CHAPTER FORTY

46 9 0
                                    

Chapter 40

 

Nasa labas ako ng bahay ni Carlos at hinahayaan ang manggagamot na gamutin si Ogay. Mula sa pinto ay lumabas si Malikh at pumunta sa direksyon ko.

"Pasensya kana, may panahon talaga na nawawalan sya ng control sa sarili."

"Hindi ko maiwasan mag alala, may pamilya yung tao at tinatakot lang naman namin para umamin." aniko.

Ang titig nito ay mas lalong tumigas, pagkuwa'y nag lihis ng paningin.

"Hindi ko alam kung  may karapatan ba akong sabihin sayo to. Pero ang grupo nila Ogay ang dahilan kung bakit namatay si Flerivia" puno ng hinanakit ang mata nito.

"Sinong Flerivia?" tanong ko, kuryoso.

"Ang asawa ni Carlos." napanganga ako at hindi nakapag salita kaagad.

May asawa na pala si Carlos? Woah!

"Anong kasalanan ninyo kay Ogay?" napaigting ang bagang nito bago umiling.

"Wala kaming atraso sa kanila." pag iling nito.

Nabaling ang tingin ko kay Brandon na kalalabas lang ng pinto, muntik pa ito matalapid sa ugat ng puno.

Napailing ako at wala sa oras na naisip si Gio. Kung kamusta naba sya o ano.

"Alex!" pagtawag ni Brandon.

Si Malikh ay tumango bago pumanhik sa bahay nila.

"Gising na si Ogag! Halika na!" pagbatak nito sakin.

"Ogay." pag tatama ko.

"Whatever. Come on!" hinigit ako nito hanggang sa makarating sa bahay.

Naroroon ay ang maputlang si Ogay at diretso ang tingin sa pinto. Si Carlos ay hindi ko nakita pero naroroon si Malikh at naka upo ilang kilometro ang layo kay Ogay.

Lumapit ako dito at pinantayan sya ng upo.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko at ineksamin ang buong katawan nya.

"Nabanggit mo kanina si Hugo. Maaari mobang linawin kung anong apilyido nito? Okaya ay itsura? Pangako hindi kana namin sasaktan."

Maraming Hugo baka iba ang tinutukoy nito. Umaang ang labi nito tila may gustong sabihin pero hindi namutawi.

"H-Hugo....S-Silva"  hirap na bigkas nito. Naiwan akong nakatulala at naka kuyom ang kamao.

I take a deep breath, that was a good news tho.

"Anong itsura nya?" mahinahon kong tanong, lumalim ang gitling ng noo nito. Tila nag iisip.

"Seriously, Alex?" singit ni Brandon sa likod ng mapansin na nahihirapan si Ogay.

" Come on, Ogay! Anong itsura nya?!" pilit kong inalog ang balikat nya, ngunit ay ngumiwi lamang sya.

"H-Hindi ko pa s-sya nakikita.. Nasabi l-lamang saakin ang n-ngalan nya." hirap paring sambit nito.

Lalo akong nainis. Dapat ay kilala nya ang tinutukoy nya.

"Si Evren Roscon. Kilala mo ba?" tanong ko. Nakita ko kung papaano lumaki ang mata nito.

"E-Evren..."

Tumango ako.

"Tama ka si Evren. Kilala moba? " tanong ko, ngunit yumuko ito at ipinikit ang mga mata.

"Hayaan mona muna sya mag pahinga, Lex. Kailangan nya ng lakas." singit ni Brandon.

"Shut up,Brandon!" I snorted.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now