CHAPTER 16

4.6K 85 0
                                    

SHAKEERA's POV

Habang nakahiga sa tabi ng anak kong natutulog, hindi ko maiwasang mapatitig na naman sa kanya. Napakalaki ng pagkakahawig nila ng boss ko. Sumasakit ang ulo ko sa isiping iyon. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang anak ko at ipinikit ang mga mata ko. Pero Parang nanadya yata ang panaginip ko.

"God please patnubayan niyo po ako sa gagawin ko ngayon, alan-alang po ito sa kapatid ko. Kayo na pong bahala sa akin."

Napapikit ako ng mga mata habang tahimik na nagdarasal. Papasok na kami ngayon sa isang lugar kung saan naghihintay na sa akin ang taong paglilingkuran ko ng buong gabi. Ang taong siyang nakabili sakin.

Hinatid ako ng isa sa mga tauhan ng organisasyon. Hirap akong ihakbang ang paa ko dahil sa kaba, at ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi maintindihan.

"Miss ok ka lang ba?" Tanong sa akin ng lalaking naghatid sakin. Tiningnan ko siya at tinanguan lang. Naramdaman niya yata ang nararamdaman ko. Bawal kasing makipa-usap, maliban lang sa organizer ng event.

Nakakatakot ang boses at hitsura niya, mukha siyang goons na kasama ng mga kuntrabida sa pelikula. Napabuntong hininga na lang ako.

Halos hindi ko na namalayan na huminto na kami sa tapat ng elevator. Hindi nagtagal bumukas na iyon at agad na kaming pumasok. Hindi ko napigilang tingnan and repleksiyon sa wall ng elevator, para kasing salamin sa kintab.

Hindi ko halos makilala ang sarili ko, pinasuot nila ako black lace see through night dress na hanggang kalahati hita ko. Na bumagay sa kulay ng balat ko hindi man ako gaanong kaputian pero hindi rin naman kaitiman.

Although pinatungan ito ng itim din na roba, na hangang ibabaw ng tuhod ko. But still ang sexy ko paring tingnan, tinernuhan pa ito 3" high heel na mas lalong nagpatangkad sa height kong 5'6".

Nakasuot din ako ng kulay lavander mask, na napapalibutan ng malilit at makikintab na bato. Na bumagay sa aking mukha, at halos natatakpan ang kalahati ng mukha ko.

Nagulat pa ako sa tunog ng elevator hudyat na nadito na kami.

"Miss room P-A." Sabi niya sakin ng bumukas na ang elevator. Tumango lang ako sa kanya bago humakbang palabas.

Nilibot ko ang aking paningin at humakbang upang hanapin ang nasabing kwarto. Madali ko naman itong nakita, dahil dalawa lang pinto mayroon sa floor na into.

Isang fire exit na nasa dulo, at ang isa ay ang pinto na pupuntahan ko. Na halos sakop na yata any kalahati ng floor na ito, dahil ang kalahati waiting and rest area.

Nasa tapat na ako ng pinto, ilang beses pang nagtaas baba ang kamay ko para pindutin ang doorbell. Halos sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Huminga muna ako ng malalim before I press it. Hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto, at nakatayo sa harapan ko ngayon ang isang lalaki.

Na nakasuot din ng maskara na kakulay ng suot ko pero iyong panglalaki. Ang mga mata niyang kulay hazel brown na napakatiim kung tumitig at ang kayang ilong napakatangos, ang labi niya parang kay sarap humalik.

Hindi maipagkakaila na ang gwapo niya. And OMG ang katawan namumutok ang mga masel na halatang alagang-alaga sa work out.

May maliliit na letrang naka tattoo sa kanang dibdib na "Arch". At ang abs grabe parang walong mga pandesal na nakahilira. Dahil naka half naked lang ito.

"Hmm Did I pass sweety?" Bigla akong napatingin sa mukha niya ng narinig ko siyang magsalita, at ang boses niya nakakaakit at nakakapanindig balahibo.

The Man Behind The Mask( Completed)Where stories live. Discover now