Chapter Ten

186 8 3
  • Đã dành riêng cho KMchii
                                    

Henry's POV

HOOOOOooo! Ngayong gabi ang pinakamaganda at pinakamasayang gabi na mangyayari sa buhay ko. Mukhang busy at abala na ang lahat sa pagaasikaso ng mga bisita. Ang mga kapatid ko at pati na rin ang tropa hindi ko pa din nakikita. Ang tagal naman nila. Kanina ko po sila tinitignan mula dito sa terrace sa taas.

Biglang naputol ang aking pagiisip nang biglang may humawak ng aking kanang balikat.

"Anak anong ginagawa mo dyan? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."

"Ma, ginulat mo naman ako. Hinihintay ko sila. Hindi pa sila dumadating."

"Dadating din yung mga yun maya maya wag kang magalala."

"Opo. Ma salamat po."

"Wala yun. Deserve mo ang party na ito. This is your night. I know you will surprise us this night."

Hindi ako nakapagsalita. Nanay ko nga sya. Saulado na nya ako kahit hindi kami laging magkasama.

"O ayan na pala sila. Salubungin mo na."

Agad akong bumaba at ang bumungad sa aking mga mata ay si Judz at si Phillip. Aba! Sila pala ang magkapartner ngayon. Hmmmm.. HAHAHA Ang gwapo ng kapatid ko sa kanyang suot. Koreanong koreano.. HAHAHA At si Judz na suot ang isang purple long gown. Bagay na bagay sa kanya. Simple pero elegante. 

Sunod kong nakita ay si Krystal at si Bryan. Classmate sya nila Amber. Match na match ang dalawa. Combination ng navy blue at white ang suot na long gown ni Krystal at si Bryan naman ay combination ng black at white ang kanyang suot na suit. 

Sumunod sa kanila ay si... si..... Keena at si DONGHAE?!! Teka ang buong akala ko ay si Amber at si Donghae ang magkasama. Pero bakit si Keena ang naging partner nya? Naguguluhan talaga ako. Parang may hindi tama.. Hmmmm.

At sa likod nila ay si Andrea suot ang pure white na long gown. Simple pero talagang maganda. 

Agad silang lumapit sa akin at bumati. Sabay abot ng kanilang mga regalo para sa akin. 

"Kanina ko pa kayo inaantay. Akala ko hindi na kayo dadating."

"Kaming lahat ba talaga ang inaantay mo? HAHAHA"

Nagtinginan silang lahat. Pero napasmile naman ako.

"Tigilan mo nga ako Donghae. Ang aga mo mangasar. HAHAHA"

"Teka nasan na pala si Amber ha Phillip?"

"Kuya medyo malalate sya. Kasi andun sya ngayon sa condo ko."

"Anong ginagawa nya dun?"

"Ang dami mong tanong kuya. Wag ka magalala safe sya."

"Sigurado ka ba?"

"Oo Donghae sigurado ako. Kaw ah! hahaha"

"Naninigurado lang. Syempre bestfriend ko sya. Diba Judz?"

"HAHAHA oh teka bakit napasama ako? Oo na lang. "

"Halika na nga maupo na kayo."

Amber's POV

Nako naman si Kuya. Nakakabored na dito sa condo nya. Ang tagal naman nung magiging partner ko. Haay! HIndi talaga ako komportable dito sa suot ko. Si ate Andrea kasi eto yung kinuha sa bahay. Eto daw ang napili nya. Salamat sa kanya kasi inayusan nya ako. Pero mejo naiilang talaga ako sa suot ko ngayon. Maya maya biglang may nag doorbell kaya agad akong tumayo para pagbuksan sya. 

Pero nagulat ako sa aking nakita.

"Ro.. ROooome Ivan!!? IKAW!!"

"Yes?" sabay bigay ng isang napakagandang ngiti. Ayan na naman sya. Amber control! Dapat ipakita mo na hindi ka kinikilig.

"Teka bakit hindi mo sinabi saken?"

"Para surprise. Let's go?" :)

Nag nod lang ako. GRABE! Sobrang pogi nya sa suot nya. Pangkaraniwan lang na suit ang suot nya pero ibang iba ang dating nya. Iba talaga sya! 

"Sorry kung nalate ako ha? Medyo natraffic kasi. "

"Okay lang yun." binigyan ko sya ng wide smile.

"Amber?"

"Bakit?"

"I want you to know that you are so pretty."

"Salamat." :)

"Turnilyo ka ba?"

My gosh! Eto na naman sya.

"Hindi bakit?"

"Kasi umiikot ka na nga sa isip ko bumabaon kapa sa puso ko." sabay bigay ng isang naughty smile.

"Ayan ka na naman." Bakit ba kasi hindi ako maalam sa mga pick up lines na yan. Konti lang alam ko. 

Hindi ko namalayan na nandun na pala kami sa bahay. At mukhang madami nang tao. Ang gentleman talaga nitong si Rome Ivan. Pinagbuksan na nga ako kanina nung sasakay ako sa kanyang kotse pinagbuksan pa din ako nung akoy bababa. Sana hindi ako nagbublush. HAHAHA

Donghae's POV

Bakit wala pa din si Amber? Sino kaya ang partner nya? Ayaw kasi sabihin ni Phillip kung sino.

Pero biglang nagsalita si Keena.

"Ayan na sila."

Bigla akong napalingon sa gate. Parang hindi si Amber yung nakita ko. Bagay sa kanya ang gown na suot nya. Tube long gown na kulay violet. Kitang kita ang kanyang kaputian. Bagay na bagay sa kanya. Kahit hindi mahaba ang buhok nya sobrang ganda nya. Napansin ko yung partner nya. Hindi ko kilala kung sino yung kasama nya.

"Keena sino yung kasama nya?"

"Sya si Rome Ivan."

"Ahh.."

Sya pala yung sinasabi nya saken. Tama gwapo nga sya. Pero mas gwapo ako sa kanya. 

Nakita ko sila na papalapit kay kuya Henry, tita at tito pati na rin kala Mom at Dad. Minabuti ko na lang na ibahin ang lingon ko. Pero maya maya paglingon ko ulit ay papalapit sila sa aming table. 

"Bakit ngayon lang kayo bhezt? Ang tagal nyo ni Rome Ivan ah. San ba kayo nanggaling ah? haha"

"Ikaw talaga bhezt ang naughty mo. HAHAHA"

"Sinundo nya ako. Medyo nalate sya kasi natraffic sya."

Pinakilala ni Amber sa amin yung Rome Ivan na yun. Tapos nakatabi ko sa upuan yung Rome Ivan. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Amber. Ang ganda nya. Hindi ako magsasawang tignan ang BESTFRIEND ko.

 Si Henry po yung nasa picture sa right side. :) member din po sya ng super junior katulad po ni Donghae. :)

My Best Boy Girl Friend [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