CHAPTER SEVEN

166 95 11
                                    

 
Chapter 7

                    VANNIE

LAKAD at takbo ang ginagawa ko sapag jojogging. Tagaktakan nako ng pawis ng maisipang maupo sa isang waiting shed sa dito sa Halingin park.

Mataas na ang araw at ako nalang ata ang nag jojogging.

Umalis na kaya si Alex sa bahay? Medyo natawa na naman ako. Naiimagine ko ang muka nya habang nagsusuot ng kulay Pink na Tux.

Napadako ang tingin ko sa isang pamilyang nagpipicnic lang sa gilid. Hindi ganon kataas ang mga carabao grass kung kaya't masarap talaga'ng mag picnic.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang isang pamilya. Kung gaano sila kasaya sa piling ng isat-isa. Kung papaano sila magbiruan.

Kung sana ganon din ako.
Sana masaya din ako.
Sana kasama ko ang mga magulang ko.
Nakakainggit,naginit ang gilid ng mata ko ng muling bumalik sakin ang masalimuot na pangyayari.

I was Seven years old when my father died. It was my strangest nightmare. My depressing stage.

Kung dati ay nakukuha ko lahat ng gusto ko,dati ay isa akong prinsipe kung ituring sa bahay. Nasaakin na ang lahat.

My father. Sya ang nagpatunay kung anong ibigsabihin ng tunay na pagmamahal. Hindi nya kami sinusukuan kahit na lahat ng pamilya nya ay taliwas sa gusto nya.

Kung paano saakin ni mama sinabi kung gaano sya kamahal ni papa. Kung paano sya pinaglaban ni papa sa pamilya nya.

Pero sadyang mapag kait ang mundo,
Pati ang tangi kong comfort zone kinuha nila sakin.

I was sick to death when my father died. Hindi ko alam kung paano babangon ng wala sya. Paano na kami ni mama.

Pakiramdam ko ay nabawasan ang buhay ko. Kumpara kay mama ay mas malapit ako sa papa ko.

Kahit pa ang mga auntie ko ay ipamuka saakin kung gaano sila nangdidiri saamin ni Mama.

Mula noon ay na confused nako sa mga bagay bagay. Bata pa ako pero hindi ko manlang nagawa ang gawain ng mga bata. Wala akong kalaro o kaibigan.

Lahat ay pinagkait saakin,pati ang tangi naming bahay ni Mama ay binawi ni tita Maila ang nakatatandang kapatid ni papa.

They even accused mom for being a gold digger. Masakit para saakin kung paano umiyak tuwing gabi ang mama ko. Tuwing umaga ay pinagluluto pa nya ako ng makakain,nakangiti at masigla tila walang nangyaring iyakan.

My dad was a pilot. Pero doon din sya namatay. Mula noon ay natuto akong magsumukap,pinangako kong maghahanap ng matinong trabaho para kay mama.

And here I am. Naka upo at walang maayos na trabaho,siguro ay mag huhurumento si mama kung malaman nya ang trabaho ko gayunding nakapag tapos naman ako ng Engeneering.

Napaayos ako ng upo ng tumunog ang telepono ko. It was Tiya Julie ang nagiisang kapatid ni Mama.

Napatayo ako at agad na sinagot iyon.

"Tiya kamusta? Si mama ba ay maayos lang?" agaran kong tanong.

"Hijo,ang mama mo. Naospital, nung nakaraan lang ay ilang araw syang hindi kumain ng maayos, ginasta kona ang tira ko pang pera sakanya ngunit hindi iyon sapat. At ngayon ang Farm ay nalulubog narin." litong lito na siguro si tiya,napapikit ako at napahinga ng malalim.

"Lilipad ako papunta d'yan, hintayin nyo ako. Huwag ka 'ring mag pabaya tiya" sambit ko.

"Hijo,hindi kaba busy dyan? Ang alam ko ay abala ang mga gaya mong Engineer sa manila?" nag aalalang sambit nito.

Winds Of Fate (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora