Chapter twenty nine

98 5 2
                                    

Amber's POV

"Ligpitin ko na yan."

"Sigurado ka? Okay lang ba sayo?"

"Oo naman. Lakad na doon ka na lang sa may sofa. Manuod ka na lang ng tv. Tropa naman tayo diba? Ako na magliligpit. Masyado ka nang napagod."

"Sige. Salamat ha? Hintayin kita dun. Pasensya na po ha?"

"Sige na lakad na dun. Hindi ok saken kapag hindi ka pa pumunta dun."

Nagsmile sya sa akin, tapos nagsmile ako sa kanya.

Tapos pumunta na ako sa may sofa, binuksan ko yung tv at humiga.

Krystal's POV

<ding dong!>

Ano kayang ginagawa ni ate Amber?

"Oh anong ginagawa mo dito?" -ako

"Oh Krystal? Binisita ko lang si Amber. Halika pasok ka. Nakatulog sya e. Napagod yata." -kuya Ivan

"Napagod? Saan?"

"Sa pagluluto. Nagluto kasi kanina ng carbonara. Tumulong sya kanina sa kuya mo."

"Andito si kuya kanina? Bakit hindi nya sinabi sa akin na pupunta sya dito. Baliw talaga yun."

Pagpasok ko, nakita ko agad si ate Amber na natutulog. Mukhang pagod nga sya. 

"Paano yan kuya Ivan?"

"Bakit?"

"Hihiram kasi sana ako kay ate Amber ng hard drive. Kokopya sana ako ng movies. Mahilig kasi yan manood ng movies."

"Ganun ba? Kailangang kailangan mo na ba ngayon? Gusto mo hiram ka muna sa akin? Marami din akong movies sa hard drive ko."

"Sige po. Teka pano si ate Amber?"

"Pauwi na din kasi ako, tinext ko na si kuya Henry. Pauwi na daw si Philip. Hintayin na lang natin si Philip, para may magbantay kay Amber."

<ding dong!>

Pumunta si kuya Ivan sa labas para buksan yung gate.

.

.

.

.

.

"Oh kuya! Anong ginagawa mo dito?" -ako

"Pinapunta ako dito ni Philip. Hindi daw agad sya makakauwi, kaya ako daw muna ang magbantay kay Amber dito." -kuya Donghae

"Ganun ba kuya? Pupunta muna ako sa bahay nila kuya Ivan ha? Hihiram lang ako ng hard drive." 

"Sige magingat kayong dalawa. Itext mo agad ako, para kung andito pa ako hanggang mamaya, dito ka na muna dumiretso."

"Ivan, ikaw nang bahala kay Krystal."

"Sige Donghae. Alis na kami."

"Bye kuya!"

*****Sa bahay nila kuya Ivan

"Wow!!! Kuya Ivan ang ganda pala ng bahay nyo."

"Ivan, bakit po bumalik agad kayo? Akala ko po ba gagabihin kayo ng uwi?"

"Ah eh manang kasi itong kaibigan ko si Krystal may hinihiram sa akin. "

"Magandang hapon po." bati ko sa kausap ni kuya Ivan.

"Hindi na rin ako aalis manang. Dito na ako magstay sa bahay. Dito na din ako magdidinner. Pakidagdagan na lang po yung iluluto nyo. Dito ko na po pakakainin itong kaibigan ko. Salamat po. Aakyat lang po ako. May kukuhanin po ako." 

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now