CHAPTER 18

4.6K 67 2
                                    

SHAKEERA's POV

I never regretted kahit na sa ganoong paraan ka nabuo, I'm so very bless to have you anak. I love you so much. I fall asleep again.

Pagkagising ko kina umagahan laman pa rin ng isip ko ang pangyayaring iyon. Napabuntong hininga na lang ako. Para bang kahapon lang. At naisip ko na naman ang dahilan kung bakit napasok ako sa ganoong setwasyon.

Six years ago...

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay namin ni Shaina pagkauwi ko galing sa trabaho. Bitbit ang isang bucket ng jollibee chicken joy. Araw ng sweldo ko ngayon kaya bumili ako.

"I'm sure magtatalon na naman sa tuwa ang batang iyon." Nakangiting sabi ko sa sarili ko. Twice ln a month lang kami makakain ng ganito. Tuwing araw lang ng sahod ko.

At lagi iyong inaabangan ng kapatid ko. Tuwing akensinas at katapusan ng gabi nagsasaing lang siya. Dahil alam niyang may bitbit na akong isang bucket ng chicken joy. At Hindi na yan mapakali nag aabang na yan sa may pinto ng bahay namin.

Pero wala siya doon ng dumating ako.
"Hmm baka nasa kusina lang at nagsaing pa." Napapangiti na lang ako. Mahal na mahal ko talaga ang little sister ko. Little sister pa rin ang tawag ko sa kanya kahit eighteen years old na siya. And I'm twenty four years old. Isa akong clerk sa di kalakihang kumpanya dito sa may Ermita. Ang sahod ko ay sakto lang din sa amin ng kapatid ko.

Kami na lang dalawa ang magkasama, ulila na kami sa magulang. Sabay na namatay sa aksidente sila nanay at tatay. Nabungo kasi ang bus na sinakyan nila dahil nawalan ito ng preno. Biente anyos na ako noon at katorse pa lang si Shaina. Wala kaming kilalang kamag-anak dahil parihong laki sa bahay ampunan ang mga magulang namin. At hindi rin nila kilala kung sinu sino ang mga magulang nila. Kahit mahirap naka survive naman kaming dalawa sa awa ng Diyos.

"Shaina! Andito na ako. May dala akong chicken joy, nakapagsaing ka na ba?" Tawag ko sa kanya at diretso ako sa kusina. Ngunit wala siya roon, kaya pinuntahan ko sa silid niya.

"Shaina, andyan ka ba sa kwarto mo?" Tawag ko uli sa kanya habang kinakatok ko ang pinto niya. Ngunit wala pa ring sumagot. Kaya binuksan ko na, wala din siya sa loob.
"Ahh baka nagpunta sa tindahan at bumili ng softdrinks.Tama"

Kaya pumasok muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Time past wala pa ring Shaina na dumating. So I decided to call her over the phone. Nagulat na lang ako ng marinig ko ang tunog ng phone niya sa may CR kaya napalingon ako doon.

The ring didn't stop, inataki ako bigla ng kaba. "Shaina? Shaina? Andyan ka ba?" Sinugod ko agad ang pinto ng CR at binuksan ng walang sumagot sa akin.

Para akong pinagsakluban ng langit ng makita ko siyang nakahadusay sa sahig. "Shaina! Shaina, gising!" Nag unahan na ang mga luha ko sa pagtulo. Kahit anong tapik at yugyog ko sa pisngi at balikat niya hindi pa rin siya gumagalaw.

But she's still breathing. "Shaina please gumising ka, tumayo kana diyan. Huwag mo naman biruin ng ganyan si ate please. Gising na!" Rumaragasa na ang kabang nararamdaman ko, para ng mabibiyak ang puso ko.

Namumutla na ang mga labi niya at habol habol ang paghinga. Agad ko siyang binuhat at tumawag ako tulong sa mga kapitbahay ko. "Shakeera anong nangyari kay Shaina?" Tanong ng isang kapitbahay naming lalaki at agad na kinuha sa akin ang kapatid ko. May mga tumawag din ng taxi.

Agad kaming sumakay at nagpahatid sa pinakamalapit na hospital. Isinakay agad sa stretcher ang kapatid ko pagkababa namin ng taxi. Buti na lang at sinamahan ako ng kapitbahay namin na bumuhat sa kapatid ko. Siya pa ang nakapagbayad sa taxi dahil hindi ko nadala ang wallet ko.

"Manong pasinsiya na po talagà babayaran ko na lang po kayo pag uwi ko sa bahay. Salamat din po talaga." Hilam parin sa Luha ang mga mata ko. Tumango lang siya sa sinabi ko.

Agad din namang inasikaso ang kapatid ko. Ilang oras pa ay nagising na siya. At inilipat na sa isang ward. "Kumusta ng pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Anong nangyari, bakit ka nawalan ng malay? Nag alala ako sayo ng sobra" Puno pa rin ng paaalala and boses ko.

"Ate sorry, Hindi kita gustong pag-alalahanin. Sorry po. Ate, ito kasi bigla na lang sumakit at sumikip. Nahirapan akong huminga kanina." Sabi niya sa akin tinuturo ang dibdib niya. Umaagos rin ang luha sa mga mata niya.

"Ssss huwag ka nang umiyak ha andito na si ate." Habang pinupunasan ko ang pinsgi niya. Magsalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang Dr.
"Miss Alcantara can I talk to you for a while?" Sabi niya sa akin.

"Sige po doc, kausapin ko lang ang Dr. mo ha. Babalik din ako agad." sagot ko sa Dr. At binalingan ko ang kapatid ko. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako lumabas upang kausapin ang doctor niya. Kinakabahan ako, namamawis ang mga kamay ko.

"Doc ano pong lagay ng kapatid ko? May problema po ba?" Agad Kong tanong sa kanya. "Miss Alcantara, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Kailangan maoperahan agad ang kapatid mo sa lalong madaling panahon. May namamagang ugat sa puso niya. Kailangan maagapan iyon habang maaga pa. Kaya kailangan mong maghanda ng malaking halaga para sa operasyon. Dahil kong hindi maagapan, mas lalong lalala ito. At maging kumplekado, alam mo angyayari sa kapatid mo kung sakali man. Think about it Miss Alcantara."

Marami pa siyang sinabi sa akin hangang sa tumalikod na siya ngunit wala na akong naintindihan. Biglang nalambot and mga tuhod ko, nawalan ako ng lakas. Hindi ko namalayan napasalampak ako sa sahig.

Iyak ako ng iyak, parang dinudurog ang puso ko ng pinung-pino. Parang may mga maliliit na karayom ang tumutusok dito. At parang piniga ng sobra sobra. Para along sinaksak ng pagkatalim na kutsilyo. Hanggang sa napahagolgol na ako ng iyak. Sa sakit at awang nararamdaman ko sa kapatid ko.

Napakabata pa niya para makaranas ng ganoong sakit. "Diyos ko bakit ang kapatid ko pa? Napakabata niya para magkaroon ng ganong klasing sakit." Nasambit ko habang umiiyak ako ng umiiyak hindi ko na halos makita ang paligid ko, dahil sa hilam ng luha ang mga mata ko.

"Saan ako kukuha ng ganon kalaking halaga?" Ito pa ang isang problema ko. "Kahit ano handa kong gawin, kahit anong paraan gagawin ko maoperahan ka lang kapatid ko. I will do everything hangat kaya kong sikmurain. Just to save you. I can't afford to see you suffering from pain. I promise you, Shaina. I will save you!" I wiped my tears and stand up.

Ayaw kong makita ako ng kapatid ko sa ganoong ayos. Mas lalo lang siyang mahihirapan. Bago pa ako makatalikod may isang baklang lumapit sa akin. Nakangiti pa siya.

"Hi, just in case you need, you can contant me here." Sabi niya sa akin habang inabot sa akin ang isang maliit na card.

Nagtataka man pero tinangap ko iyon at tiningnan, isang calling card. Ibinulsa ko iyon habang bumalik ako sa kapatid ko. Naabutan ko siyang gising pa.

"Ate kamusta anong sabi sayo ng Dr. Ano daw sakit ko?" Agad niya tanong sakit pagkapasok ko.

Para na namang dinurog ang puso ko pagkakita ko sa kanya. But I manage to smile kahit na pilit. "Ahhmm sabi ng doctor pagod ka lang daw stress, at kailangan mo lang magpahinga. At kalaingan mo munang magstay pa rito para mas makapagpahinga ka ng maayos.
Para pagsumakit uli iyan matingnan ka kaagad. Wala kang sakit okey? Magpahinga kana muna ha uuwi lang ako saglit sa bahay para kumuha ng gamit mo, saka iyong binili kong isang bucket. Para makain na natin ha. Babalik ako agad." Tumango lang siya at hinalikan ko muna siya sa kanyang noo.

Habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Pero agad din itong nag unahan sa pagtulo pagakatalikod ko pa lang. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Napahagulgol na naman ako ng iyak pagkalabas ko ng kwarto.

Ang sakit, ang sakit sakit na makita sa ganoon ang kapatid ko. Ayaw kong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Kailangan, kailangan na maging matatag ako sa harap niya. Sa paningin niya. Matalino siyang bata. Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko, pero kailangan niyang maniwala.

The Man Behind The Mask( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon