Chapter Three

233 10 0
                                    

Chapter Three

Donghae’s POV

Katatapos ko lang painumin  ng gamot si potpot. Hindi ko na sya kinulit at inasar. Mukhang masama na kasi talaga yung pakiramdam nya. Maya maya ay nakatulog na din sya. Kaya hinayaan ko na. Tinawagan ko muna si Krystal.

♪♫♩♬Hot summer a hot hot summer. Hot summer a hot hot nomo daewo♪♫♩♬

Naririnig ko na naman ang favorite ring back tone nya. At sinagot na nya.

”Annyeong oppa!” <It means “Hello Kuya”> <Oppa – ang tawag ng mga babae sa nakatatandang lalaki sa kanila.>

”Krystal hindi ako makakauwi ngayong gabi. Andyan pa ba si Andrea sa bahay?”

”Ha? Bakit po? Opo andito pa sya. Bakit?”

”Sabihin mo naman samahan ka na muna dyan sa bahay matulog. Kailangang kailangan ako ni Amber ngayon e. Masakit ang ulo nya. Wala syang kasama dito sa bahay kasi hindi makakauwi agad si Kuya Henry at Philip. Tapos si Judz naman hindi masasamahan to kasi kailangan nyang umuwi agad. Okay lang ba?”

”Opo nandito pa si ate Andrea at balak nya talaga dito na muna magstay kasi wala rin syang makakasama sa bahay nila. Naku kuya walang problema. Pinaglalapit na talaga kayo ng tadhana! HAHAHAHA” <naririnig ko na tumatawa din si Andrea>

”Manang mana ka talaga sakin. Abnormal. Haha”

”NAMAN! HAHAHA Sige na kuya bisitahin na lang namin si Amber bukas. Sama namin si Keena. Tapos text ko na lang si Jeil na sumama din. Okay ba yun Kuya?”

”Okay sige. Salamat bunso! I love you. Ingat kayo dyan ha? Ilock lahat ng pinto. Isara ang gate. Kumaen na din kayo dyan. Bye”

”I love you too kuya. Bye” <naririnig ko syang tumatawa at nag end na yung call>

Mabuti naman at may makakasama ang kapatid ko. Pumunta ako sa kwarto kung saan nakalagay lahat ng damit nya na nasa loob din ng kwarto ni Amber. Meron kasi akong cabinet dun na nakalagay yung mga damit ko. Yung iba naiiwanan ko talaga. Yung iba talagang dinadala ko dito. Para kapag napunta ako dito at hindi na ako makakauwi may damit ako diba? Habang naglalakad ako palabas nung kwarto na yun. May nakita akong mga dress. Isang cabinet na puro dress. Sobrang dami talaga. Nagsusuot pala ng ganito si Amber. Anu kayang itsura niya kapag suot nya tong mga ito? HAHAHAHA Nako makapagbihis na nga. Ayokong maimagine.

Pagkatapos kong magbihis pinuntahan ko na ulit si Amber. Nakita ko syang nanginginig sa lamig. Ang lakas kasi ng aircon nya. Kaya hininaan ko. Hindi ko alam kung tulog pa din sya. Kaya hinawakan ko sya. Ang taas ng lagnat nya. Anung gagawin ko? Tatawagan ko na ba si Kuya Henry? Nang biglang…….

Niyakap nya yung braso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinusubukan kong alisin pero ang higpit ng hawak nya. Ginigising ko sya pero hindi sya nagigising. Natatakot ako.

”A…ang i…init…………. Annggg l..a..m..ig”

Hindi ko na maintindihan kung anung nangyayari sa kanya. Anung gagawin ko? Hindi ko pa naman naranasan to kay Krystal. Pero kapag nilalagnat sya ang ginagawa ko lang naman tinatabihan ko sya matulog. Habang nakayakap sya saken. Tapos ginigising nya ako kapag may nararamdaman syang hindi maganda tsaka kapag meron syang gusto.

Tinatawagan ko si Kuya Henry tsaka si Philip pero hindi sila sumasagot. Sinubukan kong tawagan si Judz, Krystal, Andrea at Keena pero hindi nila sinasagot. Hindi ko namalayan pass 12 am na pala.

Kinumutan ko sya para pagpawisan sya. Mahina na naman yung aircon kaya parang wala na lang yun. Niyakap ko sya. Ramdam ko pa din na nanginginig sya. Hindi ako makatulog kasi nag aalala kasi talaga ako sa kanya. After 15 minutes tumigil na yung panginginig nya. Maya maya nagsalita sya.

