CHAPTER 29

4.4K 95 7
                                    

SHAKEERA's POV

"Diyos ko Shawn! Anak ang init mo." Napabalikwas ako ng bagon ng maramdaman kong napakainit nito. Nanginginig pa ito, at umuumgol din. Dali dali kong kinuha ang thermometer upang kunan ko ito ng temperatura. 39.4 ang init nito. "Diyos ko! Ang taas ng lagnat mo."

Agad kong kinuha ang bag ko at binuhat ang anak ko palabas ng bahay. Natataranta na ako sa nangyayari.

"Manong sa pinakamalapit po na hospital, paki bilisan lang po please." Utos ko agad sa driver pagkapasok ko ng taxi.

"Ate anong nangyari?!" Gulat na tanong sa akin ng kapatid ko. Nakasalubong ko ito, papalabas na sana siya. Agad naman niyang tinawag ang kasama niya na kumuha ng stretcher. At isinakay doon ang anak ko.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako ng sobra. Namlalabo na ang mga mata ko sa luha. Iyak na ako ng iyak. Parang nagbalik sa akin ang mga pangyayari noon. Awang awa ako sa anak ko, napakabata pa niya.

"Ate huminahon ka, walang mangyayaring masama kay Shawn ok?" Yakap yakap ako ng kapatid ko habang sinusundan namin ang anak ko.

"Shaina baka kung anong mangyari sa anak ko, hindi kakayanin. Diyos ko Shaina." Wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin.

"Ate tama na, huwag ka nang umiyak. He's brave, ate. Gagaling din ang anak mo. Gusto mo bang samahan kita rito? O gusto mong samahan ko si Shawn sa loob. Pwede naman akong pumasok roon." Alo sa akin ng kapatid ko.

"Samahan mo na lang ang pamangkin mo Ina, please bantayan mo siya. Ina, ang anak ko." Humahagulogol paring sabi ko. Natututliro na ako sa naramdaman kong takot para sa anak ko.

"Sige na ate, please huminahon ka babantayan ko si Shawn sa loob ok? And promise me magiging ok ka lang dito sa labas, hmm?" Tumango lang sa kanya. Ayaw ko naman na pati ako problimahin pa nito.

Pumasok na rin ito kasama ng anak ko at ng doctor na titingin sa anak sa kanya. Diyos ko please bantayan niyo po ang anak ko. Huwag niyo pong pabayaan ang anak ko lord. Parang awa niyo na po. Iligtas niyo po siya sa kapahamakan. Taimtim kong dasal. Habang nakaupo sa labas ng kwartong pinasukan ng anak ko.

Napatayo ako ng makita kung lumabas na ang Dr.

"Doc kumusta po ang anak ko?" Agad kong tanong sa kanya.

"Don't worry Miss Alcantara your son is fine now, nabigla lang ang katawan ng anak mo ng mabasa ito sa ulan. Kailangan na lang niyang mag stay rito ng ilang araw pa. Upang makapagpahinga at magpagaling." Sabi nito, kaya para akong nabunutan ng napakaraming tinik sa dibdib ko. Diyos ko salamat po.

"Maraming salamat po doc." Pasalamat ko sa doctor. At hindi ko pa rin napigilan ang mapaiyak dahil sa tuwa sa kaalaman na ligtas ang anak ko.

Mayamaya lumabas na rin ang kapatid kong nakangiti na sa akin. Kasama ang iba pang kasama nito at ang anak ko. Agad ko naman itong sinalubong.

Tulog na tulog ito at May nakakabit pang dextrose sa kaliwang maliit na kamay nito. Agad ko namang hinawakan ang kamay nitong walang nakakabit na tubo at hinaplos ito. At isang halik sa noo nito.

"Ate ok lang ba na sa simiprivate tayo? Wala pa kasing bakanting private room sa ngayon. Ililipat nalang natin si Shawn pag may bakante na." Sabi ng kapatid ko sa akin.

Tumango lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Hawak ko parin ang kamay ng anak ko habang dinadala namin siya sa magiging kwarto niya. Pansamantala.
"Salamat." Pasalamat ko sa kanila.

"Ina, mas mabuting umuwi ka na sa bahay ng makapagpahinga ka na. Bumili ka na lang ng pagkain mo, hindi pa kasi ako nakapagluto sa bahay." Sabi ko rito at inabutan ko na rin pera.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now