Chapter forty

75 1 0
                                    

Amber's POV

I can't believe this. Gusto kong umiyak. After 4 years na paghihirap namin andito na kami. Yung feeling, hindi ko maexplain.

Para akong nakalutang. Hindi ko alam. Over joyed? Oo yata.

Kasama ko si kuya Henry sa pagmarcha. Habang naglalakad kami, nangingilid na yung luha ko. Pero pinipigilan ko yung sarili ko. Nung tinatawag kami isa isa para sa pagbibigay ng diploma, parang late reaction pa ako. Habang naglalakad ako paakyat ng stage, nakita ko ang dami ng tao na kitang kita ang galak sa kanilang mga mukha. At nang iabot sa akin ang aking diploma, parang gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa. Sa wakas, heto na yung diploma ko. Isang patunay ng aking paghihirap. Nung tiningnan ko si kuya, nag thumbs up sya sa akin.

Pagbaba ko ng stage, hinug ako ni bhezt Judz at ni Krystal. :)))

At ang isa sa mga masayang part, ay yung paghagis nung parang hat. haha (hindi ko alam tawag dun e.)

Ang saya ng barkada. Sabay sabay pa kami nag graduate. Pero nakakalungkot din kasi, magiging busy na ang lahat sa trabaho. Bihira na kami makakapagbonding.

Pagkatapos nung graduation..

Nagkaroon kami ng celebration sa bahay. Hindi ko expected na ang barkada sa amin din pala magcecelebrate. Pero wala dun si Keena. Kamusta na kaya sya?

Hindi ko namamalayan na marami na pala akong naiinom.

"Ate kamusta?" -Krystal

"Ahhh, okay naman ako. Ikaw? Congrats ah."

"Congrats din po. Haha Alam mo ate Amber, hindi kita maintindihan."

Ha? Anu ba yan? Pati ba naman sya? Gulo.

"Pati ba naman ikaw? Pareho kayo ni Ivan. Mas bagay kayong dalawa e. HAHA"

"What do you mean that we're the same?"

"Naa. Never mind."

"Alam mo ate Amber ang dami dami kong gustong sabihin sayo pero hindi ko magawa."

"Bakit naman?"

"Kasi ano. Ahmmm. Kasi alam mo yun, I want you to discover it on your own."

"I can't understand. Will you please elaborate? I hate thinking at this point."

Bakit parang naguguluhan na ako? Parang kanina ang saya saya ko. Tapos bigla akong nadepressed. Hindi ko alam kung bakit. Parang ang gulo kasi ng paligid ko. Feeling ko lahat sila ang daming alam, at ako wala. NGANGA

"You don't have to think. You have to feel it."

Tapos bigla nyang tinap yung shoulder ko at umalis na.

Ayan mag isa na naman ako.

Nagsasayawan sila sa loob. Nagsasaya. Ako eto nakatayo sa tapat ng pintuan at nag iisip. Naguguluhan na ako sa totoo lang.

I need to find where my heart is. Why? Is it missing? I thought it was just inside this chest and beating very fast everytime I am with HIM. I am holding my chest.

Napalunok ako.

No! It is not right. Mali yung naramdaman ko at yung pumasok sa isip ko. Bakit? OMG!

"Hey. What's the problem? Are you okay? Why don't you join us inside?" -kuya Philip

"Nothing. I think I have a fever."

He touch my forehead to check if I have.

"You're hot. I guess. Namumula ka oh. Bakit nakahawak ka dyan? Hindi ka ba makahinga ng ayos?"

"No kuya. It's beating too fast. very fast. And..."

"And what?"

"And I am not sure who's the reason why it is beating like this."

"You sure? It can't be. Dapat alam mo yan. Find yourself. Find where your heart is. Someone wants to protect you, and take care of that heart."

"But how?"

"I don't know. Ikaw lang ang nakakaalam nyan. Malaki ka na. Alam mo na ang dapat gawin." :)

He kissed me on my forehead. I love my Kuya. He's the best.

Hindi ko alam. Ang gulo. Parang nawawala ako. Eto ba yung bagong gagawin ko o yung bagong pagkakaabalahan ko pagkatapos kong mag - aral?

Si Ivan, Krystal at pati si kuya Philip pare pareho ng sinabi? Nako naman. Naguguluhan na din ako. Pwede ba tumawag kay papa J? Hindi na. Kaya ko to.

"Gaano na kalalim yang iniisip mo? Gusto mo sukatin ko?" -Donghae

Pagtingin ko sa kanya, nakasmile lang sya. ....

"Sige nga. Kaya mo? Ikaw talaga."

"Congratulations nga pala."

"Congrats din sayo."

Nagsmile ako sa kanya, and he smiled back. He's so cute and I really miss him so much. Ang daming mga nangyari. Ang bilis ng mga pangyayaring yun.

"Are you okay?"

Nagising na naman ako sa pagkakatulala ko sa langit.

"Ha? Ahm.. Yes. As always. Waeyo?"

"You're hot."

Then dun ko lang narealize na nakahawak na pala siya sa forehead ko to check my temperature. Hindi ko agad namalayan yun ah? Geeez!

"I guess, it's because of this."

I just lift the glass I'm holding with some alcohol in it.

And then he grabbed it.

"Hey."

"That's enough. You're drunk."

"Aniyo!"

He stared at me. Yung nakakamatay na titig. Parang matutunaw ako. Nakakatakot.

"Sabi ko nga e ayoko na. Sige iyo na yan." :)

"Pot?"

"Yes?"

"I'm sorry."

"For what?"

"Basta. Just accept it."

"Why should I? Tatanggapin ko pero hindi ko naman alam kung bakit ka nagsosorry? Ayoko nga."

"Ah basta sorry. Basta nagsorry na ako ah."

Ang weird nito. Umiling lang ako. Na parang ibig kong sabihin na i am not accepting it.

"Alam mo gusto kong maabot yan."

Tinuro nya yung stars. Ang cute nya. Para syang bata na pilit ginagrab yung stars.

"Kaso hindi ko magawa. Parang ang lapit lapit nya lang kapag tinignan mo, pero ang totoo malayo sya. Gusto ko syang makuha pero hindi ko alam kung paano. Minu minuto nag iisip ako pero...."

"Pero hindi mo naman ginagawa?"

Bigla syang napatingin sa akin. Hindi ako nakatingin sa kanya, pero basta tumingin sya sa akin alam ko.

"Alam mo Potpot, lahat ng bagay kaya mong gawin kung gugustuhin mo, kung magsisikap ka. Alam mo walang imposible sa taong desidido."

Binalik nya lang yung tingin nya sa stars sa langit.

Then he whispered...

"Kung alam mo lang..."

"Pardon???"

"Ha? Wala ah."

Kung alam ko lang? Na ano?

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now