Chapter forty three

51 1 0
                                    

Rome Ivan's POV

Ilang buwan na ang lumipas nung huli naming pagkikita. Excited na ako makita siya ulit. Naputol din ang communication namin kasi naging busy na kami pareho. Hindi lang naman sa kanya pero pati na din sa buong barkada. Kamusta na kaya sila? SI Judz? Si ate Andrea? Si Donghae kaya? Sana naman nagawa na nya ang dapat niyang gawin. Sa susunod na lang ako makikipagkita sa kanila. I'm sure busy silang lahat. Swerte ko na nga ang nagkataong hindi busy ngayon si Amber.

"Mukhang ang lalim lalim lalim ng iniisip mo ah."

Hindi ko namalayan andyan na pala siya.

"Hindi naman masyado."

Nagsmile siya sa akin, at ganun din ako sa kanya. Agad akong tumayo, at pinag offer siya ng upuan.

"Kamusta ka na Amber? Ang laki ng pinagbago mo ah."

"Nagmukha ba akong tumanda? Stress kasi e." sabay hawak sa gilid ng mata niya na parang chinecheck niya kung may wrinkles siya. Medyo natawa nga ako e. 

And then nag pout siya. Walang pinagbago. Para pa ring bata.

"I mean, you look better."

Then parang nagliwanag yung mukha niya. Parang tuwang tuwa siya sa sinabi ko. Ang cute niya talaga at namiss ko siya ng sobra.

"Nako binobola mo naman ako Ivan. Umorder na nga tayo. Gutom na ako e. Hindi pa ako kumakain ng lunch. Ang dami kasing ginawa."

"Ganun ba? Nako wag mo pababayaan sarili mo. Dapat kumakain ka sa oras kasi baka mapabayaan mo ang health mo. Sige ka papangit ka."

"Opo tatay. Waiter!"

Tapos sabay kaming napatawa.

"Hanggang ngayon kumakain ka pa rin ng fireworks no? Ano bang brand yan? Gustong gusto ko yan ah. Namiss ko yan sobra."

"Nako ayan ka na naman ah. Bumanat ka na naman."

"Syempre. Hindi mo ba namiss yun?"

"Hmmm. I guess..... I miss it so much."

She smiles at me, and it's drivin me crazy. Hindi pa din nagbabago ang feelings ko sa kanya. Mahal ko pa rin talaga siya.

Lumapit sa amin yung waiter kaya naalis sa akin yung tingin niya, at biglang nagulantang ang nagfreeze kong mundo. Badtrip naman tong si manong waiter. Nako naman.

"Ivan, anong gusto mo? Tulala ka na naman e."

"Ha? Ah eh ikaw kasi e. Kung ano na lang din yung sayo."

Ang ganda niya talaga. Hindi pa din siya nagbabago. Ganun pa din siya. Pero mas babae na siya ngayon manamit compared dati. 

"Ivan bakit ka pala nakipagkita?"

"Wala lang. Namiss lang kita. Masama ba yun? Ilang buwan na rin ang nakalipas nung huli tayong magkita. Nakakamiss kaya. Ikaw lang naman ang hindi nakakamiss."

Nag pout ako. Kunwari nagtatampo ako.

"Syempre naman namiss din kita no. Ano nang balita sayo? Sa work mo?"

"Okay naman ako pati yung work ko. Okay na okay. Pero ang love life ko eto."

Tapos gumawa ako ng shape sa right hand ko ng circle. Zero for short.

"Imposible. Ikaw pa. Maniwala ako sayo."

"Kasi yung puso ko, ikaw at ikaw pa rin ang tinitibok."

At nagblush siya at hindi makapagsalita. Parang naspeechless siya sa sinabi ko. Nabigla din ako sa sinabi ko pero yun ang totoo.

"JOKE!"

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now