CHAPTER FORTY-SEVEN

34 5 0
                                    

Chapter 47

Nasa entrada palang kami ng pinto ng bahay ay grabe na ang pag hatak saakin ni Alex.

Nagtataka ko syang tinitigan. Nilalakihan ako nito ng mata at may kung anong isinesenyas.

"Ano? Natatakot kaba? Ako ang bahala sayo." hinawalan ko ang kamay nito. Pero binawi 'rin nya.

"Na flattered naman ako sa sinabi mo. Hindi ako natatakot, wala sa boka bularyo ko 'yan." aniya bago nauna pa saakin pumasok ng bahay.

Anak ng! Ang tomboy na to talaga! Mabilis akong pumanhik sa loob ng bahay nandoon agad ay bumungad saakin ang matalim na titig ni mama.

"Magandang hapon po, Ma'am." unang bati ni Alex, si mama naman ay saakin lang naka titig.

I cleared my throat.

"Mama si Alex po,dito ko na sya niyaya mag tanghalian gusto ko sana syang patikimin ng luto ko." pahayag ko kay mama. Si Alex naman ay napa tingin sa gawi ko.

"Sige." ayun lang ang sinabi ni mama bago pumanhik sa kwarto.

"Mukang may galit parin saakin ang mama mo,may kilala ako ritong sikat na restau---" hindi ko gusto ang iniisip nya.

"Hindi, dito ka kakain." masungit kong sabi. Ayaw kong aalis sya dahil kay mama.

Minsan kolang sya makasama gusto ko na lubusin na 'to.

"Sige ikaw mapilit eh, magluto kana dahil talagang nagugutom na ako." mahina nyang bulong saakin.

Napapangiti akong napailing.

"Maupo ka sa sofa, mag luluto lang ako saglit." aniko bago dumiretso sa kusina.

Mag luluto sana ako ng Sinigang Ala Gio ko. Tiyak na kikiligin sya sa asim n'on.

Naka ngiti na akong nag ayos ng rekados. Nagulat na lamang ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Alex.

"Hindi ganyan ang pag hiwa ng sibuyas, tas yung bawang subukan mong pitpitin ng maigi." aniya na parang isang Pro.

Pinakita ko sakanya ang poker face ko. Pati ba naman sa sibuyas at bawang!

"Duon kana sa sala dahil mainit dito sa kusina,hintayin mo nalang ako matapos 'wag kana dumaldal dahil pakakainin talaga kita ng sibuyas na hilaw dyan."

Tumaas ang kilay nito.

"Kung ganon kakasuha kita ng Anti Bullying  Republic Act number three hundred and seven----"

I give a loud bark of laugher.

"Sige, but first try to solve this equation f(x,y)=2x³+3y²----" gaya ko ay pinutol din nya ang sasabihin ko.

"Sa tingin mo hindi ako magaling sa math?" kunot noong tanong nya.

I chuckled.

"Kidding! Duon kana sa sala kahit kasuhan mo pa ako handa akong mabuhay sa loob ng selda kung ikaw ang kasama." I winked.

Sumimangot sya bago pumahik sa sala. Mabait din naman pala ang babaeng 'yon.

Pinagpatuloy ko ang pag luluto, hindi naman iyon gaano katagal maluto kung tutuusin aabot lang iyon ng forty minutes and  forty nine seconds.

"Gio!!" natigil ako sapag hahalo ng marinig ang nakaka windang na sigaw ni Lexxy.

Pag harap ko sa pinto ay naka sandal lang sa hamba ng pinto ng kusina si Alex samantala si Lexxy ay naka tayo sa bungad ng sala.

"Gio busy ka?" si Lexxy na patuloy ang pag lalakad  hanggang sa makarating sa harapan ko.

"Ginugutom kasi ako gusto ko ng Halo-halo meron non sa kanto, samahan mo ako bumili. Saka sino sya?" binaba ko ang kamay nyang naka turo kay Alex.

Winds Of Fate (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara