Chapter forty four

45 0 1
                                    

Amber's POV

Ang tahimik, kasi walang nagsasalita ni isa sa amin. Parang lahat umurong ang dila. Kahit ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Kung magjojoke ba ako, or kakamustahin ko ang trabaho nila, ewan ko. Kaya mas minabuti ko na tumahimik na lang. Krystal is crying and i can't comfort her. She's not beside me. All I can do is to stare at her.

"Are you okay?"

bhezt Judz whispered.

Nagnod ako, without looking at her. Feeling ko kasi paiyak na ako. Pero pinipigilan ko lang. Ramdam na ramdam ko yung lungkot sa paligid ko. Pero ganun talaga, at kailangan nilang umalis.

Nung nakita ko na yung airport, biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Kung kinakabahan ba ako or nabigla ako na nakita ko yung airport? Hindi ko alam. Basta ang weird nung feeling.

Nung nandun na kami, bumaba na kami. Binaba nila kuya yung gamit nila. Nasa gilid kami ng van. Hindi naman kami magtatagal, kaya nagpaantay na kami. Silang lahat halos nasa front, ako nasa likod lang. Natatakot ako e. Hindi ko alam. Kaya mas minabuti ko yun. Ang layo ko sa kanila. Ayoko makitang umiiyak si Krystal kasi baka maiyak na din ako ng sobra.

Nakatungo lang ako. Ayokong tumingin sa kanila. 

"Ate mamimiss kita. Sumunod ka sa Korea ah?"

Then she hugged me so tight, yung feeling na parang hindi na ako makahinga. I will miss her so much. She's like a sister to me. I look at her and wipe her tears.

"Stop crying okay? Mamimiss din kita. Sige susunod ako, pero kapag hindi ka tumahan, baka magbago ang isip ko."

I gave her a sweet smile, for comfort. Sobrang mamimiss ko talaga siya.

"Sige na Krystal lakad na. Baka malate na kayo sa flight nyo. Chat na lang tayo okay?"

Nagnod siya, and then she kissed me. Tapos naglakad na siya papalayo sa akin. Naiiyak na naman ako, kaya sinubukan kong pigilan. 

Habang nakatungo ako, may nakita akong mga paa, na nakatayo sa harapan ko.

"Pot, pwede ba akong humingi ng favor sayo?"

Mahina niyang sabi. Hindi siya bumubulong pero kung sa normal voice niya, mas mahina lang ng konti.

"Sige ano yun? Basta kaya ko."

Dahan dahan niyang hinawakan ang chin ko with his two hands, at dahan dahan niyang inangat, dahilan para magkatitigan kaming dalawa. Mukhang seryosong seryoso siya, at para bang may open wire na dumampi sa akin.

"I'm sure kaya mo yun. Kaya sana pagbigyan mo ako. Last na favor ko na sayo to okay? Pero kailangan sundin mo yung sasabihin ko ha?"

I just move my head up and down once. 

"Gusto ko sanang alagaan mo yung taong pinakamamahal ko at sabihin mo sa kanya namamimiss ko siya at mahal na mahal na mahal na mahal ko siya."

Kumunot ang noo ko. Tsaka parang may kumurot sa.... Teka, Ako? Bakit ako ang mag aalaga? At tsaka sino ba yun?

"Ha? Ako?"

Sabay turo ko sa sarili ko.

"Bakit ako? Hindi ko man lang nga kilala kung sino yun e."

"Shhh. Oo ikaw. Ipapakilala ko na nga siya ngayon sayo. Ganito, pagkapasok ko dun sa loob ng airport, tumalikod ka. Tapos kung sino yung unang tao na makikita mo, yun yung taong pinakamamahal ko. Okay ba yun?"

Again, nagnod na lang ako. <sigh!>

Tinap niya yung ulo ko.

"Sige na pot alis na kami ni Krystal ha? Ingatan mo din sarili mo. Sana magawa mo yung favor ko sayo ha? i love you pot. Mamimiss kita sobra."

My Best Boy Girl Friend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon