CHAPTER THIRTEEN

152 66 9
                                    

Chapter 13

NAGISING ako ng nakahiga na sa sarili kong kama. Tahimik at madilim, doon kolang naramdaman ang pawis na patuloy na tumatagaktak sa leeg at noo ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay naayos na ang aking pakiramdam. Balot na balot ako ng makapal na blanket at off rin ang Aircon, sa side table ay doon matatagpuan ang maliit na planggana at basang panyo.

Napabalik ako sa kinahihigaan ng pumihit ang door knob. Tumagilid ako at mariing pinikit ang mata.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumubog ang kama. Ano't naupo sya sa kama ko? Pinayagan koba sya?
Isang malamig na bimpo ang muling dumampi sa noo ko, hindi ko mapigilan ang mapamulat sa lamig noon.

Namalayan nya ang pagmulat ko kaya't dumistansya sya saakin, tinuon ko ang siko sa kutchon at dahan dahang umupo, hindi ako nag kakamali. Si Gio iyon,bakas ang pag aalala sa muka.

"K-Kamusta ang pakiramdam mo?" naninimbang na tanong nito.

Magsasalita na sana ako ng magbara ang lalamunan ko, nakaramdam ako ng matinding uhaw.

"T-Tubig..." mabilis itong tumayo at lumapit sa side table ko para kumuha ng tubig,ni hindi ko namalayan namay pitchel na pala doon at tubig. Baka ay dala nya ng pumasok sya?

Natuon sa tubig ang paningin ko hindi iniinda ang presensya nya. Nakalimutan ko atang binuhat nya ako kanina ng mahimatay ako.

"Pasensya na pumasok ako. Nag aalala lang ako dahil sa kalagayan mo." aniya gamit ang matigas na ekspresyon, nilapag ko sa side table ang baso at tiningnan sya ng may paghanga.

"Hmm. Ayos na ako salamat." aniko. Hindi napigilan ang pagtawa.

"Sana ay mayroong nakakatawa sa sinabi ko at ganyan ka kung tumawa." ngiti rin nya, siguro ay nagtitimpi.

"Mayroon. Ano't makalipas ang tatlong taon ay nagbalik kapa? Ang akala ko ay hindi na. Masasanay na sana ako." sarkasmo ko. Bigla ay kakaibang ngiti ang dumaan sa muka nya. Nakaramdam ako ng iritasyon ngunit ay pinanatili ko ang ngisi ko.

"Trabaho ko ito. Syempre ay babalikan ko. Papaano iyong masasanay? Ang akala ko ay sanay kana. By the way. Naririto parin ang mga kaibigan mo,naghihintay sapag gising mo." balik sarkasmo nya saakin.

Dumaan ang galit sa buong katawan ko. Pagkatapos nya ako iwan dito ng walang eksplenasyon ay babalik sya na para bang wala lang.

"Sana ay hindi kana bumalik. Kaya kona ang mag isa. Wala kanang silbi saakin ngayon." anggil ko pilit na nilalagot ang natitira n'yang pasens'ya.

"Talaga? Muka nga. Kaya mona ang mag isa. Kasama ang mga kaibigan mong halang sa kalibugan." he insulted. Hindi ko napigilan ang lakarin ang distansya namin at buong lakas syang itinulak sa pader. Hawak ang kwelyo nya ay ang nangangati kong mga kamay.

"At ano ang pakialam mo? Anong karapatan mong pagsalitaan sila ng ganoon?" gigil kong singhal sakanya.
Ganoon nalang kabilis para sakanya tanggalin ang kamay ko sa kwelyo nya, lumambot ang ekspresyon nya ngunit ang akin ay hindi!

"Pasensya na----"

"Lumabas ka." malamig kong tinuro ang pinto. Wala syang nagawa kundi ang magpakawala ng buntong hininga bago lumabas ng kwarto ko.

Galit kong winaras ang lahat ng mahawakan ko. Bakit parang ako pa itong mag dudusa sapag babalik nya?

Natigil ako sapag wawaras ng muling bumukas ang pinto at niluwa noon sina Andrew,Hart at Brandon.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now