CHAPTER THIRTY-THREE

38 11 0
                                    

Chapter 33

Maagap kong nahawakan si Tita Linda ng halos mag break down sya ng masilayan si Gio. Diretso ang tingin nya dito na halos gusto na nitong magwala sa poot.

Sa loob ng kulungan ay naroroon si Gio, hindi ko maatim na ngumiti sa kalagayan nya. Malago na ang buhok at bumagsak ang timbang, ngunit hindi parin maikakaila ang kakaibang dating nito.

"Tita hindi magandang pumarito ka." mahinang sambit ko samay tainga ni tita.

Umarko ang kilay nya at nagpakawala ng marahas na hininga.

"That man.... I can't believe he's my husbands nephew. Napaka dimonyo." gigil na utas nito . I take a deep breath.

Bumaling ako kay Gio na halos mangilid ang luha sa mata, ng malihis saakin ang paningin nito ay lalo akong kinabahan. Ang mata nitong malulungkot ay naka direkta saakin.

"You'll regret all you've done to my son, I'll make sure your life will stand as living hell!!" hindi na napigilan ni tita ang poot sa loob.

"I'm sorry.." Gio voice's broke.

Lalo lamang nangunot ang noo ko sa pinapakita nito, ibig sabihin ay inaamin nya?

"Linda!!" mula sa pinto ay pumasok si Tito Aldous at mabilis na ginagap ang kamay ni tita.

Nanlalambot na kaagad ang muka ni tita, bahagya naring naka bukas ng kaunti ang labi nito upang huminga ng maayos.

"I told you not to leave the house." malumanay ngunit may bahid ng galit sa boses ni Tito. Mabilis dumapo ang mata nya saamin ni Andrew.

"Mauuna na kami." malamig na paalam ni tito habang akay ang asawa.

"Sure tito, drive safely." boses ni Andrew, tito nod before leaving.

"Gio... I miss you bro," si Andrew.

Nilipat ko ang paningin kay Gio, pakiramdam ko'y pinagsisihan koyun.

Halos natuod ako at hindi makalapit sa rehas. Hindi ko maalis ang paningin kay Gio.

"Kamusta ka rito? Heto at may dala kaming makakain para sayo." ngiti ni Andrew at inabot ang supot ng plastic na binili ko sa grocery.

Bumaba ang tingin ko sa sahig. Hindi ko makayanang harapin ang mata nito.

"Salamat. Nag abala pa kayo."

"Wala iyon, kaibigan ka namin at maliit na bagay lamang yan."

Hindi ko naiwasang pagmasdan si Andrew na naka ngiti kay Gio. Papaanong gumaan kaagad ang loob nya rito?  Hindi sya ganito ka saya .

"Sa tanong mo saakin kanina ay ayos lamang ako. May nais lamang ako makausap ng mag isa." hindi ko mawari kung saakin ito nakatingin o hindi.

"Sure! Si Alex ba? Sya ang nag yaya pumunta dito na miss ka ata!" sinabayan iyon ng iilang halakhak ni Andrew. I gulped. Hindi sya ganito naging kasaya makalipas ang anim na taon.

Ngayon lang.

"Really? " may panuya sa boses nito.

"Yup! So sige kausapin mona. Sa labas  na ako maghihintay Lex."

Lumakad palapit saakin si Andrew at sinenyas na lalabas na tumango ako at sandaling nag isip kung lalakad palabas o kakausapin sya.

Damn Alex! You're here to talk to him! Stop being stupid!

"How are you?" napangiwi ako sa tanong nya. Hindi ba dapat ay ako ang magtatanong non?

"I'm always fine. How about you? Bakit mo nagawa iyon kay Hart?" tanong ko habang ang dalawang kamay ay naka kapit sa rehas.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now