagkapasok ko. "Good morning din po sa inyo" ganting bati ko rin sa kanila , bali tatlo silang gwardya sa may bukana ng pinto. Iyong iba naman ay nakalat kung saan-saang panig lang ng building.

"Good morning Miss A. Ang ganda natin ngayon ah" Nakangiting bati rin sakin ng receptionist namin na si Miss Kate na kaibigan ko na rin.

"Hahaha, ngayon lang ba Kate? Always naman diba? Anyways, good morning din Miss K." Natatawa kong sabi sa kanya.
Tumungo na rin ako sa tapat ng elevator, kasabay ng iba pang mga empleyado na naghihintay na bumukas iyon.

Some of my co-employee greeted me too, at iyong iba naman ay snab at taas lang ng kilay. Iwan ko ba sa kanila bat and init ng dugo nila sakin. Pero hindi ko nalang pinapansin, as long as wala akong ginagawang masama sa kanila. Kaya hinahayaan ko nalang sila, basta wag lang nila akong kantiin. Dahil manghihiram sila ng mukha sa aso.

Mayat maya bumukas na rin ang elevator, at hahakbang na sana ako para pumasok sa loob ng may bumanga sakin. Kaya nawalan ako ng balansi at muntik ng matumba, buti nalang naging mabilis ang kilos ko. At hindi ako bumagsak sa sahig, buti nalang at hindi kalakasan.

Tiningnan ko kung sino ang may kagagawan non, nakita ko pa ang nakakalungong ngisi ang isa mga kasamahan ko. At bumulong bulong pa na ikinatawa naman ng mga kasama niya. Actually, grupo sila ng mga inis sakin apat sila. For the reason? I don't know.

Hindi na rin ako nakapsok sa loob dahil nagsara na iyon, buti nalang bumukas ang isa pa at pumasok narin ako. Tatlo ang elevator sa dito, ang dalawa at para sa mga empleyado. At ang isa naman ay exclusive for the boss only or VIP.

Pinindot ko na rin ang 45 number ng floor ng department namin. Every department ay nasa iba't ibang floor, and the top one which is the 50th floor ay ang office ng CEO. Ever since, never pa akong nakaakyat sa floor na iyon. Masyado kasing strekto ang aming boss, hindi ka basta basta makakaakyat. O makakapasok sa opisina ng boss, Maliban nalang kung ipapatawag ka niya.

Bata pa ang aming boss, twenty eight pa lang. Mas matanda pa ako sa kasya dalawang taon, and I heard na may mas nakakatandang kapatid pa ito na sa U.S. naka base. At mas strekto raw iyon kaysa sa boss namin.

Tumunog ang elevator at bumukas na at dali dali na along humakbag palabas. Pumasok agad ako sa office namin, may mangilan-ngilan na rin akong mga kasahan na nandito na rin.

"Good Morning Sha" si Marie isa sa mga kasamahan ko at ka close ko dito sa department namin. "Good morning din" ganting bati ko rin kay Marie habang papumunta ako sa cubicle ko at pinatong ang bag ko sa aking mesa.

" Oy Sha iniinvite tayo ni Mike sa birth day niya bukas ng gabi, sama ka ha?" Nakasunod pala siya sa akin. Si Mike kasamahan rin namin na ahead lang sa amin ni Marie. Sabay kaming napasok ni Marie dito sa kumpanya, actually tatlo kami si Kris ang isa pa.

"Pass muna ako diyan Marie, kayo nalang alam mo naman walang kasama si Shawn. May pasok si Shaina kaya walang makakasama ang anak ko sa bahay." Paliwanag ko nalang kay Marie.

"Pwede mo namang isama ang anak mo sa party Sha. Para hindi ka na mag-alala, total sa bahay lang naman ang celebration ko" napalingon kami ni Marie sa nagsasalita, si Mike pala kapapasok lang.

"Oo nga naman Sha para makilala na rin namin ang anak mo ng personal." Sabat naman ni Kris na nasa likuran lang pala ni Mike.

"Oo nga Sha isama mo na si Shawn" gatong naman ng katabi kong so Marie.

Napaisip naman ako sa mga sinabi nila sa akin. Totoo ang mga sinabi nila, hindi pa talaga nila nameet ng personal ang anak ko. Although, alam naman nila na may anak na ako.

