CHAPTER FORTY-TWO

37 10 0
                                    

Chapter 42

I know her.

Pinagmasdan ko itong pumanhik sa kotse nya. Her long gray hair told me how old is she.

May kinakusap ito sa telepono, pag kuwa'y tiningnan ang bitbit na dala. Mabilis kong kinuhanan ng litrato ang matanda, pagkatapos non ay umalis na ito.

Saan ko nga ba ito nakita..

"Ahh, Excuse me. Saan banda dito yung Gabrielle Resort?" I asked the old civillian.

"Diretsuhin mo lamang yan, pagkatapos ay kumaliwa ka. Naroroon na ang resort." ngiti nito. I nodded and say 'thank you' .

The resort was Huge. Nasa entrada palamang ako ngunit napaka rami nang tao.

"Ouchh! " an old lady hissed from the back.  Napa upo ito sa sahig at hawak hawak ang paa tingin ko ay natapilok.

Dinaluhan ko ito.

"Are you okay Ma'am?" Her eyes drifted in me.

"Oh, yes! Medyo nanakit lang ang paa ko." she smiled.

"Mrs. Madroline Vergara Villafonte!" naalerto ang mga lalaking naka itim at dinaluhan ang matanda siguro ay personal guard.

"I'm fine, anyways thank you.." pagkuwa'y tumingin ito saakin.

"Wala po iyon." ngiti ko bago nilibot ang paningin .

Sa tingin ko ay hindi isang event lang ang ginaganap sa resort na ito. Napabuntong hininga ako.

"Can I ask ma'am? Hinahanap kopo kasi kung saang banda ginaganap ang kaarawan ni Mr. Lozano." tanong ko.

"What is your name? Sa kabilang building lang sya ginaganap hijo."

Tumango ako.

"Alex Mariano,Salamat po ulit." ngiti ko.

"Mrs Madroline---" bubulong pa sana ang body guard nito ng humalakhak sya.

"Stop calling me with my complete name, Renato. Anyways mag iingat ka Mariano,enjoy the event!" she then winked at me.

Madroline Vergara Villafonte.

Lumabas akong kotse at pumanhik muli papasok ng Cafe, dumiretso ako sa counter at hinarap ang isa roong waitress.

"S-Sir? May kailangan pa po ba kayo?"

"Yung babae kaninang bumili dito, pede koba malaman kung anong inorder nya?"

Napa nganga ito at hirap na sumagot.

"Naka Black medyo may katandaan narin kalalabas lamang nya." ngumiti ako para naman mabawasan ang kaba sa muka nya.

"Ah! Si Mrs. Villafonte po ba?" mabilis akong tumango.

"How did you know her?" pagkuwa'y tanong ko.

"Palagi po kasi syang nabili rito ng breakfast nya, sya po ang Owner ng Gabrielle Resort. Hindi nyo po siya kilala?" Nag dududa ang mga mata nito.  "Bakit nyo po natanong?" lumipad ang mata ko sa nanginginig nitong kamay.

Am I that scary?

"Oh! Well, she is my girlfriend's mother. Masyado na kasi s'yang magastos this fast few days kaya nag tataka lang ako kung saan napupunta ang mga pera nya." I laughed to lift up the mood.

"Kayo po ang Jowa ni Cassandra? Ang akala kopo ay may jowa syang inchik. Hindi kopo alam na hiwalay na pala sila." napangiwi ako andami namang nalalaman ng babaeng ito.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now