CHAPTER ONE

475 137 62
                                    

 
Chapter 1

                          VANNIE

Nagising ako sa sobrang sakit ng katawan.

"Bakla! Gising kana?!" napairap ako ng bumungad sakin ang nag aalalang muka ni Bree.

"Ayos kalang ba?" tanong nito.

"Muka bang ayos lang ako?Nabugbog ako natural hindi ako ayos." singhal ko,napapikit ako ng maramdamang kumirot yung kaliwang braso ko.

"Ikaw kasi eh,dapat hinayaan mona." naka ngusong sambit nito, sinubukan kong tumayo pero nananakit parin ang katawan ko.

"Bakla wag ka muna tumayo! Bawal pa" nangungunot ang noo kong inalala ang nangyari kagabi.

May lalaking lumabas sa cubicle! Tapos wait,nag bublur na kasi ang paningin ko non eh. Basta naka itim sya.

Asan na kaya yun,bumaling ako kay Bree.

"Namukaan moba yung lalaki kagabi?" tanong ko dito.

"Hala ka bakla? Nagka Amnesia ka? Dimo kilala yun?" parang di makapaniwalang tanong nito.

Pinanliitan ko ito ng mata
"Itatanong koba kung kilala ko?"

"Boba! Si fafa Alex Mariano yun!" ani nito na parang kinikilig pa.

Akala--WHAT?

Nalaglag ang panga ko,ano namang ginagawa nya don?

"Hala! Bakla ampogi nya kagabi,nakakalango yung mga mata nya " tili nito,siniringan ko naman to.

"Ewan ko sayo ang landi mo! Hindi mo pa nga magawan ng paraan yung Obsess mong Ex sayo eh" i snorted.

"Hmpk! Kinasuhan kona sya" sambit nito,ako naman ay napailing.

Naalala ko na pumarito ako dahil nag hahanap ako ng trabaho! Gosh bakit ba ang tanga ko.

"Bree kailangan kona makalabas dito,maghahanap pako ng ma tatrabahuhan!" boyolente kong sambit.
  

"Edi mag hahanap tayo pagka galing mo,at huwag kang mag alala binayaran kona ang bill mo hindi mona kailangan mag waldas ng pera" ngiti nito sakin. Pampalubag loob,ngumiti ako bago umirap.

"Gusto ko nang lumabas." pinal kong sabi,napakurap kurap naman si Bree.

"Minor injury lang naman ang natamo ko kaya't kaya kopa" ani ko,bago bumaba sa kama. Napuruhan ata talaga ang braso ko. Aish!

"Hala? Kaya mona ba?!" kinakabahang tanong nito,nakahawak sakin ang kamay nito tila sinusupotahan.

Pinanliitan koto ng tingin at hinawi ang kamay.

"Chansing ka bakla." sumimangot ito

Kahit hirap  sa pagkilos ay binilisan ko ang pag susuot ng t-shirt. Lumabas na kami ng ospital at dumiretso sa Condo ni Bree. Well rich kid kasi tong baklang to eh.

Wala akong tinitirahan kaya pansamantala akong nakikituloy sa kay Bree.

Alas nuebe na at nagkakape ako sa kusina ni Bree.

"Hala! Wala na pala tayong stock. Naku bibili na pala ako" namomroblemang ani nito. Naka ayos ito at mukang may pupuntahan.

"San punta mo? Grocery tapos naka make up?" sarkasmo ko.

"May meeting ako ngayong alas diez,"

Napatango ako,uminom ako ng isang basong tubig pagkatapos ay tumayo.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now