CHAPTER 9

4.9K 106 1
                                    

Pilit ko pa rin ngumiti kahit na kinakabahan ako. Dahan dahan kaming lumapit ng anak ko sa tabi ni Mike. Agad naman niya kaming sinalubong at inakay paupo sa bakanting upuan.

"Guys I'd like you to meet my friend Shareeka, she's working also at the SCC. We're on the same department. And this little guy here, Shawn her son. A very possessive and over protective son to her mom and I was being sampled." Pakilala niya sa amin ng anak ko. Tumatawa pa siya ng sabihin niya ang tunkol sa anak ko. Natawa rin ang mga nasa sala sa sinabi niya.

"Sha this is my mom Charena Mendoza, my dad Mekail Mendoza and my lil sis here Charry Mendoza. She's also working in the company as CEO's secretary." Napatingin ako kay Charry nakangiti lang siya sa akin. That's why she looks familiar. Dahil sa SCC din pala siya nagtatrabaho. And she's so pretty.

"And this is my favorite aunt my mom sister Charmane Smith, and her husband  my favorite uncle Jaime Arthur Smith. And my favorite cousin here James Arch Smith, his our new Boss now. And you already know their other son Jason Arth Smith." Nagtatanong ang mga mata kong Napatingin ako Kay Mike. So his one of them. Nginisihan lang ako ng loko.

"Hello po, magandang gabi po sa inyo." Nahihiyang bati ko sa kanila, muntikan pa akong mautal. Isa isa naman silang nagsilapitan sa akin at hinalikan kami ng anak ko sa pisngi. Kaya napatayo rin kami ni Shawn. "Hello little boy, how you doing?" Sabi pa nila kay Shawn.

"I'm good po, thank you." Nahihiyang sabi din naman ng anak ko.

But Sir James and his parents tahimik lang silang nakatitig lang  kay Shawn. Pati ang anak ko ay napatitig na rin kay Sir. Na para bang kinikilatis niyang mabuti ang mukha nito. Hindi ko na tuloy mawari ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na may kasamang takot, hindi ko ma explain. At para ring nanghihina ang mga tuhod ko. Bahagya pa akong nanginig. I really feel uncomfortable.

"Sha are you okey?" Bulong sakin ni Mike naramdaman niya yata ang panginginig ko.

"Y-Yeah I-I'm Okey." I try to compose my self kahit na medyo nauutal ako. And I try to act normal in front of them. I smile, a bit too. Mas nakahinga ako ng maramdaman ko ang mahinang paghila sa akin ni Mike para umupo.

Pero para na naman akong pinagbagsakan ng langit sa gulat ng marinig ko ang anak ko. 
"Mama, why he really looks like me po?" Iyon and sabi niya na tinuturo pa si Sir James at ang sarili niya.

Gulat naman silang napatingin sa amin ni Shawn.
"Oh God Please help me Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa tanong ng anak ko." Naidasal ko sa isip ko.

Tumikhim muna ako bago ko siya sinagot. "Talaga anak? Nako hindi ko napansin iyon ah. Oo nga pala ano?" pinilit kong ngumiti at huwag mautal na naman ng sabihin ko iyon. It was a lie ng sabihin kong hindi ko napansin. Buti nalang at may naalala ako.

"Hmm, hindi ko rin alam eh. Bakit nga ba? Ammm siguro ganon talaga. Minsan kasi may mga taong nagiging magkamukha. EVEN THEY ARE NOT RELATED TO EACH OTHER. Minsan iyong iba parang pinagbiyak na bunga pa. But it's a rare case anak." Napa "oh thanks God" naman ako dahil nasabi ko iyon ng mabuti.

Buti nalang may mga napanood ako sa balita na ganon ang case. Magkamukha talaga pero hindi naman magkaano ano. Nakahinga ako ng maluwag, parang naintindihan din naman niya.

"Ganon po ba mama." Sabi niya sa akin. At tumango lang ako sa kanya and I smile at him sweetly.

"Maybe you look like your father Shawn, what's his name by the way and where is he? Why he's not coming with you here?" The old man Smith said. Nagulat na naman ako.

"I'm Sorry Sir my father can't be with us , cause he's not with us. And we don't know where he is. And we even don't know him. My mama only know his name. We don't know he's whereabouts." Namangha naman ako sa mga sinagot ng anak ko.

Pati ang mga kaharap namin ay narinig ko pang napasinghap. Ang mga mukha nila, gulat na Hindi makapaniwala na nasabi iyon ng anak ko. Totoo naman kasi, sa katunayan alam ng anak ko ang nangyari sa akin at kung pano siya nabuo.

Wala akong inililihim sa kanya, sinabi ko sa kanya ang lahat noong magsimula na siyang magtanong tungkol sa papa niya. Bakit wala siyang papa, bakit Hindi namin kasama. Bakit hindi niya nakikita.

Imbis na gumawa ng kwentong kung anu anong kasinungalingan  ay sinabi ko na ang totoo. Kaysa umasa pa siya at masasaktan lang naman sa bandang huli. At saka matalino ang anak ko. Naiintindihan naman niya, and I told him na kahit nabuo siya sa ganoong paraan. I never regret what I did, in fact I'm happy and I feel  so bless.

"What his name?" Narinig kong tanong ni Sir James na sa akin nakatingin. But my son, the one who answer him. "His name is  Arch Sir, that's what only my mama knows. And that's why mama named me Shawn Arch Alcantara". Nakangiti pa ang anak ko na nakatingin sa kay Sir.

" ARCH!?" Sabay sabay pa nilang sabi, na halata ang pagkagulat at pagkabigla. At napansin kong napatingin sila kay Sir James na hindi naman naalis ang tingin Kay Shawn.

Nakangiti lang ding tumango ang anak ko.
"How old are you buddy?" I heard Sir James ask again.
"I'm five years old Sir."

"Oh My." Napatakip naman ako sa bibig ko ng maalala ko, pero impossible.

"Mama." Tawag sakin ng anak ko, kaya tiningnan ko siya. "Let's go home na I'm already tired and you still have work tomorrow. So you should take rest now too." Sabi pa ng anak ko sa akin.

"Ohhh how sweet of you Shawn." Hindi napigilang sabi ng mommy ni Sir James. "I remember Ganyan na ganyan din si James, ganyan ka rin  sweet sakin nong ganyang edad ka rin. Right hon?" Nakangiti at parang maiiyak pa niyang sabi sa asawa niya.
"Aalis na po kami, Mike salamat Happy birthday uli." Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila.

"Ipahatid kana namin hija." Sabi naman ng mommy no Mike.

"Naku huwag na ho nakakahiya naman po." Tangi ko sa alok nila sa amin.

"Oo nga naman hija, mahihirapan kang makasakay rito bihira lang kasi ang taxi rito." Sigunda namang sabi ni Ma'am Charmane.
"Mike ipahatid mo na sila sa driver natin"

"Ako na lang maghahatid sa kanila tita. Uuwi narin ako isasabay ko na lang sila." Napalingon ako Kay Sir James.

"Nakakahiya naman po Sir." Nahihiyang sabi ko.

"Naku! Huwag kanang mahiya hija." Sabi pa ng mommy niya. Hinalikan at niyakap nila kami ng anak ko bago kami lumabas.
Ngunit nang si Mike na ang lumapit sa akin ay agad siyang hinarang ni Shawn.

Matalim pa ang tingin nito sa kanya, "I told you not to kiss, not to hug, not touch and not to come near her. She's off limits and she's mine I told you that." Sabi niya na hinila pa niya ako palayo kay Mike. Masama pa rin ang tingin.

"So possessive kid, may pinagmanahan." Ang lakas ng tawa ni Mike,

"Shawn!?" Tawag ko sa anak ko. Tumahimik na lang siya at hinila na ako palabas. Natawa na rin ang mga kasama namin.

"Sige po alis na kami, pasensya na po." Paalam ko uli sa kanila. Nagpaalam narin ako sa mga kasama namin sa labas.

Gulat pa silang nakatingin sa likod namin ni Shawn. Napalingon na lang ako, at nakita ko si Sir na nakasunod na pala sa amin.

"Good evening Sir." Binati nila ito.
Pero si Sir tumango lang at napakatahimik.
"Let's go." Iyon lang ang narinig ko at lumakad na.

"Mauna na kami sa inyo." Paalam ko uli sa kanila.
"Sha?" Sabay sabi pa nila  Marie at Kris sa akin na may pagdududang tingin.

Umiling lang ako saka binuhat and anak ko at sumunod na kami kay Sir.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now