CHAPTER SEVENTEEN

148 59 5
                                    

Chapter 17

"Aasahan kita, Mr Reyes." ani ni Architect Martinez.

"My pleasure to work with you,Architect." I smiled.

Sa tingin ko ay nasa mid forties na ito, kilalang mahusay na Architect. Inanyayaan ako nitong mag trabaho kasama sya, so I claimed the  opportunity. I hope this is my new beginning.              

"Alright! See you next month!" inilahad nito ang kamay nya, naka ngiti ko iyong tinaggap.

"See you then."  ani ko.

Nang makalabas na ako sa Cafe ay nag ring bigla ang cellphone ko. It's Em. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.  Napabuntong hininga ako bago iyon sinagot.

"Hello."

"Hi, Gio! How is it? Maayos ba kinalabasan ng pagkikita nyo ni Architect?" sabik na tanong nito.

"Yes. Maayos naman."  narinig kopa ang tili ni Emerald sa kabilang linya. Lalo lamang ako napabuntong hininga.

"John stop it!Hey Gio! See you later!" Then she hang up.

Pumara ako ng taxi papunta sa Mansion nila Alex. I was planning to go home this afternoon. Sa Puerto Prinsesa.

Nasa loob na ako ng taxi ng biglang nag text si Emerald.

-Sorry about John.

This is complicated. Ano ba ang iniisip nya? Wala naman akong pakialam sa mga nakaka relasyon nya. Ang sakin lang ay nag aalala lamang ako sakanya dahil baka gaya ng marami ay pera lang din ang habol sakanya ng John nayon.

-It's okay enjoy your time, I'm leaving.

Bigla ay nag ring ang phone ko.

"What do you mean you'll leave?" marahas na tanong nito.

"Uuwi ako sa Probinsya. Chillax. Just be careful to your boys." ani ko at ako naman ang nagpatay ng telepono.

Uuwi lang ako ng probinsya dahil kay Tito he wants me there. At tutal marami naman akong panahon mag bakasyon ay sinamantala kona rin.

                      ALEX

Dumating kami ng palawan ng alas tres ng hapon,nakakawala nang pagod ang view ng palawan.Andito ang purto princesa. Ibig sabihin dito ang hometown ni Gio?bakit hindi koyon naisip.

"What a nice place." hikab ni brandon na kalalabas lang ng van.

Bumungad samin ang isang Penthouse,sa labas palang ay kita na ang ganda nito dahil sa modernong kulay.

"Tuloy kayo!" dumapo ang paningin ko sa isang matandang lalaki na kalalabas lang doon,may kasama itong dalawang lalaki at isang matandang babae na mga naka uniporme.

"Tito!"

Oh I forgot,sya nga pala ang tito ni hart .Sya ang may ari ng penthouse na tutuluyan namin,isa ito sa mga binebenta nya dito ngunit wala pa namang bumibili.Sa likod nito ay nagkukubli ang isang payapang dagat,sadyang nakakawala ng pagod ang simoy ng hangin. Hampas lang ng alon at ibat-ibang uri ng huni ng ibon ang namamayani sa lugar.

"Iwan nyo na ang mga bagahe at ako na ang bahala dyan,pumasok na kayo at pinagluto kayo ni manang ng makakain."

Tila nabuhayan ako ng dugo don,totoong nakakagutom ang mahabang byahe.

"Yon! Sya nga pala tito,kilala mo naman ang mga kaibigan ko hindi ba?" tanong ni hart dito. Sandali pang napakamot ng ulo ang tito nya.

"Oo naman,ikaw ay si Alex tama ba?" turo nito kay brandon,na ikinatawa namin.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now