Chapter twenty five

134 3 6
                                    

Keena's POV

Iba yung exicitement na nararamdaman ko. Kasi magdadate na kami ni Donghae. Mahal na mahal ko siya. At masaya ako kapag kasama ko sya. Matagal ko na syang gusto. At matagal ko nang hinintay na mangyari ito. 

Sa akin lang sya. Ngayon na nasa akin na sya hindi ko na sya papakawalan pa. Isa syang bituin na matagal ko nang gustong abutin. Dati, ang lapit lapit nya saken pero hindi ko sya maabot, pero ngayon, akin na sya. At boyfriend ko na sya.

<beeeep!!>

1 new message.

Papunta na ako dyan. Sorry medyo malalate nga lang ako.

from: cupcake <3

:))))))) <------ ngiting ngiti ako. Kasi nagtext na sya. Talagang tuloy na tuloy na yung date namin. Kahit na medyo masama pa yung pakiramdam nya tuloy pa din. Nakakakilig diba?

sige ingat ka cupcake. iloveyou!

to: cupcake <3

*****

Halos half hour na akong nagaantay. At unti unti nang kumukunot yung noo ko. Ang tagal kasi nya!

Inantay ko na sya sa labas ng gate. Tapos dumating na din sya. Pumasok na ako sa kotse at sakto namang labas nya. Hindi ko alam kung bakit. Pero agad din syang bumalik.

"Cupcake saan tayo?"

"Huwag ka nang magtanong. Tignan mo na lang. Pwede?"

"Sige"

Ang tahimik namin sa sasakyan. Siguro isusurprise nya ako. Naiimagine ko na yung magiging lugar kung saan kami magdadate. Yung maraming kandila sa paligid. Maraming roses, may champagne sa lamesa na nasa bucket ng yelo. Tapos hahawakan ni Donghae yung kamay ko, tapos.....

"Andito na tayo. Huwag ka munang bumaba."

"Ha? Bak...?

Umikot sya, tapos pinagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan. Nakakakilig naman. Ganito yung nakikita ko sa mga love story sa tv. Dapat kanina pinagbuksan nya ako nung sasakay ako sa kotse nya. Hmmmm...

Tekkaaaa, RESTO?! Sa restaurant lang kami magdadate? Bakit? Ano ba naman yan?!

"Cupca..."

"Pwede ba Keena, wag mo na akong tawaging ganyan, lalo na dito. Ang daming tao. Nakakahiya."

"Ha? Bak.."

"PLEASE?"

Nagnod na lang ako. Pero unti unti na naman sumimangot yung mukha ko. Pero hindi dapat ako ma bad vibes. Kailangan ienjoy ko ang gabi na ito. At maging masaya ako kasi kasama ko sya, at natuloy yung date namin. DIba?

May nagassist sa amin para dalhin kami sa aming table. At nagulat ako kasi yung table na para samin may rose, champagne, may candle. Kinikilig talaga ako ngayon. Unti unti ko nang nararamdaman yung gusto kong maramdaman. 

Ok na sakin kung hindi nagkatotoo yung lugar kung saan namin gustong magdate. Kasi kasama ko naman sya. Tsaka mahalaga yung feelings namin sa isa't isa. 

Ang tahimik naming dalawa. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung conversation naming dalawa. Hanggang dumating na yung pagkain namin. 

AHHHHH! Hindi masarap yung pagkain. Ang alat. Pero hindi ko pedeng ipakita sa kanya na hindi ako nasasarapan sa pagkain. Pero teka bakit sya parang sarap na sarap sya sa kinakain nya? Baka ayaw nya lang din ipakita na hindi nya nagustuhan yung pagkain kasi kasama nya ako.

"Bakit ang weird ng mukha mo? Hindi mo ba nagustuhan yung pagkain ha?"

"Hindi. Gusto ko. Ang sarap nga e. Ang galing mo talaga pumili ng lugar."

.

.

.

.

.

"Bakit mo nagawa sa akin to Keena. Hindi ko inaasahan na gagawin mo sa akin, sa amin to. Hin..."

Hindi na natuloy yung pagsasalita nya, kasi dumating na yung dessert namin. 

.

.

.

.

.

.

Takte! Bakit ang anghang nitong ice cream!! Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Nagpapawis na ako sa sobrang anghang.

"Waiter! Pwede po bang makahingi ng milk."

Agad na inabot sa akin yung milk at agad kong ininom.

"Keena, diba sabi mo allergic ka sa soya? Bakit ka uminom nyan? Sigurado ka bang walang soya yang ininom mong gatas?"

Sh*t! Oo nga.

"Waiter excuse me, anong milk ito?"

"Ay ma'am hindi nyu po ba nagustuhan? Kasi soya milk lang po ang available milk namin dito, E mukhang kailangang kailangan nyu na po kanina, kaya hindi ko na po tinanong at ibinigay ko na lang. May problema po ba?"

"Sige ok lang. Salamat." -Donghae

"Bakit ba kasi? Ano bang problema mo? Ang weird mo ngayon. Hingi ka ng hingi ng date, ngayong pinagbigyan kita, ganyan ka naman. Hindi ka maintindihan." -Donghae.

"Ha? Ok lang ako. Wala nga akong nararamdaman na kahit ano e."

"Sigurado ka? Kasi namumula na yung right eye mo. Tapos namamantal na yung leeg mo."

Agad kong hinawakan yung neck ko. Tapos tinignan ko sa salamin yung mata ko. Tama nga sya. At nagsisimula na akong mangati.

"Instead kasi na tubig ang hingiin mo, bakit milk pa? Hindi ka nagiisip. Ang daming milk na may soya. Tapos ngayon iiyak ka?"

"Sorry Donghae if i ruined our date. I think I have to go."

"Hindi na. Halika hatid na lang kita sa hospital. Mukhang hindi biro yang allergy mo. Halika na."

*****

Sa hospital....

Pinagstay muna ako. Tapos may ininject sa akin na gamot. Grabe! Bakit hindi ko naisip yun. Kasi sabi nila pantanggal daw ng anghang yung gatas. Dahil sobrang init na ng pakiramdam ko kanina, hindi ko na naisip na allergic ako sa soya, at may mga gatas na may soya talaga. At nagkataon pang soya milk yung kanina. Haaay! Nalintikan na talaga. Tsk!

"Keena, kamusta pakiramdam mo?" -ate Andrea

"Ok naman ako. Salamat sa pagpunta nyo dito at pagdalaw."

"Heto dinalhan ka namin ng prutas. Kasi baka daw magstay ka dito ng isang gabi." -Amber

"Nagabala pa kayo. Ok lang ako. Tsaka hindi ako nakain nyan. Salamat na lang."

"Aba! Ikaw na nga dinalahan, imbis na magpasalamat, umaattitude ka pa. Pasalamat ka nga dinalaw ka namin dito!" -Krystal

Aba! Sagutin ba ako. Naiirita talaga ako dito kay Amber at kay Krystal. Bakit ba kasi sila pumunta dito. Si Donghae lang naman ang gusto ko makasama.

"Keena, ikaw talaga hindi ka pa din nagbabago. Tama nga naman si Krystal. Sana pala hindi ka na lang namin dinalaw kung ganyan lang din yung ipapakita mo sa amin." -Rome Ivan

"Alam nyo halika na umuwi. Hayaan nyo na sila dyan ni kuya. Magsama silang dalawa." -Krystal

"Ha? Sasama na akong umuwi. Kaya na naman siguro ni Keena magisa dito diba? Tsaka papasok na rin ako bukas. Paggaling ka na lang Keena. Bye." - Donghae

"Paggaling ka na lang Keena. Bye." -Judz

Aba iwan ba naman ako? Talagang iniwanan nila ako magisa dito? Grabe naman. 

:'((

Bakit hindi man lang nagpaiwan si Donghae para alagaan ako? Baka naman gusto nya lang talaga muna pumasok bukas kasi hindi na sya nakapasok kanina? Pano naman ako? haay! Sige hindi na muna ako papasok bukas. Magpahinga na muna ako. :(((

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now