CHAPTER THIRTY

91 26 1
                                    

 Chapter 30

                          GIO

Alril 9 2021

"Nandoon sa bahay si Lexxy,natutuwa ako sa batang iyon. Napakagalang" nakangiting puna ni Mama isang araw ng dumalaw sya. Ngumiti lang ako.

"Kamusta na pala ang pinagusapan nyo ni Atty. Jang Cuerdo? Maayos ba?" kuryoso nitong tanong,nag aalala.

Bigla ay naalala ko iyon.

"Maayos naman Ma,nangako rin sya na muling babalik ngayon para mapagusapan ang ibang gusot." ani ko seryoso ngunit hindi mawaglit sa isipan ko ang takot .

Pakiramdam ko ay tuluyan na akong nanghihina,nawawalan ng pag asa. Idagdag pa ang katotohanang  may tyansa akong matalo sapagkat fingerprint ko ang nasa baril na ginamit sa krimen.

Oo tinapon ko iyon,but that's because Im scared to put the blame on me. I just get panicked.

"Mabuti naman at hindi na ako makapag hintay na makalaya ka." ansakit isipin na ang pinakamamahal kong tao ay syang mag sasabi saakin nyan. Dapat ay matutuwa ako pero bat parang lalo lang akong nalulungkot.

"Dadaan pa ako sa korte,hindi agad ako makakalaya Ma," aniko. Ayaw ko syang paasahin.

Tumawa ito ng pagak,kahit nasa loob ako ng rehas halata ko ang nagbabadya nitong mga luha.

"Kung mag salita ka ay parang tanggap mona ang ipapataw sayong parusa gayungding hindi ikaw ang dapat na managot nyan." mapait na ani nito. I sigh.

"Ma,biro lamang. Makakalabas agad ako dito,hindi ako makapaghintay matikman ang paborito mong pakbet." i said. Tyring to light the mood. Umiling sya.

"Kaya simula't sapul ay kinakasuklaman ko ang mga taong lumalangoy sa kanilang iba't ibang uri ng salapi." tila may ibang kahulugan na ani nito.

"Ma..."

"At iyang kasama mo,anong kanyang kasalanan?" hindi ko inaasahan ang tanong ni Mama,bagaman ay nasa likuran kolang si Lucas at payapa itong natutulog.

"Attempted Murder." sagot ko. Napailing si Mama tila di makapaniwala.

"Bakit ma?"

"Ang binatilyo bang iyan ay si Casyo?" tanong ni mama,nagpakawala ako ng pagak na tawa bago umiling.

Saan naman nya nakuha ang pangalang iyon?

"Lucas ang kanyang ngalan,Ma." medyo natatawa kopading sagot. Pero seryoso parin ang titig ni Mama dito.

"Oo nga, Lucas,Casyo ang palayaw nya." kunot noo akong binalingan ni mama ng tingin. Ako din ay naguluhan.

"Papaano nyo sya nakilala mama?"

"Noong nagkasakit ako ay naaalala ko paiyang sumasadya sa bahay para lang bigyan ako ng gamot. Mag isa na sya sa buhay kung kaya't lubos akong humanga sa tiyaga at kasipagan nito. " sagot ni mama ,nakangiti at tila nagbabalik tanaw.

"Papaanong napunta sya ng Purto Prinsesa gayunding dito sya nakatira? Nasa pangalaga sya ng Mayor dito sa bayan,papaanong anlayo naman nang kanyang narating?" medyo lito koparing tanong.

"Hindi kona alam,sapagkat medyo matagal na panahon narin iyon. Sa tansya ko ay tatlong taon narin ang nakakalipas, huling balita ko nga ay lumipad sya papuntang Manila at iniwan sina Carlos at Malikh sa Puerto Prinsesa" salaysay ni mama,napapailing.

Ano?Bakit tila naguguluhan ako? Sino naman ang Carlos na iyon at Malikh?

"Sino ang mga tinutukoy mo mama?"

Winds Of Fate (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu