chapter fifteen

125 4 0
                                    

Amber's POV

Bigla akong nauhaw. Kaya pumunta muna ako sa kitchen. At nagulat ako nung may humawak sa kabalikat ko. Hindi ako makagalaw. Parang may kuryente mula sa balikat ko hanggang sa kumalat sa buong katawan ko yung kuryente na yun at nanigas ako. Napakalakas na kuryente. Ang corny pero totoo. Hindi ko mailingon yung ulo ko.

After 5 minutes bago ako nakalingon. At wala na sya. Iniisip ko kung sino ba yun. Hindi man lang sya nagsalita para man lang malaman ko kung sino sya.

Agad akong bumalik sa salas para makapakinig ng kung ano ang pinaguusapan at kung ano ang balak.

Si mama at papa wala sa bahay. Kasama sina tito at tita. Nandun sila sa may office. Sila ang nag aasikaso nung business. Para naman daw makapagpahinga sila kuya. <sigh!>

Isang linggo na lang aalis na sila. Ang lungkot naman. Ang bilis ng araw. Parang hindi ko ganun naenjoy yung paguwi nila kasi ang daming gumugulo sa isip ko.

Bakit parang ang weird ngayon. Napatungo ako. Ang bigat sa dibdib. Bigla ko namiss parents ko.

"Amber, kinakausap ka ni kuya Henry." hinawakan nya ako sa kanang balikat ko kaya nagulat ako. Na naging dahilan para mapabalikwas ako.

"HAA!!! ahh ehhh ano po yun?"

"bunso ok ka lang ba?"

"Kuya medyo sumakit kasi ang ulo ko. Hindi ko po alam e."

"Ganun ba? Mukhang hindi ka nga okay kasi natutulala ka."

"Oo nga Amber, kanina ko pa napansin simula nung after mong uminom. Gusto mo umakyat ka na muna? Magpahinga ka na muna. Sabihin na lang namin sayo kung ano yung napagusapan. Okay ba yun?"

"Opo ok na po yun."

Agad akong tumayo.

"Halika hatid na kita bhezt ko. Namiss din kasi kita."

Hinawakan nya yung kamay ko tapos hinatid nya ako sa taas. Pinahiga tapos tumabi sya sakin. Hinug nya ako. Hindi sya nagsasalita. Tapos hanggang sa hindi ko na pala namalayan na nakatulog na ako.

Waaaah! Ang sarap mag inat! Muli na naman akong nasilaw sa napakagandang sikat ng araw. Paulit ulit ang pagtunog ng cellphone ko. Low batt na pala. Kaya agad akong tumayo para isaksak ito. Medyo naaalimpungatan pa ako. Hindi ko pa ganun naididilat ng todo ang aking mga mata. at...... zzzzZZZZzzzzzz!

AHHHHHHHHHH!

Naground ako! Ramdam na ramdam ko. Kumalat sya sa buong katawan ko. Nagkamali ako ng hawak. Nagising tuloy ako ng tuluyan.

Naalala ko yung sa kusina kahapon.

Nako gulong gulo na ako. Ayoko na magisip! Torture much na yung utak ko! Ayaw ko na! haaay! grabe na talaga!

biglang may kumatok sa pintuan at agad pumasok.

"Bunso good morning! Sabi ko na gising ka na. Heto na ang breakfast mo. Ok na ba pakiramdam mo?"

"Yes kuya." tapos nagsmile ako sa kanya.

"Malapit na ang outing natin. At hmmm.. kailangan may makita akong Amber na BABAE!"

grabe sinigawan nya ako sa kaliwang tenga ako. Na naging dahilan para mapahawak ako sa tenga ako. Talagang inemphasize nya yung "BABAE" teka! baket babae naman talaga ako ah! Anong problema nitong si kuya! Natimang na naman.

"AHEM! Excuse me kuya! BABAE AKO NO!!!!!! Ngayon mo lang ba nalaman ha?!!!!"

"Mukhang ok ka na nga kasi sinisigaw sigawan mo na ako."

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now