”Sino ka?”

“Ro…Ro…..?”

“Bakit? Ikaw ba yung nakilala namin kanina?”

Tumigil na sya sa pagsasalita. Hindi ko naintindihan yung sinabi nyang pangalan. “Ro” lang ang naintindihan ko. Sino kaya yun? Babae ba yun o lalaki?

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pag gising ko wala na si Amber sa tabi ko? Bigla akong bumangon at muntik na akong mahulog sa mataas na kama ni Amber. Hinanap ko sya. Wala sa cr, wala sa terrace na nasa may labas ng kwarto nya. Hindi kaya nahulog sya? Pagsilip ko wala naman. Sa room na puro damit nya, wala din. Dali dali akong bumaba para hanapin sya. Nawala ang kaba ko at lumuwag ang pakiramdam ko nang makita ko sya sa kitchen na naghahanap ng pagkain sa refrigerator. At mukhang naramdaman nya ang pagdating ko.

”Gusto mong kumain? Kain tayo. Hindi tayo nag dinner diba? Bigla akong nagutom kaya naghanap ako ng pagkain dito sa baba.”

”Ganun ba? Kamusta na pakiramdam mo?”

”Medyo okay na ako. Salamat sa pagtabi mo saken. Ganun din ginagawa saken nila kuya e. Sorry ha? Kung ikaw pa nagalaga saken. Ngayon mo lang ako naalagaan no? Ganito talaga ako lagnatin.”

Ang tamlay ng boses nya. Halatang medyo nanghihina sya. Pero pinipilit nya. Siguro talaga ngang gutom sya. Oo nga no. Ngayon ko lang sya naalagaan ng may lagnat sya. Kasi dati rati naman hindi ko sya nakakasama kapag may lagnat sya. Tsaka kapag may girl friend ako ay bihira ko sya makasama. Ang kukulit kasi ng mga nagiging girl friend ko. Lagi akong gustong kasama. Hindi ko na nabibigyan ng time tong isang to. Kaya gusto kong maging single kasi lagi ko syang nakakasama. At ngayon masaya ako kasi naalagaan ko sya.

”Hoy bakit hindi ka na nagsalita dyan?”

”Paano ikaw! 2 o clock in the morning and you are there looking for something to eat. Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas yan ha? Paano kung nahulog ka sa hagdan? Bakit hindi mo ako ginising para nasamahan kita? Hindi mo ba alam na nagaal……”

”Alam mo ikaw ang oa mo din e no? Hindi bagay sayo ang nagkakaganyan. Hindi ako sanay. HAHAHA Tsaka kaya ko naman e. Kaya wag ka na magalala. Halika na dito at saluhan mo na lang ako kumain. Okay ba yun? Halika na potpot. Wag ka na magalit.”

Naputol yung pagsasalita ko dahil sinagot nya agad ako. Ang OA ko daw. E talaga naman kasing nakakapagalala sya. <Sigh>

”Hindi ako gutom. Samahan na lang kita dyan. Pagkatapos mo akyat na tayo. Ha?”

”O sige. Pero kumain ka na din dali.”

”Ang kulit mo din e nu? HAHAHA Masaya naman ako at okay ka na.”

”Salamat ha? Ang bilis nga gumaan ng pakiramdam ko e. Ikaw kasi nagaalaga.” <seryoso tapos biglang  tawa ng malakas>

”Naman! Ako pa. Teka bakit ka natawa?”

”Kasi kaya bumilis gumaan ang pakiramdam ko, kasi ayaw nang katawan ko ang pagaalaga mo kaya pinilit gumaling. Para hindi mo na ulitin yung ginawa mo kanina. Akala mo ha?! Feeling ka! Hahaha”

”Ang yabang nito! Pasalamat ka nga napagaling kita.”

”Diba nga sabi ko salamat? Ikaw talaga.”

”Kumain ka na nga lang.”

Masaya ako at makulit na ulit sya. < tinitignan ko sya habang kumain> Gusto ko lagi syang ganyan. Ilang oras lang syang nagging matamlay pero namiss ko kaagad sya. Talaga nga naman o. Iba talaga ang impluwensya saken ng babaeng to. Este lalaki. Haha Siguro nga magaling talaga akong magalaga. HAHAHAHA

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now