Chapter thirty three

78 1 0
                                    

Krystal's POV

Nagnod lang sya.

"Hindi mo man lang sya ipaglalaban?"

"Gusto ko. Pero paano? May pangako kami sa isa't isa. Ano yun? Wala lang? May masabi lang kami ganun? Alam nating dalawa na ayaw ni Amber na binebreak ang promise."

"Pero meron syang hindi alam na alam ko. At alam kong hindi mo din alam."

"Ano?"

"Promises are made to be BROKEN. BROKEN kuya."

"Pero hangga't maari wag ibreak gagawin ko."

"No kuya. Nagawa mo na. Binreak mo na yung promise, yun nga lang hindi nya alam. Ikaw pa lang ang nakakaalam."

"Tama ka. Bahala na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."

"Alam mo kuya, wag na muna natin isipin yang situation mo kay ate Amber. Si Keena muna yang asikasuhin natin. Hindi naman ako papayag na kinakaya kaya lang ang kuya ko. Hindi uubra sa akin yang malanding babaeng yan."

"Krystal watch your mouth."

"Totoo naman kuya ah. Tutulungan kita sa Keena na yan. Kay ate Amber magadvice lang ako sayo pero ikaw ang gagawa ng move okay? Magiisip na din ako ng pwede mong gawin."

Nagnod lang si kuya. Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni kuya Ivan bago ako umalis sa kanila. Pero sasabihin ko ba yun kay kuya? Hmmm.. Sige wag na muna. Mas maganda siguro kung sya yung mismong makakatuklas nun.

"Kuya? Ano na? Kung tumawag ka kaya kay papa J?"

Agad akong pumunta sa may phone at agad na tinawagan si papa J. Ang tagal bago ko natawagan. Tapos nung nagriring na, agad kong binigay kay kuya at nagbukas ng radio.

"Hello? Good evening."

"Good evening din po papa J."

"Si mr. inlove ba ito? Alam na alam ko na ang boses mo. At matagal ka nang inaantay ng mga listeners."

"Opo papa J. Tumawag po ako hindi po para magpick up, pero para po humingi ng advice. Sa matagal na panahon po ay nakapagisip isip na po ako."

"Ano bang problema mo ngayon mr. inlove?"

"Kasi papa J, yung girl na gusto ako, binoblock mail nya ako. Parang nakatali ako sa kanya. Nacocontrol nya ako."

"Bakit ano ba yung sinasabi nya sayo?"

"Na sasabihin nya daw kay ms. 2276 yung tunay ko nararamdaman para sa kanya."

 "Bakit ba ayaw mong sabihin ng harap harapan kay ms. 2276 na mahal mo sya?"

"Kasi may pinanghahawakan po ako. Isang pangako."

"Eh bakit mo sinusunod yung girl na binoblock mail ka? Alam mo sa totoo lang may magagawa ka. Mahal ka nang babaeng yan, takot din yan na mawala ka sa kanya. Bakit ka papayag na kakaya kayanin ka ng isang babae?"

"Kasi po nirerespeto ko pa din po sya bilang isang babae."

"Ang tanong, karespe respeto ba sya? Piliin mo ang babaeng rerespetuhin mo. Kung kaya ka nya irespeto, irespeto mo sya. Give and take lang yan. Hindi pwedeng give ka lang ng give."

"Ano po ang gagawin ko?"

"One time kausapin mo sya. Galit ka ba sa kanya?"

"Opo. Galit na galit. Inis na inis."

"Kausapin mo. Ipakita at iparamdam mo sa kanya na galit ka sa kanya. Ipamukha mo sa kanya na hindi mo sya mahal."

"Nagawa ko na po yun. Pero wala pong epekto."

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon