Chapter twenty six

118 2 0
                                    

Krystal's POV

Nakakainis na talaga yang Keena na yan! Grabe kung makaattitude. Pasalamat nga sya dinalaw na namin sya. Kahit ayaw ko sa kanya, kahit kaunti may concern pa din naman ako sa kanya. Pero dahil ginawa nya to, lalo ako nainis sa kanya at nawalan na ako ng gana sa kanya.

Hindi ako nagkamali na gawin yung plano kanina. Ang galing galing ko talaga.

Grabe yung babaeng yun. Ganun na lang ba talaga sya kaobsses kay kuya? Sobrang alat nung pagkain nya kanina, tapos yung ice cream naman nilagyan ko ng sili. Pero parang binaliwala nya kasi kasama nya naman si kuya. Pero kahit ako naman yun, kahit gustong gusto ko yung kasama ko, hindi ako magpapanggap na gusto ko yung kinakain ko. Stup*d talaga yun.

Tapos yung sa ice cream hindi nya man lang sinabi kay kuya na maanghang. Tapos allergic pala sya sa soya, uminom sya ng soya milk. Buti nga sa kanya. Kaartehan nya kasi. GRRRRR! Nakakainis talaga.

*tok tok tok*

"Pasok kuya!"

Pumasok si kuya tapos tinabihan ako.

"Krystal? Nasan ka kanina?"

"Ha? Andito sa bahay po kuya. Nag movie marathon po ako."

"Sigurado ka? Yung totoo?"

"Bakit ba ganyan ang tanong mo sa akin kuya?"

"Kasi, wala  naman akong pinagsabihan na nasa hospital kami kanina ni Keena. Kaya naisip ko na baka nagmanman ka sa amin kanina."

"Ahhh ehhh kuya.... Sorry po." :(

"Ok lang yun. Sa susunod wag mo nang uulitin yun ha? Pati yung kanina sa nangyari sa hospital."

"Opo kuya. Hmmm kuya may aaminin pa ako sayo."

"Ano yun?"

"Kuya, kanina nandun ako sa kitchen nung restaurant na kinainan nyo. Tapos yung waiter na nagseserve sa inyo, kaibigan yun ng highschool classmate ko. Nagpatulong ako. Nilagyan namin ng madaming asin yung kinain ni Keena for dinner, tapos yung ice cream nilagyan ko ng chili powder. Sorry talaga kuya." :(

"Ha???? HAHAHA! Nagawa mo yun? Kaya pala ganun yung expression nya kanina nung kumakaen siya. Bakit mo naman ginawa yun?"

"Oh kuya bakit ka tumatawa? Kasi nga asar nga ako dun. Ayaw ko sa kanya para sayo. Kaya ko ginawa yun. Pero mukhang obssesed na sayo kuya. Nako patay na."

"Sira ka talaga. Kaya pala humingi ng gatas. Basta wag mo na lang ulitin sa susunod ha?"

"Opo kuya. Hindi na naman ulit kayo magdate diba?" :)))))

"Sige na sige na matulog ka na. Goodnight. Iloveyou"

Kiniss ako ni kuya sa forehead ko.

"Goodnight kuya. Iloveyou too."

Ayun lumabas na sa kwarto ko si kuya. 

Humiga na ako sa kama ko pero hindi ako makatulog. Naiisip ko pa din kasi yung date nila kanina. Nakakatuwa talaga! Pero teka bakit kaya ganun lang yung reaksyon ni kuya??? Hmmm... Badtrip talaga!

Kanina, grabe yung ginawa ni Keena kay ate Amber. Sobrang nakakainis talaga. At mukhang si kuya Rome Ivan ganun din ang naramdaman. Kasi naman nagmalasakit na sa kanya, sya pa yung ganun. Nakakairita naman talaga!

Ano kaya ang gagawin ko ngayon? Nababad vibes talaga ako. Hmmm. Tawagan ko kaya sila ate Amber. Sabihin ko kaya kung ano yung ginawa ko? Magagalit din kaya sila sa akin? E kung magsorry kaya ako kay Keena? Hindi no! Never! Ano gagawin ko? Makinig kaya ako ng radyo? Tatawag pa kaya yung si mr. inlove? May kutob talaga kasi ako kung sino yun. 

<ring ring>

"Hello?"

"Krystal nagising ba kita?"

"Hindi, gising pa ako. Iniisip ko nga kung ano gagawin ko. Buti napatawag ka kasi may makakausap ako. Teka bakit ka nga pala napatawag?"

"Ganun ba? Kasi ah eh ano kasi, yung ano."

"Ano?"

"Kasi kanina yung sa hospital. Bakit ganun sa akin si Keena? May nagawa ba akong mali sa kanya? Medyo nasaktan kasi ako kanina sa sinabi nya o sensitive lang ba talaga ako?"

"Ano ka ba ate! Hindi ko din alam kung bakit nagkaganun yun sayo. Baka may saltik na sa ulo. HAHAHA Pero wala ka namang nagawang mali sa kanya. Tsaka kahit ako yung ganunin nya magagalit din ako. Tignan mo nga kanina nagalit ako sa kanya kasi ginanun ka nya."

"Naguguluhan talaga ako. Kausapin ko kaya sya?"

"Bakit ka naman maguguluhan? Nako wag mo na kausapin yun. Baka ganunin ka na naman nun."

"Sabagay. Syempre kaibigan natin sya. Parang galit kasi sya sa akin, wala naman akong ginagawa sa kanya."

"Baka nagseselos lang yun kasi close kayo ni kuya."

"Ano ka ba? Diba hindi ko na nga nakakasama si Donghae. Minsan na nga lang kami magkita at minsan na nga lang ako dalawin nyan tapos magseselos sya?"

"Oo naman. Malay mo ikaw lagi bukang bibig ni kuya sa kanya? Diba?"

"Hindi naman siguro. Parang ang halay naman kung ako lagi yung bukang bibig ni Donghae tapos sila magkasama."

"Nako hayaan mo na yun. Pabayaan na natin silang dalawa."

"Sige na nga. Bahala na. Basta alam ko wala talaga akong ginagawang masama. Kamusta ka? Ano ginagawa mo?"

"Nakahiga lang. Ate may sasabihin pala ako sayo."

"Ano yun?"

"Yung tungkol kanina. Yung nangyari kanina sa date ni Kuya at Keena."

.

.

.

"Hello?"

Badtrip! Namatay cellphone ko! Ano ba naman yan! Sasabihin ko na kay ate Amber lahat tapos bigla naman namatay tong cellphone ko. Pero sasabihin ko ba talaga sa kanya? Sabagay alam naman yun ni ate Andrea. Sasabihin nya na rin yun kay kuya Henry at kuya Philip. 

Urgh! >.<

Nababadtrip pa rin talaga ako sa kanya. Bakit ba kasi sya pa yung naging girlfriend ni kuya. At hindi ko akalaing ganun pala sya. 

Kausapin ko kaya sya tungkol dun? Na alamin nya muna talaga yung ugali ni Keena. Ayoko naman na maging sister-in-law ang ganun. Baka araw araw lang ako mainis! 

Bakit kasi sya pa? Pwede naman si ate Amber? Hanggang bestfriend lang ba talaga? Hindi na ba mababago yun? Nako naman!

.

.

.

.

.

.

Ano ba naman yan?! Sunod sunod na ba talaga ang pagpapaBV (bad vibes) saken! Pano ako makikinig ng radyo. Black out cellphone ko! :3 Matulog na nga lang ako. May pasok pa bukas. Nako naman. Nakakainis na talaga! Sana hindi na muna pumasok si Keena at hindi pa ako handa na makita ang pagmumukha nya. Grabe galit ko sa kanya ngayon. Nakakainis naman kasi talaga. Bakit ba kasi nagkakaganun sya ngayon. Dati naman hindi sya ganun. Asar lang. Lalabas at lalabas din naman tunay na ugali nya. Tignan lang natin. Humanda ka sakin Keena. Ako ang tagapagtanggol ni ate Amber kapag inaway mo sya. bwahahaha! :D

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now