Chapter thirty

92 3 1
                                    

Krystal's POV

"Ha? Pati yun sinabi sayo ni manang? Si manang talaga."

"Oh bakita parang pinaguusapan nyu na naman ako."

Sumulpot na naman bigla si manang.

"Kayo talaga manang, masyado nyo akong binulgar dito sa kaibigan ko. Ang dami tuloy nya nalaman tungkol sa akin."

"Meron nga puro malungkot naman. Dapat may masaya din."

"Halika na kakain na."

Si manang naman. Akala ko sasabihin nya na kung sino. Yayayain lang pala kami kumain.

"Wow! Ang sarap naman ng pagkain nyo. Naluto nyo agad ito manang?"

"Oo naman. Kami pa."

Tapos nagsmile sila sa akin.

"Diba hijo ipapatikim mo pa yan kay Amber."

o.O <---- itsura ko.

Kilala ni manang si ate Amber?

"Manang? Siya ba yung sinasabi nyo sa akin kanina?"

Nagnod lang si manang.

Oh my gawd! Ibig sabihin matagal na palang gusto ni kuya Ivan si ate Amber????

Natahimik lang si kuya Ivan. Hindi talaga sya makapagsalita. Sobrang tahimik talaga nya. Nagulat din kami. At lalo na ako. Pero medyo naguguluhan pa ako kasi hindi naman detalyado yung kwento ni manang kanina.

"Kuya Ivan okay ka lang?"

Nagnod lang sya. Tapos hindi sya makatingin sa akin. Tapos namumula talaga yung mukha nya.

"Hija, kilala mo ba si Amber?"

"Opo. Kaibigan po namin yun ni kuya Ivan. Tapos best friend po ng kuya ko."

"Ganun ba? Ivan, ipaliwanag mo sa kanya. Okay lang naman siguro na malaman ni Krystal yun diba? Diba hija? Huwag mo na lang sasabihin kay Amber kung ano ang nalaman mo."

"Opo manang."

Tinapos ko muna yung pagkain ko. Si kuya Ivan hindi na kumain.

"Kuya Ivan ok ka lang ba talaga? Bakit ka nagkakaganyan? E ano naman kung malaman ko? Kaya ko namang magkeep ng secret."

"Okay lang ako. Ano ba yung sinabi sayo ni manang?"

****flashback

"Kasi lagi syang may binabanggit na babae. Na talaga daw nakakuha ng atensyon nya. Hindi pangkaraniwang babae, iba sya. Lagi nyang sinasabi na araw araw gusto nyang makita yun, kahit hindi nya alam ang pangalan basta makita nya lang masaya na sya. Tapos parang nung dumating yung isang araw na parang gusto nyang makipagkaibigan doon? Aba! Ang batang iyan, halos lahat kami ng kasama nya dito tinatanong kung paano nya magiging kaibigan yun. Kapag naman sinasabi namin sa kanya, hindi naman nya magawa. Ngayon lang yan nagkaganyan sa babae. Dati rati naman, malakas ang loob nya, basta makuha nya lang ang babae, pero sa babaeng ito, talaga naman tinamaan ang aming binata. Halos lahat daw  ng katangian at paguugali ng babaeng yun ay walang katulad at wala na syang hahanapin pa, pati ang panlabas na anyo, kakaiba pero sadyang napakaganda daw. Ngayon nga lang namin nakitang ganyan yan na sobrang saya at nagmahal ng sobra sobra."

******

"Yun nga ang sinabi ni manang sayo? Sabi ko na nga ba."

"May hinala ka nang yun ang nasabi ni manang sa akin?"

"Oo naman. Kilala ko na yang si manang kapag nagkukwento."

Tapos nagsmile sya sa akin.

"Hindi ka galit sa kanya?"

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now