CHAPTER SIX

189 97 16
                                    

 Chapter 6  

                      VANNIE

NAGISING ako ng alas sais ng umaga na namamaga ang labi. Tamad akong tumayo at humarap sa salamin nakakapanglumo tingnan na medyo namaga nga ang labi ko dahil sa anghang ng pinakain sakin ni Alex kahapon.

Tuwing nababanggit ko ang pangalan nya ay kumukulo ang dugo ko! Bwisit talaga. Gagantihan ko sya.

Inis kong ginulo ang buhok,lumabas ako ng silid ko ng tahimik. Tulog payung mokong nayun. Ano kaya kung sabuyan ko sya ng malamig na tubig habang natutulog?

"Hayop ka GIO!!"

Napangiwi ako ng maimagine ang galit nyang muka at nakakatakot na sigaw .

Eh kung dumihan ko kaya ang buong kwarto nya? Kaso ay naalala ko ako din ang paglilinisin non. Haist!

Dumiretso ako sa kusina at nag salin ng fresh Milk sa baso,habang nagiisip ng igaganti ay biglang tumunog ang door bell.

Sino naman kaya iyon?

Nilapag ko sa lamesa ang baso at dumiretso sa pinto,pagbukas ko non ay isang lalaki na naka uniform. Delivery boy?

"Sino sila?"

"Magandang umaga po,dito poba nakatira si Alex Mariano?" tanong ng lalaki. Napakibot ang labi ko.

"Oo bakit?"

"Ihahatid kolang po sana tong inorder nya." ani nito sabay labas ng isang supot nama'y damit.

"Sige akina ako na ang mag aabot sakanya." ani ko,nilahad naman nya saakin ang damit.

"Sige po salamat,kailangan daw po nya 'yan ngayong umaga kaya pabigay nalang po." masiglang ani nito. I raised my eyebrow nilamon na ako ng kuryosidad.

"Sige." tumango pako bago pumasok sa sala,dala dala ang damit na inorder ni Alex.

Naupo ako sa sofa at saglit na nilibot ang tingin,sinigurado kong tulog pa si Alex bago binuksan ang order nya.

Isang Tux na gray ang bumungad saakin. Maganda iyon at parang kasukat kolang.

Saan naman kaya nya 'to gagamitin? Hmm. Napangisi ako ng makaisip ng igaganti.

Dala ang damit ay pumunta ako sa washing ground,doon ay bumungad saakin ang kulay pink na jobus. Medyo napa hagikhik ako sa naisip.

Ano kayang itsura nya kapag kulay pink ang suot nya. Mabilis kong jinobus ang damit nya saka mabilis na dinrayer. Sampung minutos lang ang tinagal ko. Bumalik ako ng sala na dala ang tux na pink,saglit kopang pinakiramdaman kung gising na si Alex.

Dahil tulog pa ito ay mabis kong nilagay sa plastic ang Tux at pinatong sa tabi ng tv. Siniguro ko na mabilis nya iyong mapapansin.

Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto at nagpalit ng pang jogging. Mag jo-jogging ako para di nya ako maabutan. Dahil alas dose ng tanghali pa naman ang pasok ko kay Emerald at wala akong ibang gagawin. Malinis ang bahay ng iniwan ko.

                         ALEX   

NAPABANGON ako sa alarm clock ko sa gilid, naupo ako at saglit nag inat. Masigla akong tumayo at binuksan ang bintana. Alas otcho na pala? Humikab ako at isinuot ang panloob na tsinelas.

Nagmamadali akong bumaba sa kusina para magluto ng umagahan.
Saglit pakong nag hilamos bago nag luto.

Bacon at Hotdog lang ang niluto ko dahil dalawa lang naman kaming kakain ni Gio. Speaking of him,bakit naman hindi pa s'ya nababa ano yun napuyat?.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now