CHAPTER 32

5K 89 11
                                    

SHAKEERA's POV

Tatlong araw kaming namalagi sa hospital ng anak ko. Tatlong araw din na hindi na halos umuuwi si Sir James. At hindi rin ito pumasoksa opisina.

Dumalaw naman ang mga kaibigan ko noong araw na ma-admit si Shawn. Nalaman rin nila na si Sir James ang ama ng anak ko. Nagtaka kasi sila kung bakit kasama namin ito. Kaya nasabi ko ang dahilan.

"Sabi ko na nga ba eh, mukha pa lang kitang kita na ang ibidensiya." Sabi pa ni Marie na nakangiti. Pero hindi ko na sinabi ang dahilan o kung paano ito nabuo.
Hindi naman nila ako kinulit.

"So paano iyan? Anong magiging set up ninyo sa bata?" Tanong naman ni Kris sa akin.

"Sa totoo lang, hindi ko pa alam. Hindi pa kasi namin napag-usapan ni Sir." Sabi ko sa kanila.

"SIR?" Sabay pang sabi ng dalawa sa akin.

"Oh bakit? May problema ba sa sinabi ko?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.

"Ito naman nahiya pa, Sir pa rin eh may anak na nga kayo noh." Sabi sakin ni Marie sabay hampas sa braso ko.

"Oh, eh ano ba dapat? Saka isa pa wala naman kaming relasyon ah. Sa katunayan ngayon ko nga lang nalaman na siya pala ang ama ng anak ko." Sabi ko sa kanila. Totoo naman iyon.

"Hindi mo alam? My God Sha nakajugjugan mo hindi mo alam? Ano yon nakapikit kayo? O di kaya walang kuryente, kaya walang ilaw? O nakapiring kayo. Ayos yon ah." Natatawang sabi pa ni Kris.

"It's a long story kasi, basta! Iyon na yon. It's just a one night stand na nagbunga. Ganon lang! No feelings involve. That's it." Sabi ko pa. Basta bahala na sila kung ayaw nilang maniwala.

Buti na lang at wala si Sir, lumabas lang ito para bumili ng hapunan daw namin kasama si Mike. Saka tulog din ang anak ko.
Kaya nagkaroon ng pagkakataon itong dalawa na kulitin ako.

Hihirit pa sana ulit ang mga ito pero dumating na sila Sir James at Mike. Marami na itong dalang pagkain. Dalawang malalaking plastic na may tatak ng mamahaling restaurant. Agad namang inayos ni Mike sa table ang mga dala nila.

"Ok, let's eat na. Sha halika na." Sabi nito pagkatapos. Kumakain na kami ng mapansin kong tahimik at walang imik si Sir.

Napansin ko rin na panay ang sulyap at titig nito sa akin, particularly sa mga hita at binti ko. Napapatiim bagang din ito. Nakasuot lang kasi ako ng short na gitnang hita ko lang ang haba.

Na kulay black at pink na blouse.
Saka tsinilas na pambahay lang ang sapin ko sa paa ko, na-conscious tuloy ako. The way he look at me parang galit.

Maya maya may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Nagulat pa kami dahil may apat na matatangkad at mga gwapong lalaki ang pumasok. Ang mga kaibigan pala ito ni Sir. Agad namang pumasok ang mga ito.

"Oy, tamang tama gutom na kami." Sabi nitong mukhang maluko at agad na lumapit misa.
"Hi girls, I'm Miguel but you can call me Migs. May I know your name girls?" Sabi ulit nito sabay kindat sa dalawa. Na ikinapula naman ng mga mukha nito.

"Hoy Migs mahiya ka naman, at huwag mong isali sa mga kalukuhan mo itong mga kaibigan ko." Saway naman ni Mike.

"Oh, come on dude nakipagkilala lang naman ako sa kanila." Natatawang sabi nito ky Mike. At inilahad ang kamay sa dalawa.

"I'm Marie." Nahihiyang sabi naman nito at halatang kinilig.

"Nice to meet you Marie, and you are?" Baling naman nito kay Kris.

The Man Behind The Mask( Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora