CHAPTER THIRTY-FIVE

34 10 0
                                    

Chapter 35

                          GIO

Kasabay ni Attorney ay pumasok kami sa loob ng District court, habang ang dalawang pulis ay nakahawak sa magkabila kong braso, ultimo ay tatakas. 

Natigil kami sa isang pinto, nakalagay sa taas non ay Courtroom number 101 . Patulak pa kong pinapasok ng pulis.

Bumungad kaagad saakin ang isang napaka linis na silid, sa unahan ay mayroong tatlong upuan sa gilid non ay may watawat na sinisimbulo ng bansa.

Nauna si Attorney at naupo sa dalawahang silya sa bandang kanan. Sa tabi nya ay roon ako pinaupo ng dalawang pulis, pagkatapos ay sabay itong tumalikod at tumayo ilang metro ang layo saakin.

"Don't be nervous." ngiti ni Attorney at saglit na kumuha ng panyo at inilahad saakin pamunaas ng pawis na kanina pa pumapatak.

"Hindi maiiwasan." ngiwi ko, pagkatapos ay nilibot ang paningin sa buong courtroon, may aircon pala pero mabanas parin.

Lumingon ako sa kanan at doon natagpuan ang tatlong upuan ng mga hukom. Sa kaliwa naman ay mga upuan na maaaring pag upuan ng mga kapamilya ng mag kabilang panig.

Saglit kong nilikot ang kamay ngunit ay napatigil rin ng kumirot ito dahil sa higpit ng posas. Natigil ako sa ginagawa ko ng biglang bumukas ang pinto at nagsipasukan na ang ibang tao. Naroroon ay sina Mama, Lexxy at iba pang kakilala. Pang huling pumasok si Alex na mukang masama ang mood, sa pang huli rin ito naupo.

Naagaw ng pansin ko ang isang lalaki na pumasok sa may harapang pinto, naka salamin ito at sa tantya ko ay edad trenta pataas may mga dala din itong folder. Umupo ito sa harapan ko sa tabi ng isang tingin ko ay batang prosecutor din, saglit kong tiningnan ang pangalang nakaimprenta sa lamesa nito.

Prosecutor,Lee Cuevas.

Ilang sigundo lang ay pumasok ang dalawang matandang babae at lalaki, naupo iyon sa unahan . Ilang sigundo lamang ay nagsimula na.

"All rise 101 district court is now on session, under judge Kate McCarthy."
Anang ng matandang lalaki, lahat kami tumayo at pinagmasdan ang bagong pasok na babae na sa tingin ko ay ang tinatawag nilang Judge Kate.

Dumiretso iyon sa pinaka gitnang upuan at ngumiti.
"Thank you, you may now be seated. The court is now on session." pagkasabi non ng judge ay pinanlamigan na naman ako ng kamay.

"The case 1052, Hart Cabaliez and Giovannie Reyes is now on session." ani ng judge. Pagkatapos ay naupo at inayos ang mike sa harapan nya.

"Is the prosecution ready?" the judge asked. Ang kaharap kong lalaki ay tumayo at nagpahayag na ready na sila.

"Is the defence ready?" the judge asked, tumayo si Attorney at sinabi rin na handa na sya. Ni hindi ko namalayan namay katabi na si Attorney na babae, muka rin itong Attorney.

"We are now opening station of the prosecution." sambit ng judge at naupo ng maayos.

Ang kaharap namin ay tumayo, ang nag ngangalang Prosecutor Lee.

"Thank you your honor, your honor my name is Lee Cuevas this is my co-counsilor." pagtukoy nya sa katabi nyang lalaki.

"We represent the prosecution team,and today you will hear the case about murder. The defendant on this case kill Hart Cobaliez on his birthday, he take advantage of the victim's situation of being drunk and kill him in his room using Calliber 45. And your honor this is why we ask for guilty verdict."

Nanlamig ako at hindi makapaniwala sa binitiwang salita ng prosecutor. Binalingan ko si Attorney na purong kaseryosohan lang ang mababakas sa muka.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now