CHAPTER TEN

163 81 10
                                    


Chapter 10


                            GIO

Isang hapon ng papalubog ang araw ay naisipan kong maglakad lakad sa pathway.



"Kita mo nga naman oh, nakatadhana ata tayo sa isa't isa!" napabaling ako ng tingin sa likuran ng mamataan ko si Lexxy. Naka loose shirt at short. Napatitig ako sapagka mangha.


Bakit lagi ko syang nakikita? Psh.


"Anong ginagawa mo dito?" natatawa kong tanong sakanya ng makalapit na saakin. Pinagmasdan nya ng tingin ang suot ko,pati tuloy ako ay napatingin. Naka kakhi short naman ako at mickey mouse na t shirt na kulay pink.


"Nays one mas nagwapo ka sa color pink ah!" puri nito ako naman ay natawa.


"Bolera. Ano nga ang ginagawa mo dito?" ngumuso ito at saglit na nagisip.

"Papahangin sana ako. Kaso ay namataan kita." aniya.

"Bakit parang kasalanan kopang nakita mo ako?" natatawa kong tanong. Nanlaki ang mata nito at mabilis na binawi ang sinabi.

"Hindi ah! Nakakatuwa nga kasi nagkita na naman tayo" kikisig-kisig na sambit nito. Napailing ako at saglit na napadapo ang tingin sa mga dumaang lalaki sa likuran nya.


"Tara at maglakad lakad" alok nya. Napakamot ako saglit sa ulo bago tumango.


Gaya nung nakaraan ay hindi sya nauubusan ng sinasabi,minsan ay pinagtitinginan pa kami sa katatawa.


"Sya nga pala may Girlfriend kana ba Gio?" tanong nya habang nakaupo sa pinakamalapit na kubo. Napangiwi ako at isang beses na umiling.


"Weh? Wala kang jowa? Imposible!" bulalas nito na para bang ako ang nakilala nyang pinaka sinungaling sa tana ng buhay nya.


"Kung bibigyan mo ako ay pwede naman." kunwari ay seryosong sambit ko. Nalaglag ang panga nito at muli akong pinangliitan ng mata.


"Bibigyan kita? Ng Girlfriend?" nakangusong tanong nito. Saglit akong napangiti bago umiling.


"Boyfriend." aniko. Nanlaki ang mata nito at nagpakawala ng hagalpak, pati ako ay nahawa narin ng tawa nya.


"Seryoso?! Ano ka bakla?" nanlalaki ang mata na tanong nito,ako naman ay napahawak sa tyan katatawa.


"I guess I am." ngisi ko. Natigil ang tawa nito at seryosong tumingin saakin.



"Bakla ka? Nako Gio 'wag moko lokohin hindi halata!" ngiwi nya.


"Kung hindi ka maniniwala ay ayos lang din." ani ko. Sya naman ay napanguso.


Tumayo ako sapag kakaupo at saglit na tinanaw ang mga naglalako ng buko juice sa tabing kalsada,mayroon ding mga tindahan ng kwekwek at iba pa.



"Tumayo ka dyan,bili tayo" ani ko tinutukoy yung mga tindahan sa tabi.
Ngumiti sya at hinigit pa ako palapit don.



"What do you want? Pumili kana libre ko." aniko, tumango sya at namili ng kanya. Bumaling ako sa kabila at naisipang bumili ng buko juice.


"Anong iyo hijo?" tanong ng tindero,

"Buko juice po isa....ay saglit" hinarap ko si Lexxy namay ilang dipa ang layo.


"Lexxy! Want some Bj?" sigaw ko dahil hindi nya ako marinig. Napatigil ang mga nagtitinda pati ang mga bumibili at nakamaang akong hinarap. Inosente akong sumulyap kay Lexxy na tumatawang lumapit saakin.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now