chapter eighteen

147 5 5
                                    

Amber's POV

Ang saya ng outing namin. Sobrang bonding ang barkada. At lalong naging masaya dahil hindi lang ang barkada. Pati na rin yung parents namin. At least nakapagrelax relax sila.

Nung sumunod na week, nagkaroon ng masayang dinner sa bahay parang padespidida na rin nila mama. Aalis na sila bukas. Buong barkada nasa bahay. Magkakasabay sa pagpunta sina bhezt, ate Andrea at Krystal. Tapos dumating sila Ivan, Donghae at Keena.

"Sorry kung nalate kami. Inantay pa kasi namin ni Ivan si Donghae sa bahay."- Keena

"Teka bakit naman napadpad sa inyo si Ivan?" - Andrea

"Kasi friends kami nitong si Ivan. Bago pa man sya maging part ng barkada."

Teka bakit parang hindi naman? Hindi man lang nga namin nakita na nagusap sila.

"Talaga? Kasi hindi namin nakikita na naguusap kayo. Tapos ngayon malalaman namin matagal na pala kayong magkaibigan." - Amber

"Siguro hindi na naman siguro kailangan na malaman nyu pa na friends kami dati diba?"

Hindi na lang ako sumagot! Ouch ah! Parang masyado ata akong nabara sa pagkakataong yun. Buti na lang talaga mabait ako.

Natahimik ang paligid. Isang nakakabasag eardrum na sandali na naman. Pero biglang nagsalita sa Donghae.

"Pare, pwede mo ba akong samahan sa labas saglit?"

Ang angas talaga ng ugok na to. Nako nako! Buti na lang at nice guy itong si Ivan.

"Sige Pre."

Wow! At naki pare naman itong isa. Natawa lang ako. Hindi ko alam kung anong nakain ng mga to at kung bakit naging pare ang tawagan nila. Baka bukas tol naman. HAHAHA Gangster lang?! Mga sira! Mukha na naman akong tanga. Nangiti magisa.

<BATOK!>

"Aray!"

Isang malakas na batok na naman ang natanggap ko mula sa magaling kong bestfriend.

"Bakit mo ba ako binatukan!!!!?"

"Makinig ka may sasabihin si Keena! Kung ano ano na naman yang pumapasok sa isip mo! Wala ka na naman sa sarili mo! Bigwasan kita e!"

"Eto na nga oh. Pwede naman magsorry?"

tapos ayan pinagtawanan na naman nila ako. Mukha ba akong clown? Sira talaga tong mga to. Balik tayo kay Keena. At may sasabihin daw sya. Ano kaya yun? Sana good news.. :)

"May importante akong sasabihin sa lahat. At sasabihin ko to kasi ayaw naming maglihim sa barkada. Pakiramdam ko ito na yung pinakamasayang parte ng buhay ko at eto na yung right time para sabihin ko sa inyo."

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na kaya! Nabibitin na kami e!"

Tignan mo itong si Krystal hindi makapagantay. Nako nako tong batang to!

"KAMI NA NI DONGHAE!"

kaming lahat....

o.o <---------

:) masaya ako para kay potpot. Sa wakas naging sila na din ni Keena. Magiging masaya na din sya. At makikita ko  na ulit yung dating sya. Pero nasisigurado ko na hindi na talaga kami makakapagbonding ng tulad talaga dati. May girlfriend na naman sya. Sabagay sanay na naman ako. HAHAHA

"Talaga?! Bakit hindi nyo man lang sinabi sa amin? Hindi yung ginugulat nyu kami. Hindi man lang nga namin naramdaman na nililigawan ka na pala ni Donghae." - Andrea

"Oo nga. Ang lihim nyo masyado. Pero ok na rin yun at least sinabi nyo na samin diba?" - Amber

"Oo nga ate! Bakit ngayon mo lang sinabi? Ikaw lang naman pala ang magiging sister in law ko. HAHAHA"

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon