Chapter thirty seven

72 1 2
                                    

Donghae's POV

"Nakapagdecide na ako. And it's final." -ako

"Ano yun? Payag ka nang totohanin kung anong meron sa atin?"

"Tapusin na natin tong kalokohan na to. Ayoko na. Hindi na ako magiging sunud sunuran pa sayo."

"What?! Kung ganun sasabihin ko na kay Amber ang lahat."

"Subukan mo, at kahit kailan hinding hindi na kita papansinin. Iisipin ko na hindi ka nageexist. Mawawalan ng Loraine Keena Villacarlos sa buhay ko, at pati na rin sa buhay ng kapatid ko."

"Huh?! No. Please Donghae, don't do this to me. I need you. Please. I love you so much."

Hinawakan nya yung kamay ko. Pero agad kong inalis ang kamay ko. Nakakahiya sya. At nakakatakot pa sya. Hindi ko alam pero ang strange nya. Natatakot ako sa kanya.

"Donghae please. Please."

"I'm sorry. Hindi ko pwedeng turuan ang puso ko. Sorry talaga. Keena, makinig ka sa akin. Hindi lang ako ang lalaki sa mundo. Marami pang iba dyan. Hindi ako ang para sayo. Kaya.."

"Hindi. Ikaw ang para sa akin. Please Donghae. Huwag mo namang gawin sa akin to."

"Keena please. Huwag lang ang sarili mo ang isipin mo. Paano naman ako? Ikaw lang ba ang may karapatan maging masaya?"

"Kung ganun! Hum....."

"Kung ganun ano? Tumigil ka na nga sa kabaliwan mo. Tama na Keena. Sobra na." -Ivan

Biglang dumating si Ivan. Nagulat ako. Kaya pinaupo ko sya. Bakit sya nandito? Hindi ko alam, pero simula nung malaman ko yung mga ginawa sa kanya ni Keena dati, parang nawala yung inis ko sa kanya. Mabait naman talaga sya. Nagseselos lang talaga ako sa kanila ni Amber.

"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina ka pa namin inaantay."

So pinapunta nya rin si Ivan dito. Bakit anong problema nitong si Keena at pinapunta nya kami dito? Hmmmm..

"Ano na namang balak mo ha? Keena, alam ko hindi mo pa nakita kung paano ako magalit. At huwag mo nang antayin na mangyari yun. Nirerespeto pa din kita dahil babae ka. Pero dahil sa mga pinaggagagawa mo, nawawala na. " -Ivan

"At bakit kailangan mo pang malaman? It's none of your bussines. HAHAHAHA"

Baliw na tala tong si Keena. Nakakatakot yung tawa nya.

"Ano Ivan bakit hindi ka makapagsalita? Diba ganyan din ang sinabi mo sa akin."

"Tignan mo nga naman, yung dalawang lalaki sa buhay ko, ay baliw na baliw sa isang babae. Yun nga lang hindi sa akin. Bakit? Ano bang meron sa kanya na wala sa akin? Hindi hamak na mas maganda naman ako sa kanya. Nagbabait baitan lang naman sya. Tapos mukha pa syang LESBIAN. Bakla ba kayong dalawa? Iba na...."

Bigla kong nahampas yung lamesa. Sobrang galit ko.

"Huwag kang magtangkang magsalita ng kahit isa pang salita kung ayaw mong mabasag ko yang mukha mo. Matagal kitang pinagpasensyahan, pero naubos na. Pagsalitaan mo na ako ng kung ano ano hanggat gusto mo, matitiis ko yun. Pero wag kay Amber. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. Hindi mo sya kilala. At wala kang karapatan na pagsalitaan sya ng ganyan. Dahil lahat ng meron si Amber, wala ka. Excuse me. Magccr lang ako."

Agad akong tumayo. Nangangatal ang buo kong katawan sa galit. Gusto kong manakit. Nasuntok ko yung pader. Hindi ko maramdaman yung sakit, pero dumugo yung kamay ko. Gusto kong sumigaw. Ayoko na ginaganun ang taong mahal ko. Hindi ako papayag na may gaganun sa kanya.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Kaya agad kong tinawagan si Krystal.

"Annyeonghasaeyo oppa." (Hello kuya)

"Nasan ka?"

"Sa bahay po. Bakit po?"

"Puntahan mo si Amber. Ngayon na. At kung san man sya pupunta. Sumama ka. Huwag mo syang hahayaan magisa. Okay? Itext mo ako."

"Okay po kuya. Bakit parang h...."

Da**! Bakit ngayon pa nablack out tong cellphone ko! Nakakainis!

Unti unti ko nang naramdaman yung pagsakit ng kamay ko. Kaya lumabas muna ako at hinayaan ko na si Ivan at Keena muna ang magusap. Naghanap ako ng clinic sa loob ng mall na makakagamot ng sugat sa kamay ko.

Pagkatapos ay agad akong bumalik.

At nakita ko na umiiyak si Keena.

"San ka nanggaling? Anong nangyari sa kamay mo?" -Ivan

"Tulad ng sayo noon."

"Bakit ka umiiyak Keena?"

"Tears of Joy."

"Tears of joy?!" -sabay naming sigaw ni Ivan

Bakit tears of joy?! Tama ba yung rinig naming dalawa? F***! Baka kaya ako kinutuban. Hindi pwede.

"Keena! Ano yang binabalak mo?! Baliw ka na talaga! Ivan ano to?!"

"Hindi ko alam. Kanina lang chinecheck nya yung phone nya tapos bigla na syang umiyak. Tinatanong ko sya pero ayaw nyang magsalita."

Bigla kong kinuha yung phone nya, pero tumawa pa sya.

"HAHAHA Wala ka nang makikita dyan. Nabura ko na. HAHAHA Nakakatuwa yang mga expression ng mukha nyo. Ang sarap picturan."

D***! Ginagalit nya talaga kami. Nananadya na sya! Ano bang pinaplano nya?!!

"Naeexcite na ako. Mukhang masaya to."

Sinasabi nya yan habang nilalaro nya yung kutsilyo. Nakakatakot talaga sya.

"Keena, yan ba talaga yang magpapasaya sayo? Wala kang puso. Hindi manyayari yang mga plano mo. Hindi na ako papayag na maulit yun." -Ivan

"Kung makikita mo lang yang sarili mo, nakakaawa ka. Nagmamakaawa ka para mahalin ka ng isang tao. Hindi ka ba nahihiya?"

Hindi sya sumasagot. Nakatungo lang sya. Tahimik lang kaming tatlo. Gusto ko nang umuwi para puntahan si Amber. Dahil kinakabahan ako. Hindi ako mapakali.

Maya maya, bigla syang tumingin sa aming dalawa. Tapos nangalumbaba sya. Tinititigan nya kami. Tapos ngumingiti sya.

Kaya tumayo na ako. At nagkataong tumayo din si Ivan.

"Oh? San kayo pupunta? Umupo muna kayo kasi may inaantay pa tayo."

Nagkatinginan kami ni Ivan. Kaya umupo muna kami.

Maya maya parang nabuhayan ng dugo si Keena. Tapos ngumiti sya na para bang ang saya saya nya at mararamdaman mo na tuwang tuwa sya.

"Oh kayong dalawa, masyado kayong seryoso. Hmmmm. Sino nga ba ulit ang nagpapasaya sa inyong dalawa? Sige pasasayahin ko kayo."

Tapos may tinuro sya dun sa may labas ng restaurant. Biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko pero......

Nagulat ako sa reaction ni Ivan. Para bang galit na galit sya. Hindi ko alam kung bakit.

My Best Boy Girl Friend [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt