CHAPTER EIGHTEEN

128 57 1
                                    

  Chapter 18 

                        ALEX

Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang umabot ng alas dose ng hating gabi.
Bigla nalang nag ring ang telepono ni Hart.

"Wait it's tito," tumayo sya at naglakad papunta sa tabing dagat. Kami naman ay nag tatawanan na.

Halos ilang alak narin ang naubos namin dahil sa ibat ibang uri ng laro,na puro naman tungkol sa love.

"So? Hanggang anong oras tayo dito?" sabay sabay kaming napatingin kay Hart na naglalakad patungo sa kinauupuan namin.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko at sa bilis ng oras ay ala una na agad medyo dinadalaw na ako ng antok,dahil puyat din ako at ilang alak pa ang nainom ko.

"Siguro ay maya maya na,it's our Anniversary Hart magpaka lango muna tayo sa alak."   rinig kong sigaw ni Brandon na ultimo nasa malayo si Hart,sadyang natamaan na sya ng alak.

Wala namang nagawa si Hart kundi naupo na ulit.

"Anong sabi ni Tito Asrael sayo?"  tanong ni Andrew kay Hart.

"Pinaalala lamang nya na bukas na bukas ay dadating dito ang isa sa pinaka importanteng tao sakanya"  sagot nito,batid ko na byudo na ang tito ni Hart hindi kaya ay may panibago itong asawa?

"Sa tingin mo bago kaya nyang asawa ang ipakikilala nya?" tila nabasa ni Andrew ang nasa isipan ko kaya't nagtanong ito. Umiling naman si Hart.

"May dalawang anak si tito Asrael,sina Veronica at Michael kung kayat nangako sya sa pumayapang si tita Donna na ang mga anak nalang nila ang paglalaanan ni tito ng oras at atensyon,Malabong mag mahal ulit si tito dahil isa rin syang Workaholic na tao." 

Sabagay at may punto si hart,sa dami ng business ng tito nya ay imposibleng mag asawa ulit ito.

"Ataaa mannn bakit nyo pinag uusapan ang lovelife ng Tito ni Hartty!"  napapitlag ako ng biglang sumigaw si Brandon, masyado na syang natamaan ng alak kung kayat pati salitang binibigkas nya ay hindi kona maintindihan.

"Buti pa ipasok nyo na sa kwarto si Brandon lasing nayan at hindi na nya kaya pang uminom."  ani ko sabay tingin kila Andrew,mabilis naman silang tumayo at pinag usungan ang lasing nasi Brandon.

"Yahhhh!!!hindi pako lasing!ibaba nyoko!"   asik ni Brandon na nagpupumiglas pa kila Hart,si Andrew naman ay mukang nawawalan na ng pasensya.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nakapasok na sa Penthouse. Naiwan ako dito mag isa,napadako ang paningin ko sa Bonfire na wala nang lingas at halos baga nalang ang naroon,nangibabaw doon ang kumikinang na maliit na plastic.

Tumingin ako sa paligid bago iyon dinampot,walang pag aalinlangan koyong binuksan at tumambad sakin ang Pares ng hikaw.

Sino naman maghihika--

Teka,pamilyar sakin ang hikaw na ito
Dalawa itong half moon na kumikinang  tamaan man ng araw o buwan.

Ito y-yung.... Nasa panaginip ko. How come?

Wala naman akong nabalitaan na mahilig sa hikaw ang mga kaibigan ko.Ibinalik koyon sa plastic bago sinilid sa aking bulsa.

Bumalik sina Hart at Andrew ng may dalang isang malaking ice cream.

"Pampalamig.."  ani ni Hart sabay abot sakin ng kutsara,..ipagtatanong ko sana kung sino ang may ari ng hikaw ngunit wag na lamang.

Pumatak ang alas dos ng umaga at nagpasya na kaming pumasok sa loob upang mag pahinga..Hindi nako nakapag hilamos at nahiga nako sa kama,pinatay ko ang ilaw at kinandado ang pinto.

Ngunit kahit anong pikit ko ay hindi ako makatulog, nagising ako sa ginaw masyadong malakas ang aircon kaya pinatay ko iyon.



                            HART

Nagising ako sa tama ng sikat ng araw na nag mumula sa bintana,nilingon ko ang oras sa selpon ko at alas otcho na! Panigurado ay wala pang gising.

Tumayo ako at pasuray suray na tumungo sa banyo,nangingirot pa ang ulo ko dahil sa alak na nainom kayat nag pasya akong bumaba sa kusina at magkape. Tama nga ang hinala konat wala paring gising.

Habang nag kakape ay nakarinig ako ng yabag mula sa hagdan..si alexa na kaya yan? Ngunit bigo ako ng bumaba si Andrew.

"Aga mo ah.."  puna nya sabay lakad papuntang ref para kumuha ng fresh milk.

Magsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Brandon. Oo nga pala at dyan sa kwarto sa baba namin sya nilagay.

Nag inat inat pa ito bago tumingin samin..

"Gutom nako.." ani nito na parang gusto pa nyang ipagluto pa sya ng almusal nya .

"Kami den gutom na.."  Nagulat kami ng biglang niluwa ng pinto si Tito Asrael..


"TITO!!" gulat kong tawag dito,ay oo nga pala pupunta sya ngayon kasama yung--

"Tito,akala ko ay may ipakikilala ka samin?" tanong ko ng maalala ang kahapon, sinilip silip kopa ang lukuran nya.

"Oo nga, pasok kana hijo" ani ni tito sabay bukas ng maigi ng pinto.

"Salamat tito.."   at biglang pumasok si ....Gio???

At ano raw?Tito??

"GIO?" nagkasabay pa kami ni brandon ng  tawag dito. Si andrew naman ay naka upo sa isang stool samay counter at doon nainom ng gatas.

Halatang gulat din si Gio sa nakita nya.. Tumayo ako at nilapitan sila.

"Magkakilala kayo?" takang tanong ni tito..

"Yes tito,kaibigan namin sya sa manila"  ani ko ng naka ngiti.

"Mabuti at magkakilala na pala kayo hindi nako mahihirapan pa" ani ni tito sabay upo sofa.

"Pero ka ano ano mo sya tito?!" gulat uling tanong ko,si Gio naman ay napapakamot nalang ng ulo na parang hindi rin alam ang nangyayari.

"Hayy!! Magsi upo na kayo at pakikilala ko sainyo.."  gaya ng sinabi ni tito ay nag si upo kami.

"Gio is my nephew. " ani ni tito.

"Teka?pinsan ko sya?But you and dad are the only child of lolo" gulat na tanong ko. Umiling naman sya.

"Pamangkin ko si Gio sa aking half sister na si Rolita Reyes unang pagibig ni papa ang mama nya nasi Relani Velasco,bago pa nya nakilala si mama,"  paliwanag ni tito kaya't nagulat ako.

"Gio ngayon molang nakilala si tito?!" baling ko kay Gio,umiling ito.

"Pag silang palang kay gio ay naroroon nako sa tabi ng kanyang ina , sapagkat si Rolita lamang ang anak ni ama na babae kayat hindi rin ito maaaring pabayaan,At malapit narin ang loob ko. "  paliwanag pa ni tito.

"Ngunit bakit  ang Panggitna nya ay Armani  kung dapat sa una palang ay isa na syang ganap na Lozano?" tanong ko ulit.

"Dahil kasal na si mama at papa ng oras na nabuo si Rolita,ayaw ng mama nyang si  Relani na maging isang kabit kung kayat ang apilyido na inilagay doon ay ang bagong kasintahan ni Relani nasi Eduardo Armani.." ani ni tito sa isang malumanay na boses.

"Kung ganon ay pinsan koparin ba sya?"  nangingiti kong tanong na ikinatango ni tito..

"Of course!"

"YES!!"  sigaw ko sabay talon..

Niyakap ko si Gio at tinapik ang balikat,Sobra akong natuwa sa balitang  akin narinig.

"Kaya sana ay magkasundo kayo ng mabuti,sya nga pala magaling sa pagluluto si gio,pangkin iyo ngang handogan sila ng isa sa pinakamasarap mong putahe.." 

At dahil don si gio na ang gumawa ng pang almusal namin! Habang si Alex tulog parin...

Winds Of Fate (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt