CHAPTER EIGHT

162 90 11
                                    

  Chapter 8 

                   VANNIE

NANG tumigil ang eroplano kong sinasakyan ay mabilis nakong bumaba.

Saglit muli akong namangha sa kagandahan ng lugar. I smiled.
Nagpatuloy lang ako sapaglalakad. Medyo malayo ang sakayan ng taxi kung kaya't kailangan kopang maglakad ng di kalayuan.

Saglit akong napahinto ng may nabunggo. Hindi ko sya nakitang paparating.

"Ouch!" daing ng isang balingkinitang babae.

Napaupo ito sa sahig at nalaglag ang mga gamit,marahil ay sa lakas ng bangga ko. Inabot ko ang braso nito at tinulungan tumayo.

"Pasensya na hindi kita napansin" hingi ng pasensya ko. Hinarap ako nito at bumungad saakin ang maamo nitong muka.

"W-Wala yun,kasalanan korin naman" mahinhing sambit nito,saglit pa nyang pinasadahan ng ayos ang bangs nyang nabagsak. I smiled.

"Ayos kalang ba? I mean hindi kaba nasugatan?" kuryoso kong tanong,saglit itong ngumiti at nagiwas ng tingin sakin.

"A-Ah ayos lang naman ako, ako nga pala si Lexxy" namangha akong tumingin sakanya. Sya naman ay namula siguro ay nahihiya dahil sya pa ang unang nagpakilala.

I chuckled. "Im Giovannie,nice meeting you" naglahad ako ng kamay na mabilis nitong dinaluhan.

"Mauuna na ako,may pupuntahan pako" ani ko,sya naman ay ngumiti at tumango.

"Sige,ako din. Bye!" masigla nitong paalam. Ngumiti ako at kumaway.

Ilang saglit pa ay sumakay na ako ng Taxi.

"Bacungan Hospital." ani ko sa driver.

"Sigi po,"

Tahimik muli akong tumingin sa labas ng bintana. Malapit lang ang Ospital kung kaya't nakarating ako ng mabilis.

Pumunta ako sa lobby at nagtanong.
"Rolita Reyes." tumango ang nurse bago hinanap ang pangalan ni Mama.

"Room number 39 po" ngiti nito,tumango ako at dumiretso sa tinutukoy na kwarto.

Kahit kinakabahan ay mabilis kong pinihit ang doorknob. Bumungad sakin si mama na mahimbing ang tulog,at si tiya na nakatulog narin sa maliit na sofa.

Pinatong ko ang gamit sa lapag ng hindi na gawa ng ingay. I sighed. Tuwing nakikita silang ganyan ay nanglulumo ako.

Lumapit ako kay mama at saglit na pinadaanan ng hagod ang gray na buhok nito.

"Katutulog lang nya" napabaling ako kay tiya na nagsalita,humihikab pa.

"Kumain naba kayo tiya?" tanong ko at bahagyang lumapit sa kanya.

Kita ang pagod at wrinkles sa muka nito.

"Oo naman,iyang mama mo ang makulit at aayaw kumain" sumbong nito saakin. Saglit akong napailing.

"Ikaw? Kamusta ang trabaho sa manila? Hindi kaba papagalitan ng Boss mo?" inosenteng tanong nito.

"Mabait naman ang Boss ko tiya," aniko at bahagyang ngumiti.

"Kung ganon ay mabuti yan, saglit akong aalis dahil kailangan kong tingnan ang Farm," ani nito,medyo nagmamadali.

"Tiya ikaw lang ba magisa namamahala non?" nag aalala kong tanong.

"Hindi. Kasama ko si Rollie ang matalik kong kaibigan" ngiti nya.

"Pero hindi ba masyadong malawak ang farm,hindi nyo kakayanin kung dalawa lang kayo" ani ko dito.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now