CHAPTER 14

4.7K 84 1
                                    

"Shakeeraaaaaaa......" Nakakabinging tili ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa opisina namin. It was Marie and Kris. I cover my ears, para kasing sasabog ang mga eardrums ko sa lakas.

"Ano ba yan sakit sa tainga." Nakangiwing reklamo ko sa kanila. "Ikaw huh, explain. Bakit kayo magkasama ni Sir? At saka bakit magkamukha si Shawn at si Sir huh? Ikaw si Sir KAYO?!" Sabay pa nilang sabi.

"Wait, wait lang!" Nakataas kamay ko pa silang pinatitigil. "Ano bang pinagsasabi niyo diyan huh?" Naguguluhang sabi ko sa kanila.
"Si Sir at Ako? Nako Hindi! Mali kayo ng iniisip kong ano man iyon." Paliwang ko sa kanila.

"Eh, bakit kayo magkasama. Si Shawn?" Hirit pa ni Marie sa akin.

"Si Shawn? Anong meron sa anak ko? Saka kaya kami magkasama ni Sir kasi nga ipinahatid kami sa kanya ni Mike. Iyon lang, teka nasaan na ba ang lokong iyon?"
Sabi ko pa ng may maalala ako.

"Oo nga asan na ba ang kumag na iyon? Nang mabatukan ng pagkalakas lakas." Sabi pa ni Kris.

"Good morning..." Napalingon kami sa biglang nagsalita.

"Speaking of the divil!" Sabi bigla ni Marie sabay batok rito.

"OUCH Marie bakit? Sakit non ah." Reklamo niya sabay himas sa kanyang batok.

"Nagtatanong ka pang kumag ka?!" Agad na itong tumakbo ng ambahan na naman ito ng kamay ni Kris.

"Kami ba Mike eh pinaglululuko mo huh?" Dagdag pa niya.

"Alam mo Mike nakakainis ka, bakit ka naglihim sa amin ha. Wala ka bang tiwala sa amin para paglihiman mo? Ang tagal na nating magkasa, magkakaibigan. Para lang pala kaming mga tanga. Kung Hindi pa kami pumunta sa party mo hindi namin malalaman kung sino ka talaga. Imagine, kamag anak mo pala ang may ari nitong kumpanya. Hindi lang basta basta na kamag anak, baka nga isa ka sa mga may ari rito." Nagtatampong sabat ko sa kanila.

Halata ang gulat sa mga mukha ng dalawa kong kasama sa sinabi ko. Nanlaki pa ang mga mata. Tinalikuran ko na sila at tinungo ko na ang pwesto ko.

"Mike?" Sabay na naman na tanong ng dalawa. Napeace sign lang ito sa dalawa at ngumiti.

"Hindi naman sa ganon Sha, you never ask and I only want to be normal like you guys. Ayaw kong mailang kayo sa akin. Saka ayaw kong sabihan niyong mayabang.
And I'm comfortable to be with you guys, kahit na lagi niyo akong minumurder. Sorry na." Paliwanag pa niya. Pinagsalikop pa and dalawang kamay. Anyong parang batang may malaking kasalanan.

"You mean kamag anak no talaga si Sir James? Kaya andon din siya sa party mo?" Si Kris na mas lalong lumaki ang mata sa sobrang gulat.

"Pinsan niya Kris" sabi ko. Mukhang di nila alam.
"P-Pinsan?! As in cousin?!" Nautal pang sabi niya.
"Paano mo nalaman Sha?" Abay biglang kumambyo ang expression ng mukha. From gulat to curious.

"Pinakilala niya kami ni Shawn, kaya nalaman ko. Saka isa pa sister niya pala si Miss Charry iyong CEO's secretary." Dagdag ko pa.

"Talaga?"gulat pa ring sabi nila.
Tumango na lang ako sa kanila.

Iyong ibang mga kasamahan ko naman panay sabing, ang gwapo daw ng anak ko. Hindi daw halata na may anak na ako. Hindi daw nila Inakala na may anak na ako.

Naputol lang ang mga tanong at usapan namin ng dumating si Mrs. Ramos. Kaya naging busy na rin kami.

"Sha pwede ba tayong mag usap?" Nagulat sa seryusong tanong na iyon ni Marie. Kaya napatitig ako sa kanya.

"Oo naman, tunkol saan ba yang pag uusapan natin?"

"Mamaya na lang pagka lunch break natin. Sa labas tayo kumain." Sabi pa niya.

"OK sige, tayo lang dalawa?" Sagot ko sa kanya.

