CHAPTER FORTY-NINE

37 5 2
                                    

Chapter 49

                    ALEXA

"Kung gusto mong umayos ang pakikitungo ko sayo, iwan mo ang anak ko! Layuan mo s'ya."

Nanginig ang kamay kong naka hawak sa plato, dahilan ng pag bagsak non sa lababo at pagka basag.

"Pasensya na po Ma'am."

Sinubukan kong pulutin ang mga basag na plato pero nasugatan lang ako.

"Umalis kana rito habang wala pa ang anak ko, hindi mo ba ako naririnig o sadyang nag bibingi bingihan kalang?!"
"

Napapikit ako at pinilit lunukin ang mga binabatong salita saakin ni Mrs. Reyes.

"Umalis kana dito! Dahil kahit kailan wala kang binatbat sa kalingkingan ng anak ko. Isa kalang maliit na dumi sa buhay namin na kayang kaya kong walisin papalabas!" sigaw saakin ni Mrs. Reyes.


I tried to supress my feelings. Well I still can bare the pain.

"Pasensya na po kayo Mrs. Reyes, pero hindi ko magagawang iwan ang anak nyo." mahinahon kong sambit.

"At bakit? Sa tingin mo mapapansin kapa ng anak ko? Umuwi kana at huwag kang bobo, sinabi ko gawin mo!"


Nagulat ako ng hablutin nito ang buhok ko.

"Mrs. Reyes." pagbuntong hininga ko. Ngunit hawak lamang nya ang buhok ko ganoon na lang ang galit nya saakin.

"Hayop ka talaga! Pare-pareho kayo!"

"Let's not include the past here, Mrs. Reyes." aniko,

"Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para kahit papaano mawala ang galit nyo saakin. Pero alam kong hindi nyo ako mapapatawad, kahit ngayon lang hayaan nyong makasama ko ang anak nyo." galit n'yang hinigpitan ang hawak sa buhok ko.

"Kahit kailan hindi ko kayo mapapatawad!" ibinalya nya ako dahilan ng pagtama ng likuran ko sa kanto ng lamesa.

Naikuyom ko ang kamao ko. At biglang bumalik sa isipan ang sinabi saakin ni Lolo ilang linggo na ang nakakalipas.

Ang patagong pag mamahalan nila ay batid ko, kung kaya't nilayo ko ang mama mo sa ama mo na noon ay kinakasama si Rolita.

Napangisi ako.

"Hindi ko kasalanan na si Mama ang pinili ni Papa at hindi ikaw." hindi ko napigilan ang mag salita.

Galit nya akong sinugod at pinag sasampal. Galit na galit ang mga mata nya at namumula.

"Ang kapal din ng muka mong ipamuka saakin 'yan!At anong alam mo! Ha!"Galit nyang sigaw.

"Alam ko Mrs. Reyes na may pag tangi ka sa papa ko, pero iniwan ka nya dahil ang mama ko ang mahal nya." pantay ang galit na inilabas ko.

"Kung hindi lang pinikot ng mama mo si Robert  edi sana akin s'ya ngayon!----"

"Bakit Mrs. Reyes! Bakit ganyan ang hangarin mo? Pinagsisihan mo ba na inanak mo si Gio? Ha! Pinag sisihan mo ba! Galit ka sakin kasi ang mama ko ang pinili! Pero kung ikaw ang pinili nya wala si Gio." gitil ko sa harapan nya.

Natigilam sya at napa luha sa harapan ko.

"Hindi kaba naiinis sa sarili mo? Na ang tingin sayo ni Gio ay isang mabuting ina! Gayong napilitan kalang mag pakasal kay Mr. Reyes dahil hindi ka pinili ni papa!" sigaw ko, tuluyan nang nawalan ng control sa sarili.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now