CHAPTER FORTY-THREE

27 8 0
                                    

Chapter 43

In the morning. I recieved his email. Nasa loob ako ng ferrari at doon binuksan ang file.

Madroline Vergara Villafonte.

49 years old, Mother of Cassandra Villafonte, wife of the late deceased Judge Makhur Villafonte.

Bukod sa Gabrielle resort ay marami pa silang pag aari ang iba roon ay illegal na. And lastly she is allergic to nuts!

Sinara ko iyon at itinago sa maliit kong taguan dito sa loob ng kotse may lock iyon kaya safe ang mga pinaglalagay koron.

Binuksan ko ang engine ng ferrari bago iyon pina andar pababa ng North Collis papuntang bayan.
Kanina kopa itinetext si Hugo tungkol sa Babaeng iyon pero puro nalang pag kontra ang mga isinusukli nya saakin.

My phone rang. It's detective.

"Detective?" panimula ko.

"Hindi kita maintindihan Alex! Anong konek ng Madroline nayon sa kaso ni Gio?" naguguluhan nitong tanong. Ngumisi ako.

"Kung matalino ka maiintindihan mo." aniko. Ginagaya ang tono ng boses nya.

"Shut the craft Alexa!" nauubusan na ng pasensyang sigaw nya.

"Nasa kanya ang mga cctv footage, malamang ay kasali sya sa kasong ito."

"Pero Alex, hindi moba ako naintindihan? Sira ang mga camera nila nag sasayang kalang ng oras sakanya. Sa tingin mo ba ay hindi ko naisip iyon?"

"Maaaring hindi. Ang sinend mo saaking video sa Emergosa Cafe---"

"Nakuha ko ang Cctv na iyon sa katabing building ng resort at pinalinaw kopa iyon hanggang sa makakaya ko." bigla ay huminahon ang boses nito.

I sighed.

"Trust me Detective." ayon lang at pinatay ko na ang tawag.

Nasa file naka lagay ang Adress ni Madroline kaya naman hindi ako nahirapan na masusog iyon sa malinis na paraan.

Sa di kalayuan ng bahay nya ay pinatay ko ang makina. Naroroon lang ako at naka masid sa bahay.

May iilang maid sa labas at busy sapag kukwentuhan. Ang gardener naman ay busy rin sapag puputol ng halaman.

Ilang minuto pa ay tumawag na ang kanina kopang hinihintay na Caller.

"Grandpa." Ngiti ko.

"Alex, nagawa kona ang pinagagawa mo saakin. Sinigurado ko na liliban sa meeting ang Detective Matias na iyon tinawagan ko ang Head nila at sinabing si Hugo na lamang ang ipalit ng sa ganon ay huwag na nyang mapigilan ang iilang balak mo." si Lolo sa kabilang linya.

"Mabuti kung ganon Lo, maraming salamat." pagkuwa'y lumipad ang paningin ko sa side mirror ng kotse at doon nasilayan ang isang pamilyar na kotse.

"Sige ayusin mo, tatawag muli ako sayo kapag tapos kana. Bilisan mo at mamayang ala sinko ng hapon ay matatapos narin ang meeting ni Hugo at maaari ka nyang puntahan dyan." paalala nito.

"Sige Lo." ibinaba ko ang tawag at pinagmasdan ng maigi ang pag hinto ng kotse sa harap ng bahay ni  Mrs. Villafonte.

Lumabas ang lalaki ngunit naka hoodie ito at hindi ko gaano kaaninag ang muka nito.

Sino ang lalaking iyon? Lumabas ako ng kotse ng may sumbrelo sa ulo at mask na itim,doon lumiko ako sa isang iskinita sa likuran ng bahay.

Madilim at makipot ang iskinita, masangsang din ang amoy dito. Sa itaas ay may hagdan na naka konekta sa taas ng bahay ni Mrs Villafonte, siguro ay pang Emergency Exit.

Winds Of Fate (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu