Chapter thirty four

59 0 0
                                    

Amber's POV

"Bunso halika na. Matagal ka pa ba?" -kuya Henry

Sinasabi yan ni kuya habang nakatok sya sa kwarto ko.

"Saglit na lang po kuya. Sunod na lang po ako sa baba."

Hindi naman masyadong excited tong kuya ko ano? Makikita na naman kasi si ate Andrea. HAHAHA

Pupunta nga pala kami sa bahay nila Potpot. Doon magaganap ang aming christmas party ngayon. Last year sa bahay nila bhezt Judz. Excited na ako para sa exchange gift namin mamaya.

Pagbaba ko, nakita ko si ate Andrea at si......

"oh bhezt? Bakit andito ka na?"

"Ayaw mo ba?"

"Hindi. Nakakapagtaka lang."

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Umamin ka nga sa akin bhezt."

 bulong ko sa kanya

"Ha? Ano namang aaminin ko sayo?"

"Kung may sasabihin ka pala sa akin."

"Saka na."

Ha?!! Aba mukhang meron nga. Tignan mo ito. Maglihim ba sa akin?

"Halika na alis na tayo." -kuya Philip

Tinignan ko si kuya Philip ng masama. Tinaasan ko ng isang kilay.

"Oh anong problema mo?"

"Kuya! Parang may hindi ako alam dito na dapat kong malaman."

"Ha? Ano? Wala ahh. Ikaw talaga. Halika na."

"Ehh bakit hindi makatingin ng diretso sa mata ko?"

"Halika dito ibubulong ko sayo."

Agad akong tumakbo sa kanya. Tapos binulungan nya ako.

"Nililigawan ko na. Wag ka maingay na sinabi ko sayo. Okay?"

Nagnod ako at ngiting wagi ako.

"May pag asa ba kuya?"

Tinaas nya lang ang balikat nya. Parang sabi nya, ewan.

Kasi naman ang galing mang asar nitong si kuya. HAHAHA Sana naman magustuhan ni bhezt Judz si kuya. Boto ako. :)

"Tera na. Alis na tayo. Nagtext na sa akin si Krystal. Tayo na lang daw ang wala doon. Let's go." - ate Andrea

Kaya ayun umalis na kami. Si kuya Henry nagdrive. Teka nasan na si Ivan? Ibig sabihin nandun na sya? Himala yata? Hindi sya nagtext or something?

"Ate Andrea si Ivan daw andun na?"

"Uiiiiiiiiii!" -sabay sabay nilang sigaw

"Tumigil nga kayo dyan. Masama bang magtanong?"

"Siguro Amber andun na yun. Kasi sabi ni Krystal tayo na lang daw wala."

Nagnod lang ako.

Mabilis lang kami nakarating sa bahay nila Potpot. Kasi isang subdivision lang naman kami. Pero medyo malayo sa amin. Ang laki laki kasi ng subdivision na to. Tapos nakakainis kasi hindi pa naging magkatabi yung bahay namin.

Pagdating namin doon, nakita namin sila na nagkukwentuhan. At nakita ko na nga doon si Ivan.

Nagbeso kami sa kanila tapos nilagay namin yung mga gifts namin sa ilalim ng christmas tree.

Umupo na kami. At doon ako napaupo sa tabi ni Keena. Agad tumayo si Ivan at tumabi sa akin.

"Amber sorry ha?"

My Best Boy Girl Friend [Completed]Where stories live. Discover now