"matagal paba?"tanong ko habang nag lalagay ng kilay. Andito kami ngayon sa cr.

Hinihintay namin yung taong pinapagawan namin ng mga assignment nila Elsie at Alfie.

"oh andito kana pala ang bagal mo naman."bulyaw ni Pat sa babaeng dumating.

"sorry po Mam Patricia natagal po kasi ginagawa ko pa po kasi yung assignment ko."sagot niya.

Nakita kong napataas ang kilay ni Pat. Talagang palaban ang babaeng toh di talaga ako nag kamali na maging friend siya.

"talagang inuna mo pa eh diba binabayaran ka namin tapos babagal bagal kapa, oh ito na alis na."sabi naman ni Brith sabay bigay ng bayad.

Isa rin toh matapang rin toh di rin ako nagkamali.

"ito na Sandra tara na baka makahalata sila."sabi saakin ni Pat.

Tama kailangan namin bilisan baka makahalata yung dalawa.

"tara na."yaya ko at lumabas na kami ng C.R.

~Elsie's P.O.V~

Habang nag uusap kami biglang dumating si Sandra.

"Alfie andito na pala ang mga assignment niyo."sabay bigay saamin ni Sandra.

Nakita kong medyo pawisan siya.

"anong nangyari sayo Sandra?"nag aalalang tanong ni Alfie. Napatingin naman ako sa dalawa bagay sila.

Arayyy....

"ah sorry tinakasan ko kasi yung dalawa kong friend kasi niyaya nila akong mag cafeteria tumanggi ako kasi ginagawa ko yung assignment niyo kaya ayan para tuloy akong nakipag karera HAHAHA." natatawang sabi ni Sandra habang nag pupunas ng mukha niya. Nagulat ako ng biglang may sumamang powder pag punas niya sa mukha niya.

Ewan ko kung napansin rin niya or ni Alfie.

Maya maya pa biglang dumating yung mga kaibigan niya pawisan rin sila.

"Sandra andito kana pala."sabi ni Pat.

"oo nga natakasan mo kami ron ah."natatawang sabi ni Brith sabay punas rin ng pawis.

"kasi naman gumagawa nga ako ng assignment nila tapos yayain niyo ako."sagot naman ni Sandra.

Ang bait ni Sandra talagang tatalikuran niya yung mga kaibigan niya para saamin.

"oh i see sige hintayin ka nalang namin doon."sabi ni Pat sabay hatak kay Brith.

"pasensya na makukulit yung dalawang yun."natatawang sabi ni Sandra.

"okay lang yun Sandra maraming salamat kasi ginawa mo yung assignment namin."sagot ni Alfie.

Tumango naman ako.

"oo nga Sandra pero minsan kami nalang ha kasi nakakahiya na eh."sagot ko.

Napatango naman si Alfie.

"oo nga naman Sandra nakakahiya na."segunda naman ni Alfie.

"wala yun basta kung kailangan niyo ng tulong ko tawaging niyo lang ako."sabi ni Sandra sabay alis.

~Sandra's P.O.V~

"oh ano Sandra okay ba yung acting natin?"tanong saakin ni Pat pag kaupo ko.

"ok naman pero nainis ako."sagot ko.

Oo naiinis ako sila na nga yung tinutulungan sila ps yung tumatanggi bwesit.

"bakit naman?"tanong saakin ni Pat.

"kasi naman ayaw naraw nila mag patulong."sagot ko tingnan ko sila ang saya saya nila naiinggit ako.

Bwesit kasi yang baklang yan eh.

"okay lang yan Sandra marami pa namang araw eh."sagot naman ni Brith. Napatango naman ako.

~~~~~~~~~~~~~

Vote. Comment.

Past is Past 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt