Chapter twenty eight

117 4 4
                                    

Amber's POV

Ilang buwan na kaming ganito. Ang awkward awkward na sa klase. Hindi lang sa klase, pati na rin sa barkada kapag magkakasama kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla na lang naging ganito. After nung dinalaw namin si Keena sa hospital naging ganito na pagbalik nya. Sumasama sya sa amin, pero tanging silang dalawa lang ni Donghae ang laging nagpapansinan. Pero kami? Hindi nya kami pinapansin, kung hindi pa namin sya papansinin, hindi nya kami papansinin. Kinakausap namin sya paminsan minsan, pero isang tanong isang sagot. Pero sila talaga ni Krystal, hindi talaga nag uusap. As in never! Ganun na lang kasi talaga katindi ang inis nya kay Keena. Sinubukan ko syang kausapin, pero inis talaga sya. 

"bhezt, ano na naman ba yang iniisip mo ha? Lagi ka na lang tulala." - bhezt Judz

"Alam mo na yun."

"Nako iniisip mo na naman yun? Wag mo nang isipin yun."

"Syempre mahalaga sa akin yung tropa no. Hindi pwedeng hindi ko maiisip yun."

"Mahalaga din naman sa akin. Kaya lang gumawa na tayo ng paraan para makipag ayos pero wala namang nangyari diba? Sya pa yung ganun? Nakakahiya naman sa kanya."

"Sabagay tama ka. Pero alam mo ayoko naman na magkaganito yung barkada natin dahil lang dun."

"Sa tingin mo ba naiisip nya yan? Kasi kung naiisip nya yan, matagal na syang nakipagayos sa atin diba? Yun lang yon. Nako wag mo na yang isipin yun. Masaya naman tayo diba? Si Donghae lang naman ang pinapakita nya na mahalaga sa kanya. Diba?"

Nagnod na lang ako. Tama nga naman si bhezt. Sobrang tama sya. 

<ding dong!>

"Sige na ako na magbukas."

"Ako na. Uuwi na din naman ako. Babye! Wag mo nang isipin yun ha? Ikaw talaga. Kita kits bukas!" sabay kiss nya sa akin sa cheeks.

"Bye! Papasukin mo na lang kung sino yung nandyan ha? Salamat. Ingat ka!"

Nagulat ako kasi nakita ko si Donghae. Ilang ulit kong kinusot yung mata ko para sigurado. Pero sya nga talaga. 

"Oh, bakit parang nagulat ka potpot?"

"Ha? Ah ehh oo nagulat ako. Kasi bigla kang andito. Anong ginagawa mo dito?"

"Masama na bang dalawin ka?"

"Hindi naman. Nagtatanong lang naman ako."

Bigla syang tumakbo palapit sa akin, tinabihan ako tapos hinug ako.

"Namiss lang kasi kita. Ilang buwan din kitang hindi nakabonding. Magkasama man tayo, kaunting usap lang, tinginan tapos ngitian lang. Yun lang."

"Sus! Alam ba ni Keena na andito ka?"

"Hindi. Wala syang pakialam kung saan ko man gusto pumunta. Tsaka bakit ba lagi na lang si Keena tinatanong mo sa akin ha?"

"Wala lang. Masama na ba magtanong ngayon."

Nagpout ako.

"Wag ka na sad. Ano gusto mong gawin natin? Gala tayo? Kaen tayo dito? Magvideo game tayo? Dance Revolution? Ano trip mo? Gusto mo ng kumaen ng donut at magcoffee sa labas?"

<ding dong!>

May nagdoorbell na naman at pareho kaming napatingin sa may bintana.

"Ako na. Dito ka lang ha? Pagbalik ko dapat nakapagdecide ka na ha?" -Donghae

Tapos nagsmile sya sa akin.

Bigla syang tumayo para buksan yung gate. 

Ang tagal bago pumasok ni Donghae. 

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now