Chapter twenty seven

102 2 0
                                    

Amber's POV

Bakit kaya wala pa si Krystal hanggang ngayon? Si Donghae nakita ko na kanina pero bakit sya wala pa din?

"bhezt! ano na naman ba yang iniisip mo at nakakunot na naman yang noo mo?" -bhezt Judz

"kasi bhezt tumawag ako kagabi kay Krystal, after kitang tawagan tinawagan ko sya. Tinanong ko din sa kanya yung sinabi ko sayo. Kasi nagbakasakali ako na baka may alam siya."

"Nako wag mo na lang intindihin yun. Sasama lang yang araw mo."

"Hindi naman yun talaga yung iniisip ko."

"Ano ba yun?"

"May sasabihin daw kasi sya. Kaso biglang namatay yung call. Nablack out na yata sya. Hindi na ako tumawag kasi baka matutulog na din naman sya."

"Tanungin mo na lang sya mamaya ha? Kaso bakit wala pa sya? Second subject na natin to ah. Baka hindi na papasok."

"baka nga."

Nako naman. Kinukutuban ako na may kalokohang ginawa itong si Krystal. 

****Uwian

"Donghae! bakit hindi pumasok si Krystal?" -ako

"Tinanghali na ng gising. Ginigising ko kasi kanina. Ayaw magising, kaya hinayaan ko na muna matulog. Napuyat kagabi. Baka nakonsensya. HAHAHA"

"Nakonsensya?? Bakit? At bakit natatawa ka pa? Sabi na nga ba may kalokohan na ginawa yung batang yun. Baka naman kasabwat ka?"

"Hindi ah!"

sabay ngiting wagi. HAHAHA nakakamiss naman tong si Donghae.

"aray aray!" sinasabi nya yan habang nakahawak sya sa tyan nya. kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa balikat.

"Oh bakit? Ano nangyayari sayo?"

"Hindi pa kasi ako kumakain ng lunch. Parang nalipasan ako ng gutom."

"Ganun ba? Bakit hindi ka kumain? Ikaw talaga. Diba hindi ka naman nagpapalipas ng gutom. Magkaaway ba kayo ni Keena at hindi ka kumakain? Magkakabati din kayo nun."

"Ano ba yang mga sinasabi mo potpot? Alam mo halika kumain na lang muna tayo."

"Ha? Saan?"

"Sa inyo. Dun na lang ako magdinner. Okay lang ba?"

"Ha?? O sige."

Bigla nya akong inakbayan. Mukhang bumabalik na si potpot ah. Hmmm...

hindi nga kaya nagseselos sa akin si Keena? Kasi ganito sya sa akin ngayon. Nalalapitan nya ako. Kasi wala si Keena. Kapag kasi andito si Keena hindi sya nakakalapit sa akin or naaakbayan ako. Hindi naman kasi sya dapat magselos kasi magbest friend lang naman talaga kami. Nababaliw na ata si Keena. 

****sa bahay!

"Hi ate!"

"Oh Krystal anong ginagawa mo dito?"

"Ikaw kuya anong ginagawa mo dito? HAHA andito ako kasi may sasabihin ako kay ate Amber tsaka balak ko sanang dito matulog. Wala rin naman kasi kaming pasok bukas. Tsaka gusto ko makabonding sya."

"Talaga lang ha? Parang hindi naman kayo magkaklase. Halos araw araw magksama na kayo. Tapos kahit bakasyon naman lagi kayong magkasama. Hindi ba kayo nagkakasawaan ha? HAHAHA"

"Teka nga. Bakit ka nga andito?"

"Kasi kakaen kami ni potpot. Magluluto kami. Hindi pa kasi ako naglunch. Masama?"

"Weh? HAHAHA"

"Diba potpot totoo naman?"

"Oo nga. HAHA Ikaw talaga Krystal. Bakit ayaw mo maniwala sa kuya mo?" - ako

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now