chapter seventeen

121 4 0
                                    

Amber's POV

AhhhhhhHhhh! Inat inat na naman! Grabe sarap matulog. Pagbangon ko. Gamit ko handa na lahat? Anong oras na ba?? 

"What duh?! 8:38 am?!!! Aalis kami ng 9! Late na ako ng gising! Sino nag ayos ng gamit ko? Bakit hindi agad ako nagising?! "

Napapasigaw na ako sa taranta. Tapos may biglang pumasok sa kwarto ko.

"O anak gising ka na pala. Lakad na maligo ka na. Ok na yang gamit mo. Inayos ko na yan. Wala ka nang problema jan. Kumpoleto na yan lahat. 9 alis na tayo. Nandyan na silang lahat sa baba. Si Ivan nandyan na din. Kaya lakad na. Hintayin ka namin sa baba."

Napakamot ako sa ulo ko. Nakakahiya naman. Aantayin pa tuloy nila ako. Pero parang hindi naman sila masyadong excited no? Ang aga nilang pumunta.

"Salamat ma."

Lumapit ako kay mama at hinug ko sya. Ang sarap ng may nanay! Mamimiss ko si mama. next week aalis na naman sila. Naiiyak na naman tuloy ako.

"Lakad na."

sabay kiss nya sa forehead ko.

Agad akong nagmadali para maligo. Pagkatapos kong maligo, pagtapos ko wala na yung gamit ko sa kwarto. Hindi ko man lang namalayan na may pumasok sa kwarto. Pagbaba ko wala na yung mga gamit. Talagang ako na lang inaantay nila. Ako na lang ang kulang ay aalis na. Haay! Nakakahiya naman. Napuyat kasi ako kagabi dun sa pinakinggan ko. Pero ayos lang.

Ayan umalis na kami. Ang ingay sa loob ng sasakyan. Ang gulo! Pero masaya. Katabi ko pala si Ivan dahil ang katabi ni bhezt ay si kuya Philip. Nandun kami sa dulo. Favorite spot ko kasi sa dulo. Tapos dun ako sa may left side. Dun ako sa may bintana. 

Sa may batangas kami magswimming. Beach resort pero may pools din naman. Overnight kami! Weeeee! ang saya nun. Hindi ko napigilan at nakatulog na naman ako dahil medyo matagal ang byahe. 

Paggising ko nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Ivan at sya naman ay nakapatong ang ulo sa ulo ko. Kinikilig na naman ako.

Tapos nagising na din sya kasi naramdaman nya na parang gumalaw ako. Inalalayan nya yung ulo ko sa pagangat. How sweet!

At nandun na kami sa resort.

Pagbaba namin. Hiyawan kami!

"WoooooOoooooOoooo! Ang ganda naman dito!"

Talunan sila Krystal at Keena. Mga baliw! hahaha

Sina papa at sina tito aayusin na daw nila yung gamit. Tumulong yung mga boys kaya kaming mga babae ay nauna na sa room na titigilan namin. Hiwalay yung room nung mga parents namin sa room namin. So magkakasama sila tapos kaming barkada magkakasama.

Yung mga foods namin dun dinala sa cottage sa tapat nung bahay na titigilan namin.

Pinagbihis na kami. OMG! Is this really it. Talaga bang isusuot ko  na yung two piece na yun. My gawd! Pakiramdam ko talaga hindi bagay sa akin. 

<sigh!>

Kaya bumaba muna ako para tignan sila. Nandun sila sa may dagat. Bihis na sila. Kami na lang ni bhezt ang hindi bihis. 

O.O <---------- Yan ang itsura ko paglapit namin sa kanila. OMG! Ang hot ni Ivan! May mga pandesal sa tyan. Kahit hindi ganun kahalata meron pa din.  Grabe naman to. Mga kuya ko at si Donghae meron malaking tinapay. Nagiisa! HAHAHA

Binatukan ako ng bestfriend ko!

"Hoi baket ka tumatawa magisa! Kung ano ano na naman iniisip mo."

"Ahh ehhh kasi naisip ko yung itsura ko kapag sinuot ko na yung bigay sa atin. Tignan mo naman sina ate Andrea, Krystal at Keena! wiwit! Ang sesexy! My gawd!"

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon