Chapter thirty six

63 1 0
                                    

Rome Ivan's POV

Alam ko tama ang nararamdaman ko. At hindi ako pwedeng magkamali. Oo masakit, pero yun yung totoo. Kahit hindi nya sabihin. Nararamdaman ko. Pero handa akong tanggapin yun, dahil kung san sya masaya doon na rin ako.

"Ivan, may bwisita ka sa baba. Ayaw kong papasukin pero nagpupumilit sya. Tignan mo na lang sa baba. Ihahanda ko lang ang maiinom nyo."

"Sige po manang. Salamat po. Bababa na din po ako."

Nagulat ako. Kasi pagbaba ko, nakita ko si Keena na nakaupo sa may sofa.

Kaya agad akong bumaba. Umupo din ako sa sofa, pero hindi ako tumabi sa kanya.

"Nasan na yung picture natin? Bakit wala na dito?"

"Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?"

"Ikaw naman. Masyado yatang mainit ang ulo mo? Namiss lang kita. Ang tagal na nating hindi nakakapagkita. Ilang buwan na diba? Tsaka malapit na yung graduation natin diba? Tatanungin ko sana kung anong balak mo."

"Balak saan?"

"Kay Amber? Hindi mo pa din ba sya nililigawan? Bakit ang.."

"Bakit kailangan ko pang ipaalam sayo? It's none of your bussines so just leave us alone. Alam ko may binabalak ka na naman at pinaplano. But don't you dare na gawin yun kay Amber. Wag mo akong subukan."

"Hindi ko alam yang mga pinagsasasabi mo."

"Really? You become worst."

"Shut up. Instead of saying sorry, ganyan pa ang mga sasabihin mo sa akin?"

"Sorry? Para san? Para sa panloloko mo sa akin noon? Ang kapal mo naman."

"No. Para sa pagsasabi ko kay Krystal ng lahat."

"Bakit ako magsosorry? Diba karapatan naman nilang malaman yun? Dahil kaibigan ko sila. Wag kang magalala. Hindi naman kita siniraan. Lahat lang ng katotohanan ang sinabi ko. Wala akong binawas, wala din akong dinagdag."

"Edi parang siniraan mo din ako."

"Hindi kita siniraan, ikaw mismo ang sumira sa sarili mo. Totoo naman lahat yun diba? At totoong ginawa mo ang lahat ng yun. Umalis ka na. Ayokong sayangin ang oras ko sayo."

Tumayo na ako para bumalik sa aking kwarto.

Pero, bigla nya ginrab yung kamay ko at naging dahilan para mapaharap ako sa kanya tapos.

.

.

.

.

.

.

.

.

naramdaman ko ang biglaang paglalapat ng aming mga labi.

Agad ko syang itinulak kaya napaupo sya sa may sofa.

Pero ngumiti lang sya at kinagat ang lower lip nya.

"Ano bang problema mo ha? Pwede ba tantanan mo na kaming lahat. Pati si Donghae! Huwag mo nang iparamdam pa sa ibang lalaki ang ginawa mo sa akin."

"Namiss ko lang yung kiss mo. Bakit ikaw hindi mo ba namiss? Minahal kita, at higit pa sa pagmamahal na yun ang ibinibigay ko kay Donghae."

"Hindi. Never kong mamimiss yang kiss mo. Yuck! Mas nakakatakot ka kung ganun. Mas mahal mo, mas gagawin mo ang lahat. Umalis ka na. Umuwi ka na. Gabi na."

Umalis na ako at umakyat na ako sa pataas. Pero biglang bumugso ang malakas na ulan.

"Ivan! Can I stay for a while? Magpapatila lang ako, tapos aalis na din ako."

"Bahala ka."

Hindi ko maintindihan bakit may taong katulad nya? Pilit ko mang alisin yung mga bagay na ginawa nya sa akin, hindi ko magawa. Gusto kong kalimutan, hindi ko magawa. Siguro dahil sobrang sakit lang talaga ng ginawa nya sa akin.

Bakit ganun? Dobleng sakit ang nararamdaman ko? Ang hirap huminga. Gusto kong sumigaw. Ang dami ko nang naiinom, pero bakit hindi ko makalimutan kahit saglit lang?

"Ivan, bumaba ka muna. Si Keena, naginom sa baba. Ayun lasing na. Hindi namin alam ang gagawin."

Ano namang problema nun? Nakakainis na talaga sya.

"Sige na po ako na pong bahala."

Inayos ko lang yung mga gamit ko sa lamesa, at yung mga pinaginuman ko. Lalabas na sana ako ng kwarto pero pagbukas ko ng pinto, napabagsak sa dibdib ko si Keena.

"Anong ginagawa mo dito? Sino nagsabi sayong tumaas ka?"

Pinipilit ko syang ilabas ng kwarto ko pero nilalabanan nya. Kaya ipinasok ko sya sa kwarto ko at hiniga sa kama ko. Umupo ako sa may sofa. At inantay ko kung ano ba ang susunod nyang gagawin.

Maya maya ay bigla syang umupo.

"Ano na namang drama yan? Umuwi ka na nga."

"Ivan? Bakit hindi ako makuhang mahalin ni Donghae, na katulad ng pagmamahal mo sa akin noon? Panget ba ako? Ano bang meron sa akin na meron si Amber?"

"Madami. Opposite ka nya."

Bigla syang umiyak. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya. Kasi sa mga sinabi nya, ibig sabihin hindi naman talaga sila ni Donghae. I'm sure, may kalokohan na namang ginawa ang isang to.

Ang tagal nyang umiyak. Para syang batang nawalan ng bagong laruan. Bigla nyang kinuha yung phone nya.

Tapos may tinawagan sya.

"Hello Donghae? Magkita tayo bukas! Dun pa rin sa dati. 1 pm! Pumunta ka kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda."

Pagkasabi nya nun. Pinatay na nya agad yung phone nya. Binablock mail nya si Donghae. Hanga na talaga ako sa babaeng to.

Bigla syang tumingin sa akin.

"Ikaw din. Bukas! 1 pm! Sinusubukan nyo talaga ako. Maghaharap harap ngayon tayong tatlo."

Hindi ko sya maintindihan. May binabalak na naman kaya syang hindi maganda? Kailangan mapigilan sya.

Bigla syang tumayo tapos lumapit sa akin.

Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko na halos 2 inches na lang ang pagitan.

"If I can't make him mine, be ready Ivan, I will come back."

Natulala ako. Hindi ko agad namalayan na nakalabas na pala sya ng kwarto ko.

Anong ibig nyang sabihin? Kapag hindi nya nakuha si Donghae? Babalik sya sa akin? No way!!!  >.<

<

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now