CHAPTER 8

4.9K 107 1
                                    

Naramdaman kong hinila ng anak ko ang kamay na nakahawak sa kanya. Kaya napatingin ako sa anak ko. "Mama ang laki naman po nitong bahay, kanino po to mama?" Tanong niya sa akin.

"Sa kasamahan ko sa work anak, sa kanila to." Sabi ko sa anak ko. Hindi ko pa rin sukat akalain na ganito kalaki ang bahay ng kumag na iyon.

Nag-aalangan pa rin akong pumasok, Maya't maya tinawagan ko si Mike. Nakailang dial pa ako bago niya nasagot ang tawag ko. "Hello Sha asan na kayo?"

"Nandito na kami sa labas Mike pero parang mali yata ang napuntahan namin eh." Narinig ko pang natawa siya sa sinabi ko.

"Ok sasalubungin ko kayo." Sabi pa niya sa kabilang linya. Narinig ko pang nag excuse siya sa kausap niya. Di nagtagal ay nakita ko na siyang palapit sa amin no Shawn.

Kumaway pa siya sa amin, kaya lumapit agad kami sa kanya.
"Happy birthday ulit Mike." Bati ko sa kanya sabay abot ng regalo. "Thanks Sha, I'm glad na nakarating kayo. Ito ba si Shawn? Ang gwapong bata ah." Nakangiting sabi niya sa anak ko.  Nag shake hands pa sila, sabay titig sa anak ko at medyo gulat pa ito.

"Happy birth day po." Seryosong sabi naman ng anak ko.
"Thanks kiddo." Sabi niya habang nakatitig pa rin siya kay Shawn.
"Halina kayo saloob, andito na rin ang dalawa. Akala ko nga talaga eh di kayo darating." Sabi pa niya.

"Muntik na nga Mike, buti na lang Shawn woke me up. Kaya hito kami, late nga lang." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Kanina pa nga ako kinukulit ng dalawang yon, ang sarap ng itapon sa labas nakakasawa ng mga pagmumukha nila." Ang lakas pa ng tawa niya.

Sa gilid lang kami dumaan, sa my pool area yata ang party.
"Ang dami mo palang bisita Mike, nakakahiya" diko mapigilang sabi sa kanya.

"Nuh, don't be Sha they are just nothing." Nakatawa pa niyang sabi sa akin habang umakbay pa.

"Hey! Take off your hand to my mama's shoulder! She's off limits!" Nagulat pa kami sa sinabi ng anak ko kay Mike.
"Shawn?" Sabi ko sa kanya. I can't believe na nasabi niya iyon. For the first time kong marinig sa anak ko yon.

"Oh, so possessive. Sorry kiddo." Nasabi ni Mike sa anak ko. Hindi pa rin makapaniwala.

"Shawn say sorry to Tito Mike." Mahinang sabi ko sa anak ko.
"But mama, your only mine. I won't allow anybody will touch you and I don't want to." Mariing sabi pa niya. Napahalakhak naman si Mike sa mga sinabi ng anak ko. Kaya sinamaan siya ng tingin nito.

"Its ok Sha, don't worry kiddo I won't take your mama away from you. Your mama is my friend, and she's like an elder sister to me ok, and I'll help you guard your mama." Sabi niyang kinindatan pa ang anak ko.

"Are you gay? Why you wink at me?" Napahagalpak tuloy ng tawa si Mike sa sinabi in Shawn. Pero ang anak nakasimangot lang na nakatingin sa kanya.

"Shawn anak?" Iyon lang ang nasabi. "Your son is so possessive and over protective to you Sha. I like your son." Hindi pa rin nito hindi pa rin ito tumigil sa pagtawa. Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan.

Dinala niya kami sa table kung saan naroon na ang dalawa pa naming kaibigan. Narito rin ang mga kasamahan namin sa department. Nagulat pa sila ng ipakilala ko sa kanila ang anak ko. Kami kami lang kasi ang nakakaalam na may anak ako. Hindi sila makapaniwala na may anak na pala ako.

Tuwang tuwa naman ang dalawa ng makita si Shawn, pinag aagawan pa. "Hi Shawn I'm tita Marie, ang gwapo mo naman talaga." Sabi pa ni Marie sabay halik sa pisngi ng anak ko at halatang pinanggigigilan

"I'm Kris, you can call me Tita Kris." Sabi rin ni Kris sa anak ko. "Ang pogi pogi talaga, sana may anak din akong kasing pogi mo." Dugtong pa niya saka pinupog ng halik. Nanggigigil din sa anak ko.