"Okey" maikling sabi ko. "YES" natawa ako dahil sabay pa sila. "Anong oras ba Mike?" Tanong ko sa kanya. "7PM, tamang tama mga gutom na kayo non" tumatawa pa niyang sabi sa amin.

"Sira ka talaga Mike" sabay pa naming sabi sa kanya at napatawa na rin kami dahil sa kalukuhan niya. Nagtatawanan pa kaming apat ng biglang bumukas ang pinto, at pumasok ang dept. Head namin at tiningnan pa kami ng nakataas ang kilay. Kaya bigla kaming natahimik at biglang naglaho ang tatlo. At nagsipunta na sa kani-kanilang mga pwesto.

Si Mrs. Ramos ang department head namin, strekto pag oras ng trabaho pero makakabiruan mo naman pag sa labas na. Mas pabor ako sa ganyang klase trato, dahil dapat lang na nakapukos sa trabaho.

Maya't maya ay naging busy na rin kaming lahat sa aming mga nakatukang trabaho. Hangang sa narinig ang announcement, "Paging all the department heads, please proceed to the conference room right now. Paging all the department heads, please proceed to the conference room right now"

Dali daling lumabas si Mrs. Ramos sa kanyang maliit na opisina na nasa loob lang din ng department namin, at mabilis na tumungo sa conference room.

Nagkatinginan nalang kaming lahat, dahil sa naging pagtawag.

"Emergency meeting na naman, what is it this time" di mapigilang sabi ni Marie.

"Malalaman natin yan pagbalik ni Mrs. Ramos" si Kris ang sumagot sa tanong ni Marie.

Iwan ko ba kung bakit ako biglang kinabahan sa announcement na iyon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, Na para bang may hindi magandang mangyayari.

"Diyos ko ano ba itong nararamdaman ko bakit ganino" mahinang bulong ko sa sarili ko. Ilang beses pa akong nag inhale exhale bago nagsimula muli sa trabaho.

Magla-lunch break na ng makabalik si Mrs. Ramos. At kita sa mukha niya na ang lungkot, bagay na nagpapahiwatig na may hindi magandang nangyari. "Ano kayang nagyari sa meeting" bulong ko sa sarili ko.

Agad na mang nasagot and mga tanong ko sa isip ng magsalita siya. Huminga muna siya ng malalim bago magsimula "Listen everyone, we both know na pinatawag kami sa taas" tumango lang kami at walang nagsalita, lahat gustong malaman kung bakit.

"The reason is, the CEO's condition is not good. And his critical, due to car accident last night. At hindi pa siya nagigising." Lahat kami ay nagulat sa balitang iyon at hindi makapaniwala. Sabay sabay pa kaming napa "OH MY GOD" nagkaroon ng kanya kanyang conclusion sa nagyari.

"At dahil sa nagyari, si Sir James muna ang mamahala rito sa kumpanya. Siya ang nakakatandang kapatid ni Sir Jason, na nakabase sa U.S. and please cooperate. Thank you and get back to work." Pagpapatuloy pa ni Mrs. Ramos. At nglakad na pabalik sa kanyang opisina.

Parang biglang nagkaroon ng mga bubuyog sa loob ng opisina namin, dahil sa nangyari sa aming boss. At sa magiging boss pa namin.

"Tara na sa baba lunch break na" si Kris ang nagsalita kasunod niya si Marie at Mike na halatang balisa ang huli. Siguro dahil sa nangyari sa boss namin.

Binitbit ko ang bag ko at lumabas na rin kasama sila papuntang baba, Sa Cafeteria. Sa loob at labas man ng opisina maging sa sa Cafeteria ang nangyari kay Mr. Smith ang pinag-uusapan. Maraming tanong, iyong iba ay nag jumping into conclusion na.

Nag oder na rin kami at pumwesto na para kumain. Sa may bandang bintana kami na nasa dulo, our favorite place kumbaga. Dahil dito kaming apat laging nakapwesto. Habang kumakain ay napag-usapan parin ang nangyari sa boss namin.
Biglang tumayo si Mike at nag excuse ng magring ang kanyang phone.

"Ladies sorry I really need to go." At nagmamadali ng umalis. Nagkatinginan nalang kaming tatlo at binalikan ang pagkain. Bumalik agad kami sa opisina pagkatapos, and our daily routine here in the office has end.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now