Chapter Nine

165 7 1
                                    

Keena's POV

Sa wakas at bumalik na sya. Kung hindi pa sinabi sakin ni Krystal na bumalik na si Donghae ay hindi ko malalaman. Bakit ganun? Kahit anong gawin ko hindi nya ako masyadong napapansin at ramdam na ramdam ko na kaibigan lang ang tingin nya sakin. Ano bang dapat kong gawin? May mali ba sakin? Ano bang klase ng babae ang gusto nya?

Biglang nagring yung phone ko....

Si Donghae tumatawag kaya agad kong sinagot.

"Hello Donghae? Napatawag ka?"

"Pwede ba tayong magkita? Tinatawagan ko kasi sina Judz, Andrea at Krystal pero hindi nila sinasagot tawag ko."

"Ay nako busy sila ngayon. Nagmall sila."

"Bakit hindi ka kasama?"

"Kasi may ginagawa ako kanina kaya hindi ako nakasama, San tayo magkikita?"

"Ok lang ba sayo? Dun sa favorite na resto ni Amber."

"SIge bye."<toot toot>

Pinatay na nya at dun naputol ang aming usapan. Ano kayang problema nun. Pagkakataon na to para mas mapalapit ang loob ko sa kanya. Kaya agad agad akong naligo at nagbihis. Mabilis akong nakarating kung san kami magkikita. Pagdating ko nandun na sya. 

"Upo ka. Pasensya ka na kung naabala kita. May gusto sana akong itanong sayo?"

"Ano yun?"

"Kilala mo ba si Rome Ivan Dizon?"

"Oo bakit? Kaibigan ko sya."

"Parang pinopormahan kasi nya si Amber. Gusto ko lang sana masiguro kung mabait ba talaga yun."

"Oo naman. kaibigan ko sya. Matagal nya nang crush si Amber."

"Matagal? Paanong matagal?"

"Basta malalaman mo din yun."

Matagal tagal din ang aming naging usapan. Niyakag ko sya maglibot sa mall. At nakita ko naman na natutuwa sya. Yes! Napapalapit na ako sa kanya. Sana magtuloy tuloy pa.

Amber's POV

Namalayan ko na wala pala ako sa sarili nang biglang tumunog yung pinapainit ko na pagkain. Iniisip ko pa din kasi yung sitwasyon ni Donghae. kamusta na kaya sya? Pagkatapos nung araw na natulog sila dito hindi na ulit sya nagpakita sakin. Ano kayang problema nun? Tawagan ko kaya sya? 

Tinawagan ko sya at agad nya namang sinagot.

"Hello?"

"Po?"

"Kamusta ka? Asan ka? Bakit hindi ka na naman nagpapakita ha? Birthday na ni kuya Henry sa isang araw. Pupunta ka diba? Hindi ka pwedeng mawala."

"Oo naman pupunta ako. May partner na nga ako pagpunta ko. Ikaw ba may partner na?"

"Bilis mong makakuha ng partner ah. Wala pa nga. Sino naman ang partner mo?"

"Malalaman mo sa mismong birthday ng kuya mo. HAHAHA"

"May surprise ka pa na nalalaman ha? HAHA sige bye ingat. " <toot toot>

Pinutol ko na ang aming usapan. Sino kaya ang magiging partner nya? Hmm.. Ako? Sino kukunin kong partner? 

Ahhhhh! Alam ko na! :)

Teka papayag kaya sya? Hindi kaya nakakahiya yun? Teka pano ba to? Bahala na nga. 

"O teka bakit nakasimangot ka dyan? Bakit sinisimangutan mo yang cellphone mo? May problema ba?"

"Kuya wala pa kasi akong partner sa birthday ni kuya."

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now