"Are you two my mama's friends?" Nagtataka pa ako sa tanong ng anak ko sa kanila kahit sila rin ay kita sa mga mukha ang pagtataka.
"Yes we are why? Shawn" Sabay pang sagot ng dalawa.

"So you're the dalawa that guy talking about earlier." Sabi ni Shawn sabay turo kay Mike. Nagtataka namang nakatingin ang dalawa kay Mike at sa anak ko. Nakakunot pa ang mga noo ng mga ito na parang nagtatanong. Kahit kami ni Mike. "He said earlier to my mama na
'Kanina pa nga ako kinukulit ng dalawang yon, ang sarap ng itapon sa labas nakakasawa ng mga pagmumukha nila'." Ginagaya pa niya kung pano iyon sinabi ni Mike sa'kin kanina.

Na pa "OH MY GOD " na lang kami sa sinabi ng anak ko. I really can't  believe and I didn't expect na sabihin niya yon.

Si Mike naman napabunghalit na naman ng tawa. Dahil sa reaksiyon ng dalawa. Pati ang iba naming kasama ay natawa na rin. Liban sa aming tatlo.

Ang sama ng tinging ng dalawa kay Mike at nabatukan pa ito.
"I'm hungry." Kinalabit pa ni Shawn si Mike.
"Ayos ka kiddo ah, pagkatapos mo akong ilaglag hihingan mo ako ng pagkain." Nakangising sabi niya sa anak ko.

Tinawanan naman siya ng dalawa.
"Its your party right?" Tanong pa niya rito.
"Yes kiddo its my party." Sagot naman niya.
"Then you're the one I should ask for."
Sabi naman niya kay Mike. Napa "Oh" nalang din kami. Natawa na naman si Mike
"Oo nga naman." sabi pa niya.

"Shawn anak, you can tell mama naman." Sabi sa anak ko.
"Its ok Sha, no problem. Let's go kiddo we'll take some foods." Aya naman ni Mike sa anak ko.

"Kami na lang Mike nakakahiya naman." Tumayo na ako at hinawakan sa kamay ang anak ko. Buffet style naman na nakahilira sa may gilid ng pool. Kaya madali lang kumuha, hindi na kasi kailangan pang pumasok sa loob ng bahay.

Sa isang Plato ko lang nilagay ang mga pagkain, kumuha lang ako ng extra plate saka inumin na rin at dessert. Syempre pa chocolate cake para kay Shawn.

Bitbit ko na ang tray ng pagkain ng bumalik kami sa table. At nilagyan ko ng pagkain ang mga Plato namin. Sumubo na siyang mag isa.

Pagkatapos kumain ay kinalabit ako ng anak ko at bumulong siya sa akin.
"Mama I wanna pee."
Kaya tumayo kami at nagexcuse na magsi-CR lang. Tinuro naman ni Mike kung saan banda.

Agad kong hinanap ang CR pagkapasok na namin sa loob ng bahay. Nagulat pa ako dahil may mga tao sa sala, at napatingin sa amin ni Shawn. Dalawang may idad na babae na medyo magkahawig pa. Dalawang may edad na ring lalaki. At isang babae na mas bata pa, kaidad lang yata ng kapatid ko. But she looks familiar.

"Magandang gabi po, magsi-CR lang po." Bigay galang ko sa kanila. Nakatitig lang sila sa amin, particular sa anak ko.
"Mama I really wanna make pee."  Hila sa'kin ng anak ko.
"Excuse us po." Pag excuse ko sa kanila.

Biglang tumayo ang dalaga
"I'll go with you guys, come I'll take you there." At sinamahan niya kami.

"By the way I'm Charry, Mike the asshole younger sister. And you guys name?" Nakangiting sabi niya sa amin.

"I'm Shakeera and this is my son Shawn Alcantara. Nice meeting you Miss Charry." Nagshake hands naman kami pati si Shawn.
"Oh where here." Tinuro niya ang pinto ng Cr.
"Thank you." Sabi  ko sa kanya. "Welcome." At pumasok na kami sa CR ni Shawn.

Tinungo na namin ni Shawn ang daan papuntang pool pagkalabas namin ng banyo. Ngunit mapapadaan uli kami sa sala. Kung kanina limang tao lang ang naabutan namin, ngayon pito na at nandon na rin Mike. At isang lalaking nakatalikod sa amin.

"Sha halina muna kayo ni Shawn dito. I'd like you to meet my family." Tawag sa amin ni Mike.
Nakakahiya man ay lumapit na kami ng anak ko.

Hayon na naman ang kaba ko. Parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko. Dahil nakatitig na naman sila sa amin ni Shawn. Mas lalo sa aking anak.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now