CHAPTER FIFTEEN

161 65 1
                                    

Chapter 15

                         GIO

Isang hapon ay tahimik akong lumabas ng Gym ni Emerald. Ang mga trabahante doon ay parang tuko kung maka habol ng tingin saakin.

"Sya 'raw yung bagong boytoy ni Miss Emerald?"

"Oo balita ko eh. "

I silently cursed in my mind. Bakit kasi hinayaan ito ni Emerald, ang bruhang yon ay inuubos ang pasensya ko.

ISANG door bell palang ay bumukas na ang pinto ng Condo ni Emerald, pumasok ako ng diretso at prenteng naupo sa sofa.

"May pagkain sa kusina, kumain ka muna mukang napagod ka ng husto. " boses ni Emerald mula sa likuran ko, umiling ako at ipinikit ang mata.

"I'm just tired." I boredly said. Nang maalala ko ang bulungan kanina sa Gym ay napatayo ako ng wala sa oras. 

"Ano at hinahayaan mong kumalat ang maling paratang saatin Emerald?" patukoy ko sa chismis na kumakalat, lumapit ito saakin naka spaghetti strap lang ito at evening short.

"Wala naman akong magagawa kung iyon ang iniisip nila,  wala naman tayong maling ginagawa ah! Chillax!" she laughed. I snorted.

Ilang araw na ang nakalilipas ng maabutan kami ng isa sa mga empleyado ni Emerald sa mini Office nya magka patong! Damn! It's not like that!

Matutumba sya kaya't sinalo ko sya pero mabigat pala kaya pati ako ay natangay! And we're not even baby talking. Nag uusap kami sa binabalak nyang pag rerenovate sa Gym nya, gagawin nya iyon limang palapag. May iilan lang akong itinama sa gawa nya ay bigla nya ako nakitaan ng  potensyal! Kaya eto ako! I'm helping him with his layout. That's All.

"Fuck, fine!" sumuko ako at bumalik sa pagkaka upo sa sofa.

"Don't stress yourself, Gio. Mag hintay kalang at kukunin ko ang blueprint sa silid ko. " I just nod.

Inikot ko ang paningin sa sala, at halos puro painting ang masisilayan doon. Sa disenyo naman ng Condo ay wala rin ako masabi, magaling ngunit ay medyo palpak ang iilan. Tulad ng labahan na dapat sa kusina, wala at naka tayo iyon sa tabi mismo ng library.

"Here. " nilapag nya sa center table ang blueprint. Napatango ako, ganon parin iyon tulad ng napag usapan namin.

"Pinakita ko kay Architech Martinez ang layout na iyan, magaling at nais ka nya makilala! " magiliw nyang sambit. 

Binalikan ko ng tingin ang layout.

"Bakit nga ba ang galing mo sa mga ganyan,Gio? " nanliliit na matang tanong nito. 

"Nakatapos ako ng Engineering,Em. Kaya't huwag kanang mag taka." simpleng sagot ko.

"What?! Can't believe, gym instructor, then baby sitting---"

"Oh shut up! I'm not baby sitting, I'm guarding her." pagputol ko kay Emerald. Tumawa ito ng malumanay napailing ako ng wala sa oras.

"Now a bodyguard,huh? Hindi na ako mag tataka na sa susunod ay makikita kita sa palengke na kargador o dikaya ay mangingisda. Lahat ata ng trabaho ay pinapatos mo!" hindi pa sya nakuntento at tumawa pa ng malakas. Napabuntong hininga ako.

Mararangal na trabaho ang mga iyon, anong nakakahiya doon?

"Wait a minute! Yung cookies ko baka masunog." pumunta sya sa kusina at iniwan ako sa sala.

Bigla ay pumasok sa isipan ko si Alex. Masaya ako at naka tapos na sya. Sa wakas ay matututo na sya mag banat ng buto.  Napangiti ako ng wala sa oras.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now