Chapter twelve

147 4 0
                                    

Amber's POV

Bakit ganito? Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Donghae. At hanggang ngayon hindi ko pa din binabasa yung sulat na iniwan nya sa aking kama. Buksan ko na kaya at basahin? Hmm.. Agad kong kinuha yung sulat nya na nasa drawer ng right side ng kama ko.

Umabot ng kalahating oras at tulala pa din ako. Pumasok na si Mama sa kwarto ko pero hindi ko kaagad napansin. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Siguro dahil first time ko na makatanggap ng sulat galing sa kanya. Parang may hindi tama. Babasahin ko na talaga ito. Hindi ako mapapalagay kung hindi ko aalamin kung ano ang nakalagay dito. At sinumulan ko na itong basahin.

At ito ang mga nakalagay sa sulat nya.....

Hindi ako madaling makalimot.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na baguhin yung nangyari nung oras na yun ay gagawin ko.

Sana hindi na lang ako sumangayon.

Sorry.

Hindi ako nagsisisi kung ano man ako ngayon.

Walang araw na hindi ako malungkot.

Smile confuses people.

Wala akong ibang hinangad kundi ang maging masaya ang taong yun.

Sana makalimot na lang sya at hindi matandaan yung pangakong yun.

Mahal ko sya!

"Ha? Ano to? Para saken ba talaga to? Nakalagay sya sa ibabaw ng kama ko. Nakalagay dun yung name nya, na galing ito sa kanya. Pero para kanino kaya toh?"

Tawagan ko kaya sya? Anong sasabihin ko? Sakin nga siguro. Kasi natatandaan ko na may problema sya at ito siguro yung mga saloobin nya. Haay! kawawa naman itong si potpot. Sino kaya itong babaeng to. 

Hindi ko na kinaya. Kaya agad kong tinawagan si bhezt para magkausap kami. Pinapunta ko sya sa bahay. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang alalang alala ako kay Donghae. 

"bhezt anong problema? Bakit biglaan naman ang pagpapapunta mo saken. May problema ba?"

"Kasi naman. Basahin mo to. Ipaliwanag mo saken. Nakita ko kasi yan dito sa ibabaw ng kama after nung party ni kuya. Nung naguwian na kayo. Nagulat din ako na may sulat si Donghae. Walang nakalagay kung para kanino pero nasa ibabaw ng kama ko. Sa tingin mo para saken yan? Tsaka anong ibig nyang sabihin dyan? Nag aalala ako sa kanya."

"teka isa isa sa tanong. teka basahin ko muna to ok?" sabay halbot nung sulat.

Ang tagal bago sya magsalita. Pero habang binabasa nya ay napapakunot ang kanyang noo. Tapos maya maya ay nagsalita na sya.

"Bhezt sa tingin ko para sayo talaga to. Kasi diba sayo lang naman talaga sya lagi nagoopen ng problems nya. Kaya sa tingin ko para sayo talaga to."

"Yun din naman ang alam ko na para sa akin talaga to. Pero bakit ganun. Ang tipid ng mga sinabi nya? Tsaka ano bang ibig nyang sabihin?"

"Ibig nyang sabihin dito? Hmmm... Hindi ko rin sigurado kung anong ibig nyang sabihin. Diba kayo naman ang laging nakakapagusap tsaka mas maiintindihan mo dapat to compared saken. Ikaw talaga. Pero pakiramdam ko broken hearted sya. "

"Nung nakausap ko sya nung dito sila natulog, ramdam ko na malungkot sya. Gusto ko nga sana mameet yung girl na sinasabi nya pero hindi nya naman sinabi saken kung sino. "

"Ganun ba? Sa tingin ko kailangang kailangan ka nya ngayon."

"Sa tingin mo? Hmm.. Puntahan ko kaya sya sa kanila? Sa palagay mo?"

"Tawagan mo muna sya. Baka wala sya sa kanila."

Agad kong kinuha yung cellphone ko para matawagan ko sya.

Agad ko syang tinawagan at agad nya naman itong sinagot.

"Hello? Napatawag ka?"

"Ahh itatanong ko lang saaaa......naaa yung aa.bou..t sa sula..t.?"

"Yun ba? Ano nabasa mo na ba?"

"Oo. Ok ka lang ba? Nasan ka ba ngayon? Gusto mo puntahan kita ngayon dyan sa inyo?"

"Oo naman ok lang ako. Naku wala ako sa bahay. Andito ako ngayon sa mall."

"Sinong kasama mo?"

"Si keena. Sige bye na. Tawag na lang ako sayo maya. Bye!" <toot toot.>

Agad nyang tinapos ang aming usapan.

"Oh bhezt ano sabi ni Donghae?"

"Wala daw sya sa bahay ngayon. Tapos ok naman daw sya."

"Oh e bakit parang may after shock ka pa dyan?"

"Kasama nya daw si Keena ngayon."

"Oh e ano ngayon kung kasama nya si Kee... Ha!!! kasama nya na naman si Keena ngayon?"

"Na naman?!!"

"Oo na naman. Kasi nung isang linggo at nung isang araw magkasama na sila. So na naman. Hindi naman siguro mali yung ginamit kong word diba?"

"Ganun ba? Sa tingin mo bakit napapadalas sila ngayon na magkasama?"

"Hmmm.. Hindi ko din alam. Siguro ay magbestfriends na din sila."

"So ibig sabihin mas close na sila ngayon kasi mas may time si Donghae na makipagbonding sa kanya kaysa sa akin. Hmm..."

"Ahhhh.. Ehhhhh siguro? Wag ka na malungkot. Opinion lang naten yun. Malalaman din naman natin yun diba?"

"Tama ka dyan bhezt.. Pero parang.."

"Nako hindi ko gusto yung ganyan mong facial expression."

"Ha? Bakit naman?"

"Ahhh basta! Halika nga maglakad lakad tayo. Or gusto mo magpunta tau sa paborito mong coffee shop?"

"Mabuti pa nga."

 (The picture on the right side is Rome Ivan Dizon in the story :) )

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now