Chapter Eleven

175 8 3
                                    

Amber's POV

Pagdating namin agad kong binati si kuya. At pinakilala ko ang aking kasama kay mama at papa, kuya at pati na din kay tito at tita na hindi ko maintindihan ang reaksyon dahil parang nagulat sila sa kasama ko.

"So you're Rome Ivan? Nice to meet you hijo."

"Yes po Ma'am."

"You are too formal. Just call me tita okay? "

"Okay po tita. Salamat po. :)"

"No problem."

Nakakatuwa sila. Balikan ng smiles. Bait talaga ni mama at papa.

 After ko siyang ipakilala sa kanila. Sa tropa ko naman siya ipinakilala. At tignan mo itong si bhezt. Adik talaga mag isip. Hindi na naman ako pinapansin ni Pot. Ano na naman bang problema nito? Naguguluhan na ako ah.

Maya maya ay nagsalita na sila mama at papa. Sila tito at tita bilang second parents namin tapos ako, si kuya Phillip, Krystal, Donghae, bhezt Judz at Keena at si kuya Henry naman ang nagsalita.

"I want to say thank you to all of you for attending my birthday celebration. I also want to say thank to my family and friends who gave special messages for me. To make this night more special, I want to say something. As you can see, I don't have my partner beside me. Because she's in my heart. (nagtawanan ang lahat) But of course I want all of you to meet her. So ladies and gentlemen please welcome, the girl who make me fall inlove everyday and owns my heart, ANDREA GARCIA." <biglang tumayo si ate Andrea sa kinauupuan nya na pakiramdam ko ay medyo naiiyak iyak dahil hindi expected ang nangyari.>

Ow my gawd! Nagulat ang tropa.Pero bakit sila mama, papa, tito at tita ay parang hindi masyadong nashock. Alam kaya nila yung tungkol dun? Pero ako! Grabe talaga ang gulat ko! Kaya pala.. kaya pala si ate Andrea ay walang partner, pati na din si kuya. Tapos kaya pala si ate Andrea hindi tinawag para magbigay ng message kay kuya. Grabe ang revelation na ito.HAHAHA Well ok saken. Tanggap ko si ate Andrea. I want her for my kuya. :)

Unti unting lumapit si ate Andrea sa amin. Binigay ni kuya Henry yung mic sa kanya tapos hinawakan nya si ate Andrea sa bewang nito. How sweet! :)

"Ma..magandang gaa..bi po sa inyong la..hat. Maraming salamat po sa pagpunta nyu ngayon sa birthday ng aking boyfriend. Ahmmm.. Nagulat din po ako ngayon. Kasi hindi ko po inaasahan na sa ganitong paraan po ako ipapakilala ni Henry sa family nya. Gusto ko sanang humingi ng sorry sa mama at papa ni Henry kung hindi po agad namin nasabi sa inyo at sa tropa kasi napagdesisyunan namin na wag munang sabihin. Sana po patawarin nyu po kami. At para kay Henry, Babe Happy Birthday and I love you so much."

bigla syang hinug ni kuya. Tapos si ate Andrea umiiyak. Tears of joy sabi nila. Lumapit kami sa kanila para mag group hug. Tapos si mama at papa hinug si ate Andrea.

"Alam mo Andrea alam na namin ng mama ni Henry na may irereveal sya ngayong gabi. Kaya hindi na kami ganun nasurprise. Don't worry hija, welcome ka sa family namin. Stop crying okay?"

"Salamat po tito."

"I think it's better if you will also call me papa and call my wife mama." :)

Nagsmile si ate Andrea tapos hinug nya si papa at si mama. Grabe ang saya naman ng gabing ito! :)

Nakita ko si Rome Ivan na nagiisa sa table kaya sinundan ko sya.

"Sorry kung iniwan kita magisa dito ha? Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako. Wag kang mag alala. :)"

Tinabihan ko sya tapos nagbalikan na sa table ang tropa. Magkaholding hands si kuya at si Andrea. Nakakakilig talaga. :)

Maya maya ay nagsimula na ang pinaka party. Nagpatugtog na ng sweet na music. Tapos dun sa gitna ay may malaking open na space para dun sa mga magpartner na gustong sumayaw. Haay! Ang sweet talaga nila kuya Henry at ate Andrea. :)

Bigla akong nagulat dahil inilapit ni Rome Ivan ang bibig nya sa aking kaliwang tenga.

"Pwede ba kita isayaw?"

Nagulat ako sa sinabi nya. Matagal tagal ako bago sumagot at hanggat hindi ako sumasagot ay nakalapit pa din ang labi nya sa tenga ko. Kaya nagnod ako.

Pagtayo namin. Nakatingin lahat ang tropa sa amin? Parang nagulat sila. Nung nasa gitna na kami ni Rome Ivan hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko nga alam kung anung itsura ng mukha ko ngayon. Kung nagbublush na ba ako o ano. Nakalagay ang kanyang mga kamay sa aking bewang, at ang aking mga kamay sa kanyang balikat. Medyo naiilang ako kasi ngayon lang ulit may nakipagsayaw sa aking ng ganito. Ang una kasi ay si Donghae. Maya maya nakita ko na sila Judz at Krystal kasama ang kanilang partner na papunta din sa gitna upang sumayaw. Naks! Hahaha Tapos nakita ko din si Donghae at Keena na tumayo. At syempre alam ko na magsasayaw sila. Hmmmmm.. 

Binalik ko ang aking attention sa aking kasayaw. Sinubukan ko syang tignan sa kanyang mga mata pero pagtingin ko sa kanya ay nakatingin na sya sa akin. Kaya agad akong bumalik sa aking pagkakatungo. Paglingon ko sa aking kanan nakita ko si Donghae na nakatingin saken pero nung nakita ko sya, agad nyang iniwas ang tingin nya. Anung problema nito? Si Pot talaga. Maya maya biglang nagsalita si Rome Ivan.

"Masaya ako ngayong gabi. Kasi pakiramdam ko...."

"Ano?"

"Pakiramdam ko akin ka."

Pagkasabi nya nito ay tumungo sya at inalis ang tingin sa akin. Pakiramdam ko ay parang nabigla sya sa kanyang sinabi. Pero agad nya ring binalik ang kanyang tingin sa akin.

"Kalimutan mo na yung sinabi ko." :) <nagbigay sya ng isang smile sa akin>

"Okay. Sabi mo e."

Nagpatuloy kami sa aming pagsasayaw. 

Pero nagulat ako nung biglang may humawak ng kanang kamay ko na nakapatong sa kanang balikat ni Rome Ivan.

"Pare pwede ko bang isayaw ang bestfriend ko."

O anong problema nitong si Pot. Inabot lang ni Rome Ivan ang kamay ko tapos bumalik sya sa table. Nagsimula na kaming magsayaw ni Donghae.

"Pot sorry ha?"

Teka, ano na naman ang problema nitong si Donghae at nagsosorry sya sa akin ngayon?

"Sorry? Para saan?"

"Sa lahat ng nagawa ko sayo. Sorry talaga."

Hindi ko sya maintindihan. Pero diretso lang ang tingin nila sa akin. Naiilang ako kasi hindi nya inaalis ang tingin nya sa mga mata ko.

"Hindi kita maintindihan. Hindi ko pwedeng tanggapin yung sorry mo kasi hindi ko alam kung bakit ka nagsosorry."

"Ah basta sorry. "

Pagkasabi nya ng sorry bigla.... bigla nya akong kiniss sa forehead ko. Nagulat ako. Ang bilis ng pangyayari. Iba yung naramdaman ko sa ginawa nya. Parang nagpapaalam na sya. Hindi ko maintindihan. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako nagalit or nagreact sa ginawa nya. Parang natulala lang ako. Parang nung natauhan na ako, napalingon ako sa paligid ko.

Sila mama na papa pati na rin sina tito at tita nakatingin lang sa amin. Pero nakasmile sila. Tapos lumingon naman ako sa right side ko tapos buong tropa andun na pala at nakaupo. Nakatingin lang sila sa amin at parang shock sa nakita nila. Napansin ko na kami na lang palang dalawa ni Donghae ang nasa gitna at nagsasayaw. Binalik ko ang tingin ko kay Donghae pero nakatingin pa rin sya sakin. Anung nangyayari sa kanya? Bigla syang nagsalita.

"Gusto mo na bang maupo?"

"Pwede. Halika na. Tayo na lang pala nandito sa gitna.  " tapos binigyan ko sya ng smile. Ngumiti lang sya sa akin. Tapos hawak nya parin ang kamay ko at pabalik na kami sa table.

Nagkaroon ng kaunting inuman ang tropa tapos naguwian na sila. Almost 3 am na sila nakauwi. Nagpaalam silang lahat sa akin, pero si Donghae hindi. Bakit parang nagiba na sya? Haay!

Si Rome Ivan nagpaalam ng maayos sakin. Nakasama namin sya kaya 3 am na din sya nakauwi.

Kitang kita ko na masaya si kuya ngayong gabi. Iba ang ngiti nya. Masaya akong nakikita kong ganito si kuya. :) Salamat kay ate Andrea.

Agad akong umakyat sa kwarto ko. May nakita akong sulat sa kama ko. Sulat galing kay.... DONGHAE?!!!

My Best Boy Girl Friend [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora