CHAPTER FORTY-FIVE

35 7 0
                                    

Chapter 45

Love is the chemistry of two hearts that bond together with an unseen unbreakable bond that can't be broken even by death itself. It is a warm feeling that we have to nurture and take care of it. But sometimes love is harmful it is a poison to those person that is bitten by envy.

If the person does not felt the same feelings toward you, you should step back and welcome others to your life. Think wisely before you act, bare the pain God have better plan for your future.

 

                  GIOVANNIE

"Ikaw Giovannie Reyes ay napatunayang walang kasalanan, sarado na ang kaso!"

   

Napatayo ako at hindi naka kilos kaagad. Inaasahan ko ang pag dating ng araw na ito, ganito pala kagaan sa kalooban.

Mula sa loob hanggang sa labas, ang sariwang hangin, ang mga berdeng damo ang malamig at malinis na tubig ng ilog ang mga huni ng ibon sa himpapawid.

Tunay na akong malaya.....

Mula sa rehas, ngayon ay nakangiti ko nang nahahawakan ang mga halaman at puno. Sobrang nakaka panibago ultimo ang titig saakin ng mga mamamayan sa labas ay hindi ko makayanan suklian ng tingin.

"Alam mo ba kung bakit ka nila tinitignan?" tanong sakin ni mama.

"Kasi nga gwapo ako." ngiwi ko.

"Hindi, kasi nakikita nila sa loob mo ang matapang na ikaw. Huwag ka nga dyan! Baka umulan pa sa kahambugan mo at hindi tayo makauwi."

Nasa Park kami ni mama dito sa Puerto Prinsesa. Isa't kalahating taon narin simula ng makalaya ako, si Alex.. Naroroon sya sa Manila at umaasikaso ng mga kaso isa syang Attorney kaya naman masyadong mahalaga ang bawat oras nya.

"Mabuti nalang at nakulong na ang walang hiyang suspect nayon." pagtuko'y ni mama kay Andrew.

Hindi pa sya nakaka move-on. Ultimo ako ay hindi parin.

"Dahil sakanya nasayang ang panahon mo." ani pa nya.

Hawak ko ang iilang paper bag at naglalakad na papauwi.

"Mama, kalimutan mona 'yon. Mabuti at natulungan ako ni Alex."  pagkuwa'y wala sa oras akong napa ngiti. Natigilan si mama ng iilang sandali.

"Hindi lang naman dahil sakanya 'yon ano,
naka laya ka kasi pinapaboran ka ng tama" aniya.

Napabuntong hininga ako, may galit sya kay Alex at hanggang ngayon ay mainit parin nag dugo nya sakanya.

Bago kami lumuwas pa uwi ay nagawa pa nyang magalit kay Alex. Pinapa distansya nya saakin si Alex at hindi ako natutuwa doon.

Gusto ko si Alex, nasa stage lang siguro ako ng indenial pero alam ko sa sarili ko iyon. Matagal na ang pag tingin ko sakanya,noon nang suntukin ako ni Andrew alam ko ang kakaibang pag kislap ng mata nito, hindi ko alam pero inisip nya na may nangyari saamin o di kaya ay ginalaw ko si Alex nag tataka ako pero kalaunan nalaman ko na may pag tatangi 'rin pala sya kay Alex.

Nang mag tapat saakin si Hart sa gagawing pag amin kay Alex ay lubos ko iyong dinamdam, hindi ko alam na ganon din pala ang nararamdaman ni Andrew.

"Mama, gusto kong respetuhin mo ang nararamdaman ko para kay Alex." seryoso kong sabi.

Ang kaninang ngiti sa muka ni mama ay nawala, hindi ito kumibo at nauna saakin mag lakad.

Hanggang sa bahay ay malamig ang turing saakin ni mama, bakit aayaw nya kay Alex para saakin. Nasasaktan ako kung magtatagal ang galit nya kay Alex.

"Gio!!"

Sa pinto ay pumasok ang naka ngiting si Lexxy. Naka blue itong palda at damit, ganap na syang Flight Attendant.

Lumapit sya sakin at niyakap ako ng sobrang higpit, tatlong buwan lang namin hindi nakita ang isa't isa ay grabe na ang yakap nito.

"Grabe! Namiss kita, alam mobang ikaw ang iniisip ko papauwi?" ngumuso pa. Napailing ako.

Malaki na ang pinagbago nya, mas lalo na syang gumanda.

"Tita!! I miss you tita! May pasalubong ako sainyo."

Muli ay nakita ko ang pag ngiti ni Mama, good mood na ulit sya. Pinag masdan ko silang nag tatawanan habang ine eksamin ang mga pasalubong na damit at cologne.

Napapabuntong hininga akong napa upo sa single sofa.

"Nako gustong gusto ko ang mga ito, kumain kana ba hija?" ngiting ngiting tanong ni mama habang hawak ang white na damit.

"Nako tita, hindi pa gutom na nga po ako eh parang gusto ko kumain ng ginataang gabi ni Gio." hinarap ako nito bago himimas sa tyan.

Mabilis na suminghap si mama.

"Gio! Ano pang hinihintay mo? Ipag handa mo si Lexxy may ginataang gabi pa dyan maaari mo iyong initin!" madaliang utos saakin ni mama.

Napatayo ako at tumango, dumiretso ako sa kusina at ginawa ang gusto ni mama. Si lexxy ay naka upo na sa lamesa at pinag mamasdan lang ang mga galawan ko.

"Hindi mo pa ako kinakausap, nag tatampo na ako!" simangot nito habang pinag lalaruan ang tinidor.

Nilapag ko ang bande hado sa harapan nya.

"Hindi ba magagalit ang papa mo dahil dito ka dumiretso saamin?"  tanong ko.

Ngumuso sya bago ngumiti saakin.

"Actually nag pa party pa si Papa pero alam mo naman ako, ayoko ng mga ganyan ganyan kaya dito ako tumulo---" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng maibagsak ko ang baso sa lamesa.

"Hala okay kalang?" nag aalala nyang tanong.

"Dapat ay doon kana dumiretso, hindi porke na ayaw mo ay ikaw nalang lagi ang masusunod. " pangaral ko sakanya.

Sikat dito ang papa nya at natitiyak ko na pinag handaan nila ng maayos ang party na iyon. Tapos ay hindi lang nya pag tutuunan ng pansin.

"Uuwi din naman ako kaya 'wag kana magalit," aniya.

Napailing nalang ako at tahimik na nilapag sa harapan nya ang ulam, sa pinto ng kusina ay pumasok si Tiya gulat pa syang napa tingin saamin.

"Aba, narito ka pala Lexxy. Bagay na bagay kayo ng pamangkin ko."

Napasimangot ako sa tinuran ni tiya.

"Nako tita! Pinapangaralan nga ako eh. Di ata ako na miss!" napatitig ako sa muka ni Lexxy bago ay kay tiya na may mapanukso paring tingin saamin.

"Para na kayong mag asawa." si tiya.

"Tiya!" saway ko.

Pumasok si mama sa kusina at tiningnan ako.

"Bakit mo naman sinisigawan ang tiya mo? Talaga naman na bagay kayo ni Lexxy. Ewan koba kung bakit aayaw nyo pa mag asawa!" si mama na may kasamang tukso ang boses.

Hindi kona napigilan ang pag buntong hininga. Si Lexxy ay humagalpak.

"Nako tita, eh hindi pa nga po kami mag jowa asawa pa kaya!"

Lumapit saakin si mama bago ay pinalo pa ang balikat ko.

"Bakit naman hindi mopa nililigawan si Lexxy? Ligawa----"

Bigla naman tumayo si Lexxy. "Tita naman huwag nyo sya pilitin!N-Nakakahiya, saka mag kaibigan lang po kami." nahihiyang sambit ni Lexxy.

Tumawa si Mama, si tiya ay humahalakhak na pumasok sa kwarto.

"Basta ay boto ako sayo Lexxy, hindi na ako makakapayag kapag iba." ang huling salita ay diniinan pa ni mama bago ay sinipat ako ng tingin.

I sighed. Wala talaga akong say sa sarili ko ano? Kailangan ay sya ang mag pa plano sa kinabukasan ko, oo respetado ko ang mga gusto ni mama para saakin. Pero minsan sumosobra narin sya.

"Nako tita, 'wag kayong mag salita ng ganyan."

Hindi na ako nag salita pa at lumakad na papalabas ng kusina. Diretso ang lakad ko papalabas ng bahay.

Winds Of Fate (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora