CHAPTER FIVE

190 104 7
                                    

Chapter 5

                     VANNIE

NAPALUNOK ako at dahang dahang napatingin sa relo. Ala una na ng tanghali at nagtatrabaho ako  kay Emerald,kahit naka sando at patuloy ang tagaktak ng pawis ko.

Sa kabilang banda naman ay si Emerald na naka tube na dress at nagpapaypay ng napaka laki nitong pamaypay. Napailing ako at nagpatuloy sa trabaho.

Hindi naman ganon kahirap ang trabaho mo,mag aassist kalang at kung minsan ay magtuturo sa mga baguhan.

Minsan ay nakakapagpahinga pag wala na masyadong Costumer,ilang beses koding tinitingnan ang selpon ko dahil baka may text o tawag si Alex dahil sabi nya ay kailangan kong sundin ang mga pinaguutos nya. Napapailing akong uminom ng tubig,kamuntikan pakong mabulunan ng mapansing naka tayo si Emerald sa harapan ko.

"M-May kailangan ka?" kabado kong tanong,ngumiti sya at lumapit saakin ng kaunti.

"Ikaw sana. Kaso ayaw mo saakin" kunwari'y nang hihinayang na sambit nito.

Medyu umatras ako,kasi naman masyado syang malapit pero ng mapansin nya ang ginawa ko ay nang aasar itong lumapit ulit. Hanggang sa nagkadikit na ang katawan namin.

Madir! Kaloka!

Narinig ko ang tunog ng chime samay pinto pero hindi ko malingat ang tingin kay Emerald.

"P-Pwede bang lumayo ka naman sakin ng konti?" naka ngiwi kong sambit. Hinawakan ko ang balikat nya at inilayo saakin ng kaunti.

"Emerald! Nako naman sabi ko sayo't 'wag mo gagahasain yan si Gio eh" mula sa likod ay napabaling ako sa pamilyar na boses.

Bree! Ang impakta nasasanay nang tawagin ako ng Gio!

"Hindi ko naman ginagahasa....pa" ngisi ni Emerald bago dumistansya saakin ng kaunti.

Tumunog ulit ang pinto at naagaw ng atensyon ko ang mag totropang pumasok ng Gym. My eyes narrowed when I saw Alex laughing.

Ano naman kaya ang ginagawa nya dito?

"Go on entertain them." bulong saakin ni Bree,masungit kotong siniko.

"Tumigil ka nga---"

"Lucas?" tawag ng kung sino mula sa likod.

Napairap ako sa mapang asar na boses ni Alex. Naka ngisi ito saakin bago lumingon kay Bree at Emerald.

"Hi" he smiled.

"Hello,I'm Emerald" nagkikisig-kisig na pakilala ni Emerald,para itong kinikiliti sa kilig.

"Nice meeting you." Alex said politely.

"Yow Men!" bumaling ang tingin ko sa tatlong mga lalaking kasama ni Alex,ang isa ay singkit ang isa naman ay mukang amerikano at ang isa ay maamo ang muka.

Si Alex lang ata ang naligaw na demonyo sa tropa nila.

"Hello!nag hahanap kasi kami ng malilipatang Gym." sambit nung mukang amerikano sa likuran.

Mabilis namang nagsalita si Emerald.

"Nako,kung ganon ay dito na kayo. Maganda dito at murang mura lang" nagmamalaking ani nito.

"Hindi naman mura ang hanap namin,yung maganda sana at pangmatagalan na" singit naman nung singkit ang mata.

"Maganda naman dito," ani ko,medyo naiirita.

Kung ayaw nila edi umalis na sila hindi yung ang arte arte pa nila 'wag na kaya sila mag Gym psh!

Napakislot ako sa kinatatayuan ko ng nalaglag sa paanan ko ang malaking pamaypay ni Emerald.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now