CHAPTER TWENTY-FIVE

85 41 5
                                    

 Chapter 25

                         ALEX

3 days had passed.

Huling lamay na ngayon ni Hart.

Naka upo ako sa silya at tahimik na nakamasid sa kabaong nya. Huling araw na ngayon ngunit hindi kopa rin nasisilayan ang muka ni Brandon,mula nang nangyari ang trahedyang iyon ay naglaho narin na parang bula si Brandon.

"Alex" napabaling ako kay Andrew na naka tayo sa tabi ko,malungkot ang muka nito.

"Kumain ka muna,kahapon pa ng tanghali ang huli mong kain." umiling ako at muling bumaling sa unahan.

Hindi naman ako nagugutom. Kung ako ay kahapon pa ang huling kain ano pa kaya sina Tita Linda at Tito Rick,ni hindi kopa nga sila nasisilayang kumain.

"Wala akong gana."  muli ay pinagmasdan ko ang mga taong umiiyak at nakikiramay.

"H-Hindi matutuwa si Hart pag ganyan ka."

Hindi ko nga alam kung kailan ko sya napasaya.

"Andrew, hindi mo parin ba tukoy kung nasaan si Brandon?" pinagmasdan ko ang muka nitong unti unting umiling.

"W-Wala parin akong balita sa kanya,pati ang mga magulang nya ay nag aalala na sakanya" umiiling ito habang nag sasalita at tila nalulungkot sa mga nangyayari.

Tumayo ako at naglakad papunta sa unahan... Lumapit ako sa nakahimlay nasi Hart at doon ay tinitigan sya ng mabuti.

Pangako. Hindi ako titigil....gagawin ko ang lahat makamit lang ang hustisya. Sisiguraduhin kong magbabayad ang may sala.

Muli ay pumasok sa isipan ko ang imahe ni Gio. Kung sya nga ang may sala,bakit nya yon ginawa kay Hart? Ano ang motibo nya?

Nalilito ako at hindi makapag isip ng tama.

                            GIO

Ika-apat na ng April,ngunit heto ako at nanlalamig sa loob ng selda.

Ni hindi ko manlang nasilayan ang lamay ni Hart,alam kong masyadong mainit at galit ang dugo lahat ng tao saakin.

Muli ay umihip ang panghapong hangin na lalong nagpaginaw sa hubad baro kong katawan.

"May dalaw ka inmate number eight!" rinig kong sigaw ni Warden Isolde.

Gumapang ako papunta sa tabi ng rehas at doon nasilayan ang lumuluhang si Mama. Napabuntong hininga ako.

"Gio anak,pasensya kana at natagalan ako sapag dalaw. Anak a-ayos kalang ba dyan? May masakit ba sayo? Sinasakta--"

"Ma,ayos lamang ako dito. Nadala nyo ho ba ang damit na pinapadala ko?"

"O-Oo anak,eto at nagdala ako ng makakain mo." humihikbing inabot ni mama sakin ang dalang supot. Naginit ang palibot ng mata ko ngunit wala namang nalabas na luha.

"S-Salamat dito,pasensya na kayo at ganito ang sitwasyon natin ngayon"

"A-Anak,wala kang kasalanan. Naniniwala akong hindi ikaw ang may gawa. Huwag kang mag alala at ilalabas kita dito" bagaman humihikbi ay desidido ang boses ni Mama.

Napangiti ako sa isiping iyon. Sa ganitong sitwasyon ay alam kong hindi ako nag iisa atleast kahit papano nabubuhayan parin ako ng loob.

"M-Ma,masyadong mahal kung kukuha pa tayo ng--"

"Tutulungan tayo ng tita mo, a-at paluwas na papuntang Manila si Lexxy." nangunot ang noo ko sa sinabi ni mama.

"Bakit pati si Lexxy ay nadamay pa dito Ma? " malumanay kong tanong dito.

Winds Of Fate (Completed)Where stories live. Discover now