"Tayong tatlo lang ni Kris, hindi kasama ang ugok na iyon." nakaismid pa niyang sabi sa akin. Mukhang seryoso itong pag uusapan namin ah.

Kaya kami lang tatlo ang magkasamang naglunch sa labas. Katapat lang ng kumpanya. Marami ring mga empleyado ang kumakain dito. Talagang seryuso itong dalawa na hindi isama si Mike.

"Ano bang pag uusapan natin?" Tanong ko agad sa kanila pagkaupo palang namin. Nakaorder na rin kami. Nasa may bandang sulok kami kumuha ng pwesto. Puno na
rin halos.

Nagkatinginan pa ang dalawa. Bago nagsalita si Kris.

"Huwag mo sanang mamasamain ang itatanong namin sayo Sha hah"

"Bakit ano ba yon?" Curious talaga ako. Kinabahan ako sa klase ng mga titig nila.

Napakaseryoso, mapanuri at mukhang galit. At ang talim para bang may ginawa akong masama.

"Oy! ano ba? May problema ba, may nagawa ba akong kasalanan sa into? Ano ba yon, sabihin niyo na. Hindi iyong para ninyo akong kakatayin sa mga tingin niyo, hah?" Naguguluhan talaga ako.

Pero nagulat na lang ako sa reaksiyon ng dalawa. "Wahahahahahahaha". Bigla na lang bumunghalit ng tawa. Nakahawak pa sa mga tiyan nila, walang pakialam sa mga taong nakatingin na sa gawi namin.

Nagunot ang noo ko sa kanila.
"Ano bang nakakatawa huh?" Naiinis na ako sa kanila.

"Alam mo Sha nakakatawa talaga ang reaksyon mo. Para kang hindi matae na pinilit alam mo iyon?" At tawa pa rin tawa si Marie sa sinabi niya.

"Ganon?" Nakataas kilay Kong sabi sa kanya. "So pinagtripan niyo lang ako?" Dugtong ko pa. Na pinagbabatok ko sila. "Mga walang hiya talaga kayong dalawa ano?" Sabi ko pa.

Tawa pa rin sila ng tawa sa akin. "Nakakatawa ka talaga Sha, promise." Hindi na nawala ang tawa sa mukha ni Kris.
"Promise your face niyo mukha niyo. Natripan niyo na naman ako" Nakaingos ko pang sabi.

"Sorry,?," Sabi pa ni Marie.
"Gusto ka lang naming masulo." Biglang someryoso ang mukhang sabi into.

"So, ibig sabihin niyan eh wala talaga kayong sasabihin sa akin?"
Sabi ko.

"WALA." Aba magkasabay pang sabi. Na nakangisi pa rin at nag peace sign pa ang dalawa.

"Ang galing niyong mang good time huh, nakakatangal ng nervous. Pati yata kaluluwa eh." Sabi ko sa kanila napailing pa ako. Nag peace sign uli sila sakin.

Tumahimik na rin ang mga ito, pero kita ko panay pa rin ang sulyap nila sa akin. Ramdam ko na may gusto talaga silang itanong.

"Ano ba talaga iyon ha? Kanina ko pa nararamdaman na may gusto talaga kayong sa akin. Spell it out na." Hindi ko na kasi matiis. Nagkatinginan na naman sila.

"Amm, kasi Sha." Si Kris na ang nagsalita napakamot pa ito sa batik. At nag aalangan pa. Tiningnan ko lang siya.
"Si ano, ang anak mo, si Shawn, ang gwapo kasi." Nag aalingang sabi niya pa at Pagak pa itong tumawa.

"So, anong ibig mong sabihin? Direct it to the point" Sabi ko, pero parang alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Na magkahawig sila ni Sir James? Kung si Sir ba ang ama ng anak ko? Alam kong iyon ang gusto niyong malaman. But sad to say it's a BIG NO!" Nagulat pa sila sa sinabi ko.

I just smile at them. "At saka ngayon ko lang na meet si Sir, ahmm actually first na magkita kami sa mall when we bought gift for Mike. Second noong nagpakilala siya sa at in as our new Boss. And last noong pinakilala siya ni Mike sa party niya with their parents. But its a coincidence lang ang pagkakawig nila ng anak ko. Iyon lang yon  okey? I know you won't believe but that's the truth, nothing but the truth. Even me nagulat din." Mahabang paliwanag ko sa kanila. Na ikinatahimik nila. Kahit na mukhang Hindi pa rin sila kumbinsido sa sinabi ko. Pero hindi na sila nagsalita pa. At tahimik ng kumain.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now